24/08/2023
𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐀𝐧𝐭𝐢𝐨𝐣𝐨-𝐄𝐧𝐜𝐚𝐫𝐧𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧, 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐢𝐞𝐬: 𝟏𝟎𝟎 𝐒𝐞𝐭 𝐧a 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠-𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐚𝐭 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟏
Friday, August 18, 2023: Sa layuning mapalaganap at suportahan ang kinabukasan ng mga kabataan, ang Team Antiojo-Encarnacion ay nag handog ng 100 set school supplies sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang grade 1.
Umaasa ang Team Antiojo-Encarnacion na ang kanilang simpleng programa na "Balik Eskwela 2023" ay magbibigay-inspirasyon sa mga magulang upang patuloy na suportahan at maging gabay sa kanilang mga anak. Gayundin, umaasa ang Team AA na ang mga young learners na naging bahagi ng programa ay magpatuloy sa kanilang pag-aaral at maging mas determinado sa pagtahak ng landas tungo sa kaalaman.