06/02/2026
TO ALL DCBESIANS
Magandang umaga po sa lahat. Regarding po sa memo galing munisipyo at sa basura po natin ito po ay bilang gabay lamang.
Sabi po sa munisipyo ang tangi tatanggapin nilang basura ay residual waste lang at special hazardous waste.
Ano ba ang residual waste?
👉 Residual Waste o Tirang Basura ang tawag sa mga uri ng basura na hindi na kayang i-recycle, i-compost, o muling gamitin.
Kadalasan, ito ang mga basurang diretso sa landfill dahil wala na silang pakinabang.
Halimbawa ng Residual Waste:
❌ Plastik na hindi nare-recycle (styrofoam, sachet ng kape, shampoo, at junk food)
❌ Sanitary napkins
❌ Maruruming tissue at papel na may mantika (gaya ng used paper cups and paper plate halimbawa lagayan ng siomai)
❌ Plastic bottle na may kulay
❌ Mga luma o sirang basahan
❌ Mga gamit na hindi na mapapakinabangan pa
Halimbawa ng Special hazardous waste sa paaralan
❌Mga expired o natirang laboratory chemicals
❌Cleaning chemicals (bleach, disinfectants na may matapang na kemikal)
❌Lumang baterya (AA, AAA, rechargeable)
❌Sirang electronics (calculator, computers, printers)
❌Fluorescent lamps (may mercury)
❌Ginamit na gloves at masks (lalo na sa clinic o laboratory)
❌Cotton, gauze, at tissue na may dugo
❌Paints, solvents, at thinners
❌Pesticides o insecticides
❌Aerosol cans (spray paint, insect spray)
👉 Paalala:
Ang mga ito ay hindi dapat isama sa regular na basura. Kailangan ng proper labeling, segregation, at tamang disposal ayon sa school policy at DENR guidelines.
Ibigsabihin po ang mga biodegradable(gaya ng tirang pagkain, pinagbalatan ng prutas at gulay, pinag butuhan ng manok, baboy or isda, pinaglinisan ng karne at isda, etc.) at recyclable (gaya ng papel at plastic bottle na walang kulay) ito po ang matitira sa atin at tayo po ang mag dedispose nito.
Hindi po kokolektahin ang basura natin kung may kasama po itong mga tirang pag kain.
Segregate nang tama – Biodegradable, Recyclable, Hazardous, at Residual Waste.
-DCBESMNHS YES-O