30/11/2025
Sa gitna ng kalsada, humiga ang isang kabataan at tinakpan ang kanyang mukha ng telang may nakasulat na โBungkรกras Bicol.โ Hindi para magtago kundi para ipakita na kahit sino sa atin ay maaaring maging biktima ng katiwalian. Kaya natakpan ang kanyang mukha, dahil hindi na mahalaga kung sino siya.
Mas mahalaga ang panawagan: mag-bungkรกras na ang kabataan, panahon na para may managot. Sa paligid niya, nakakalat ang mga plakard ng galit mga sigaw laban sa pang-aabuso, kahirapan, at kawalan ng katarungan. Sapagkat habang ang taumbayan ang naghihirap at nagsasakripisyo, tuloy-tuloy ang pagnanakaw ng iilan. Kaya ngayon, tumitindig ang kabataan, upang ipaalala na hindi na tayo mananahimik.