08/04/2025
Pagbati ng isang magandang gabi sa lahat ng opisyales at kasapi ng BISIG Naujan LGBTQIA+ Association.
Matagal-tagal na rin po ang nakalilipas mula nung tayong lahat ay huling nagkita, nagkasama-sama, nagkakwentuhan, nagkainuman, nagkasalusalo, nagkatawanan at minsan ay nagkakatampuhan pa. Marami na ang mga pangyayaring naganap sa bawat isa sa atin na mas nagbigay sa atin ng saya.
Alam ko po na may kanya-kanya tayong kaganapan sa ating mga buhay. Alam ko rin po na may kanya-kanya tayong interes sa buhay na kailangan nating pagtuunan ng pansin at unahin.
Mag-isa kong itinatag ang asosasyon na ito hindi para sa pangsarili kong interes. Mag-isa kong itinatag ang asosasyon na ito hindi para gamiting estrategihiya para sa pang pulitikang interes ninuman. Wala tayong pinanigan ni isa sa mga pulitiko. Wala tayong siniraan ni isa sa mga pulitiko. Tauspuso nating tinatanggap ang bawat pulitiko na nagpaabot ng kanikaniyang suporta sa ating asosasyon na may galak at wagas na pasasalamat.
Itinatag ko ang samahan na ito upang magkaroon ng solido, matatag, makabuluhan at tunay na may pusong Naujeño.
Base po sa aking nakikita, aking sinuri at lubos na pinag-aralan bago ko ito pinal na pagpasyahan o pagdesisyonan sa loob ng dalawang taon.
Humihingi na po muna ako ng paumanhin sa inyong lahat sa aking gagawing pagpapasya. Gayundin po sa aking mga pagkukulang para sa kapakanan ng asosasyon na ito. Alam ko na mas makakabuti ang desisyon na ito para sa ating lahat.
Hindi na po ako nagpatawag pa ng pagpupulong dahil po ang lahat ay abala sa kanya-kanyang mga gawain sa buhay.
Malaya na ang bawat isa sa kung anuman po ang inyong gawin at maging desisyon sa inyong mga sasaniban o sasamahan na asosasyon dahil ito po ay karapatan nating lahat at sa tingin ko po ay ito ang mas makabubuti sa ating lahat.
Ako po si Dennis G. Basilan, nasa wastong edad, kasalukuyang naninirahan sa Brgy.Barcenaga, nagtatag at naging presidente ng samahan na ito, ay pwersahan kong binubuwag at ipinapawalang bisa ang lahat ng anumang bagay, kaganapan o pangyayari, impormasyon gayundin ang pangalan ng samahang BISIG Naujan LGBTQIA+ Association.
Iminumungkahe ko po ngayong ika-8 na araw ng buwan ng Abril, taong 2025, ganap na alas-12 ng hating-gabi, ang pagpapawalang bisa ng lahat na may kaugnayan o koneksyon sa samahang BISIG Naujan LGBTQIA+ Association gayundin ang Batas (By Laws) na aking nilathala na ipinatupad at napagkasunduan.
Muli, paumanhin, maraming salamat po sa inyong lahat. Godbless Naujeños! Godbless Naujan!