SamaKa

SamaKa Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SamaKa, Youth Organization, Estrella Naujan Oriental Mindoro, Naujan.

26/10/2024

Samaka ulit?

Ipakita ang pagmamahal sa sarili sa pamamagitan ng pag-aalaga ng iyong kalusugang pangkaisipan. Minsan, ang pinakamalaka...
21/10/2023

Ipakita ang pagmamahal sa sarili sa pamamagitan ng pag-aalaga ng iyong kalusugang pangkaisipan. Minsan, ang pinakamalakas ay ang may malusog na isipan.
---------------
Kasabay ng pag-usbong ng mga palihan ukol sa mental na kalusugan, muling nagsagawa ng gawain ang SAMAKA Organization ng Interactive Seminar na may temang “Mind Matters: Understanding Mental Health” na kung saaan ay ito ay pinangunahan ng mga kabataan. Makabuluhang mensahe ang ibinigay ng tagapagsalita na si Ma’am Karizza Joy Abacan na walang alinlangang naglaan ng oras sa naturang gawain na naglalayong bigyang-pansin ang mga senyales ng mental stress at kung paanong ang mga taong nakararanas nito ay matulungan nang tama. Ginanap ang nasabing interaktibong palihan sa Philippine Baptist Church-Estrella Naujan, Oktubre 21, 2023-Sabado.

MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAKIISA AT TUMULONG! PAGPALAIN KAYO NG POONG LUMIKHA.

mental health matters. It's okay to prioritize self-care.
!SamaKa
MATTERS: UNDERSTANDING MENTAL HEALTH

Halina't sipatin natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng Palihan ukol sa Mental Health.Usapang Kalusugang Pangkaisi...
13/10/2023

Halina't sipatin natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng Palihan ukol sa Mental Health.

Usapang Kalusugang Pangkaisipan (Mental Health) naman ang ihahandog sa inyo ng SamaKa. Ano pa ang hinihintay mo? Tara SamaKa!

Sa ngayon, unang 30 tao lamang ang aming prayoridad. (Teens/Youths/Elders). See you! 🥰☺️

Team SAMAKA! 💚🤍
06/10/2023

Team SAMAKA! 💚🤍

Naglalakihang Kilos ng mga Kabataan, Nanguna sa Tabing-DagatSa gitna ng pagbabago ng klima at pag-aalala sa lagay ng ati...
01/10/2023

Naglalakihang Kilos ng mga Kabataan, Nanguna sa Tabing-Dagat

Sa gitna ng pagbabago ng klima at pag-aalala sa lagay ng ating kalikasan, isang maagang hakbang ang isinagawa ng mga kasapi ng SamaKa Organization na kung saan ay nagsagawa ng paglilinis sa tabing-dagat na naglalayong mapanatili ang kalinisan at pangangalaga sa yamang tubig ng kalikasan. Ito ay ginanap noong ika-30 ng Setyembre 2023 sa Barangay Estrella, Naujan, Oriental Mindoro.

MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAKIISA AT TUMULONG! PAGPALAIN KAYO NG POONG LUMIKHA.



Address

Estrella Naujan Oriental Mindoro
Naujan
5204

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SamaKa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SamaKa:

Share