28/04/2026
"๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ, ๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐ถ๐ฝ๐ถ๐น๐ถ"
Binigyang-diin ni Executive Secretary Ralph G. Recto sa kanyang pahayag na ang development support program ni Pangulong Marcos Jr. para 42,011 na barangay sa buong bansa ay mahigpit na nakabatay sa pagsunod sa mga itinakdang requirements at hindi sa anumang konsiderasyong politikal.
Sa ilalim ng programang "Bawat Bayan Makikinabang", makatatanggap ang bawat barangay ng P200,000. Kalahati nito ay maaaring gagamitin para sa mga proyektong pangkaunlaran at pangkaligtasan at ang natitirang kalahati at para sa "finisher program" para sa mga estudyanteng magsisipagtapos ng pag-aaral na nanganganib huminto.
Upang masiguro ang transparency, accountability, at mabilis na pagpapalabas ng pondo, sinusunod ng programa ang malinaw at pinasimpleng proseso ng implementasyon, kabilang ang pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento alinsunod sa mga patakaran at regulasyon ng Commission on Audit (COA).
Dagdag pa niya, sa Batangas, 980 sa 1,078 barangay ang nakatanggap na ng suporta, habang ang iba ay ilalabas ang pondo sa oras na makumpleto at masuri ang kanilang mga dokumento.
Ayon sa tala, ang mga tseke para sa mga barangay sa Nasugbu ay naihanda na para sa release ngunit hindi na-claim dahil sa hindi pagdalo sa turnover. Sa Taal naman, nagkaroon ng pagkaantala dahil sa hindi pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento. Gayundin, hindi pa lahat ng barangay sa Lipa, Batangas City, Calaca City, Tanauan, Lobo, Sta. Teresita, at Mabini ang nakatanggap ng ayuda dahil sa kakulangan sa requirements.
Pinabulaanan din ni Executive Secretary Recto ang paratang ng isang maling impormasyon na may 84 barangay, karamihan sa Nasugbu at Taal, ang hindi nabigyan ng tulong dahil sa pulitika. Muling niyang iginiit na ang pagsunod sa requirements, hindi politika ang batayan sa paglabas ng pondo.