07/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ & ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Abril 07, 2026 | Brgy. Bambang, Nagcarlan, Laguna
Isinagawa ngayong araw ang Blessing at Inauguration ng bagong Multipurpose Building ng Barangay Bambang, Nagcarlan, Lagunaโisang mahalagang proyekto na magsisilbing sentro ng ibaโt ibang programa, serbisyo, at aktibidad para sa komunidad.
Dumalo sa nasabing okasyon si Punong Bayan Ark/Inh. Elmor Vitangcol Vita, kasama sina Konsehal Laurence Sombilla at Konsehal Peep Arcigal, gayundin si Congressman Amben Amante. Sa kanilang mga mensahe, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at patuloy na pagtutulungan upang maisulong ang kaunlaran at kapakanan ng bawat mamamayan.
Taos-pusong binabati ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan ang pamunuan ng Sangguniang Barangay ng Bambang, sa pamumuno ni Punong Barangay Kgg. Analyn U. Consebido, sa matagumpay na pagpapatayo ng pasilidad na ito. Nawaโy magsilbi itong matibay na pundasyon ng mas makabuluhan at inklusibong paglilingkod para sa buong barangay.