Sangguniang Kabataan ng Barangay Yukos, Nagcarlan Laguna

Sangguniang Kabataan ng Barangay Yukos, Nagcarlan Laguna For More Informations and Updates in our Barangay

05/05/2026
29/04/2026

Sa mga KALALAKIHAN NAMAN PO TAYO! Muli po, ang inyong Lingkod na may hawak ng lupon ng Social Services Maricar Concejero-Vista ng ating barangay ay inaanyayahan po ang lahat ng Kalalakihan ng Brgy. Yukos na dumalo at makiisa sa gaganaping Kaunahang Pagpupulong Para sa ating mga Kalalakihan. At pagkatapos po ng ating Pulong ay atin pong pagsalu saluhan ang aming munting nakayanang hapunan! KITA-KITS po Tayo bukas ganap na ika-5 ng hapon sa may purok 3 na paradahan ng tricycle sa may half court! Maraming Salamat po. God bless

26/04/2026
πŸ₯°
14/04/2026

πŸ₯°

CONGRATS! πŸŽ‰
23/03/2026

CONGRATS! πŸŽ‰

πŸ“£ DISTRICT 5 – STAMPSYHanda ka na bang ipakita ang galing mo sa court? πŸ€πŸNarito na ang Nagcarlmpics 2026 Basketball and ...
19/03/2026

πŸ“£ DISTRICT 5 – STAMPSY

Handa ka na bang ipakita ang galing mo sa court? πŸ€πŸ
Narito na ang Nagcarlmpics 2026 Basketball and Volleyball Tryouts!

🏐 VOLLEYBALL TRYOUT
πŸ“… March 22, 2026 (Sunday)
πŸ“ Talahib Multi-purpose Court
⏰ 6:00 PM

πŸ€ BASKETBALL TRYOUT
πŸ“… March 21, 2026 (Saturday)
πŸ“ Talahib Multi-purpose Court

⏱️ Junior Division – 3:00 PM
⏱️ Midget Division – 5:00 PM
⏱️ Senior Division – 7:00 PM

πŸ“Œ PAALALA:
Para sa Junior Division, ang mga manlalaro mula sa Barangay Yukos ay hindi papayagang sumali sa tryout sapagkat magkakaroon ng hiwalay na koponan ang barangay upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pang manlalaro.

Ipakita ang husay, disiplina, at sportsmanship! πŸ’ͺ
Kita-kits sa tryouts! πŸ”₯

πŸ“… March 15, 2026 | Basic Computer Skills Workshop πŸ’»Isinagawa ng SK Yukos ang Basic Computer Skills Workshop para sa ilan...
16/03/2026

πŸ“… March 15, 2026 | Basic Computer Skills Workshop πŸ’»

Isinagawa ng SK Yukos ang Basic Computer Skills Workshop para sa ilang mga kabataan ng barangay upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng computer.

Sa pangunguna ni SK Councilor Allysa Meara Vergara kasama ang bumubuo ng Sangguniang Kabataan ng ating barangay, matagumpay na naibahagi ang mga pangunahing kaalaman na makakatulong sa kabataan sa kanilang pag-aaral at sa makabagong teknolohiya.

Patuloy ang SK Yukos sa pagsuporta at pagbibigay ng mga programang makakatulong sa pag-unlad ng ating mga kabataan. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa aktibidad na ito! ✨

Noong Marso 15, 2026, nagsagawa ng pagpipintura ng mga humps sa Purok 1 at Purok 2 ang Sangguniang Kabataan ng Barangay ...
16/03/2026

Noong Marso 15, 2026, nagsagawa ng pagpipintura ng mga humps sa Purok 1 at Purok 2 ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Yukos katuwang ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Officers. Layunin ng gawaing ito na mas maging ligtas ang mga kabataan at mamamayang motorista na dumaraan sa ating barangay.

Ang simpleng hakbang na ito ay malaking tulong upang maging mas visible at ligtas ang mga humps lalo na sa gabi at sa mga oras na matao ang kalsada.

Lubos din po ang aming pasasalamat kay Vice Mayor Rexon V. Arevalo sa pagkakaloob ng mga pinturang ginamit upang maisakatuparan ang proyektong ito para sa kapakanan ng ating komunidad.

Sama-sama para sa mas ligtas at maayos na Barangay Yukos! πŸ’™



Noong Pebrero 25–28, 2026, matagumpay na dumalo ang ating SK Chairperson na si Kyle Dela PeΓ±a kasama ang Sangguniang Bar...
16/03/2026

Noong Pebrero 25–28, 2026, matagumpay na dumalo ang ating SK Chairperson na si Kyle Dela PeΓ±a kasama ang Sangguniang Barangay ng Yukos sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Jhunex Abellera sa ginanap na Municipal Congress sa San Fernando, La Union.

Layunin ng pagdalo sa kongresong ito na makibahagi sa iba’t ibang seminars at talakayan na magpapalawak ng kaalaman at kakayahan sa pamumuno at panunungkulan bilang lingkod ng kabataan. Ang mga natutunan mula sa mga gawaing ito ay magsisilbing gabay upang higit pang mapabuti ang mga programa at proyekto para sa mga kabataan ng Barangay Yukos.

Patuloy po nating pagyamanin ang kaalaman at pamumuno para sa mas aktibo at mas maunlad na kabataan ng Yukos. πŸ’™πŸ’›

Nakiisa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Yukos kasama ang KKDAT Officers and Members at Barangay Yukos Children's As...
16/03/2026

Nakiisa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Yukos kasama ang KKDAT Officers and Members at Barangay Yukos Children's Association sa isinagawang Clean-Up Drive noong Enero 11, 2026.

Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran at maipakita ang pagkakaisa ng mga kabataan at ng komunidad sa pangangalaga ng ating barangay.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras upang maging matagumpay ang aktibidad na ito. Ang inyong pakikiisa ay patunay na kapag sama-sama, mas nagiging maayos at malinis ang ating komunidad.

Para sa malinis at maayos na Barangay Yukos! 🌱🧹




Nagkaisa ang mga kabataan para sa kalinisan ng ating komunidad! πŸ’šπŸ§ΉNoong February 28, 2026, matagumpay na nagsagawa ng Cl...
16/03/2026

Nagkaisa ang mga kabataan para sa kalinisan ng ating komunidad! πŸ’šπŸ§Ή

Noong February 28, 2026, matagumpay na nagsagawa ng Clean-Up Drive ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Yukos kasama ang mga KKDAT Officers at Members. Sama-sama nilang nilinis ang ating kapaligiran bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa isang mas malinis, maayos, at ligtas na barangay.

Ang gawaing ito ay patunay na kapag nagkakaisa ang kabataan, kayang makamit ang pagbabago para sa ikabubuti ng komunidad. πŸ’ͺ🌱

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong! Patuloy nating pangalagaan ang kalinisan ng ating barangay.




Address

Nagcarlan

Telephone

+639368878684

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Yukos, Nagcarlan Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan ng Barangay Yukos, Nagcarlan Laguna:

Share