11/02/2022
Magandang umaga po mga ka-gulay!
Muli, maraming pasasalamat para sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa ating murang gulay. Narito po ang larawan ng ilan sa ating mga taga-suporta.
Makakaasa po kayo na ginagawa ng Ugnayan ang lahat ng aming makakaya upang lalo pa natin mapalawak ang ating operation upang mas marami ang magkaron ng access sa murang gulay.
Nais din po naming pasalamatan ang mga patuloy na sumusuporta sa Ugnayan ng Magsasaka ng Nueva Ecija upang mas matulungan ang ating mga magsasaka na magkaron ng access sa direct marketing ng kanilang produkto. Ito ay nagbibigay ng karagdagang kita para sa kanila. Isang bagay na hindi nangyayari kung traders ang bumibili ng kanilang mga aning prutas at gulay.
Pasasalamat para sa mga sumusunod:
Atty. Ronald Lee Hortizuela
Legal Assistant of Ugnayan ng Magsasaka ng Nueva Ecija
Director Crispulo Bautista
Regional Executive Director
Region 3 Department of Agriculture
Doc Evelyn Fernando
Deputy Director for Finance Bureau of Soils and Water Management, DA
Atty. Danilo Yang
Chairman - Juan Novo Ecijano para sa Kaunlarang Pambansa Inc.
Governor - Phil. National Red Cross
Boyet Amorin
Founding Chairman - Ugnayan ng Magsasaka ng Nueva Ecija
Mayor Rianne Cuevas
City Mayor of Palayan
Trucking support
INDEKS PILIPINAS
Organizational/Capability Building support
Ang atin pong layunin ay ang mabili ang mga pananim ng mga magsasaka sa mas mataas na presyo at ibenta ito sa ating mga kababayan sa mas murang halaga (kumpara sa local market). Unti unti itong naisasakatuparan sa tulong nga lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa ating Ugnayan. Naway patuloy po ninyo kaming suportahan sa layuning ito.
Muli, maraming maraming salamat po. Hanggang sa susunod na Thursday mga kagulay! π