25/05/2026
Sa lahat ng kabataang patuloy na lumalaban para sa pangarap at bayan,
Hindi madali ang maging kabataan ngayon. Pero kayo ang patunay na ang pag-asa ay hindi nawawala.
Sa Angat Kabataan, naniniwala kami na ang boses niyo may halaga. Ang aksyon niyo may epekto. Ang bawat hakbang niyo, malaki man o maliit, ay nagtutulak sa atin palapit sa isang mas makatarungan at mas maliwanag na bukas.
Huwag kayong mapagod mangarap. Huwag kayong mapagod magsilbi.
May mga araw at buwan man na abala tayo sa pag-aaral o pagtatrabaho Salamat dahil binibigyan ninyo ng halaga ang pakikisama at pag tulong para sa ating mahal na bayan, naway kayo ay isang magaling at tapat na mga lider o kabataan dala dala ninyo hanggang pang habang buhay ang mga magagandang ala ala at pag pupursige.
Hindi man natin mabigay ang buong oras dahil tayo ay may mga kanya kanya din responsibilidad sa ating buhay, paaralan o sa loob ng bahay, Kami ay humahanga sa Galing ninyo Kabataan at sa ibat ibang talento na mayroon ang bawat isa sainyo.
Naway dumami pa tayo at maging aktibo, ipagdasal na magkaroon ng magagandang programa,ligtas at malusog na pangangatawan tayo at buong pamilya upang magampanan ang ating mga gampanin sa pang araw araw β¨οΈπ€
Kami ang Angat Kabataan ng CAMALIGAN!
Ang kinabukasan? Tayo βyon. πͺπ΅π