11/09/2026
๐ ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ต๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐บ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ๐. ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ปโ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ป.
Mga ka-TNK, sa paggunita ng ***dePreventionDay, mahalagang maunawaan na ang su***de ay maaaring makaapekto sa sinuman. Ngunit ayon sa datos, may ilang grupo na higit na naaapektuhan, kaya kailangan din ng mas angkop, mas tutok, at mas gender-responsive na su***de prevention efforts.
Sa Pilipinas, mahigit 80% ng su***de deaths ay naitala sa mga lalaki, habang humigit-kumulang 42% ay kabilang sa mga kabataang edad 15โ29. Ipinapakita rin ng mga ebidensya na ang social norms, stigma sa paghingi ng tulong, at limitadong access sa napapanahon at angkop na mental health care ay maaaring maging hadlang sa pag-access ng suportang kailangan.
Kaya naman, sa ating episode ngayong Biyernes na pinamagatang โMental Health Is Overall Health: Kalusugan ng Isip, Kalusugan ng Sarili,โ samahan ninyo kami at si Dr. Noel V. Reyes, MD, FPPA, MMHoA, Medical Center Chief II ng National Center for Mental Health, upang talakayin kung bakit mahalagang ituring ang mental health bilang bahagi ng overall health at kung paano tayo makakalikha ng gender-responsive at psychologically safe spaces para sa bawat isa.
Dahil ang pag-aalaga sa isip ay bahagi ng pangangalaga sa sarili. At sa su***de prevention, bawat isa sa atin ay may papel. Maging isang taong handang makinig. Maging isang ligtas na sandalan. Maging bahagi ng pagbuo ng mga espasyong kung saan ligtas magsabi ng pinagdaraanan, humingi ng tulong, at makahanap ng suporta.
Makinig, manood, at makilahok dito lamang sa !
๐๏ธ Friday | โฐ 1:00โ2:00 PM
๐ป Radyo Magasin 1278 AM, Capital 104.3 FM, PBS Receiver App
๐ฑ Facebook Live: PCW, Radyo Magasin, and Capital 104.3 FM
:
๐๏ธ Saturday | โฐ 12:00โ1:00 PM
๐ป Radyo Pilipinas Radyo Publiko 738 AM
๐บ TV Plus Channel 3 | Affordabox Channels 45โ49