14/09/2025
๐๐ข๐ข๐ | ๐ฆ๐๐๐ฑ ๐ข๐ฟ๐ด๐ ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ-๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐๐น๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ผ๐ป '๐ฎ๐ฑ
Ilang mga student organizations mula sa iba't-ibang paaralan sa Naga City ang nagsanib pwersa upang pangunahan ang pagpupulot ng mga basurang naiwan ng traslacion procession nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 12.
Pinangalanang 'Pulot- Kalat sa Peรฑafrancia 2025,' walang inaksayang oras ang mga mag aaral na kasapi ng College of Trades and Technology - College Student Council (CTT-CSC), Democrats of Construction Engineering Technology (DCET), Society of Junior Culinary Chef (SJCC), kasama ang Naga College Foundation (NCF) Biology Society at University of Nueva Caceres (UNC) School of Social and Natural Sciences Council at UNC Science Society sa pagpupulot ng basura upang maibalik sa dating linis ang mga kalsadang nadaanan ng prusisyon.
Ayon kay Jamyn Haveria, pangulo ng SJCC, napagdesisyunan makiisa ng organisasyon sa nasabing programa sa kauna-unahang pagkakataon bilang kanilang debosyon kay Inang Peรฑafrancia.
"On behalf of SJCC po, we've decided to participate in this kind of activity not just to clean the streets in Naga City but also as a devotion to our Inang Peรฑafrancia," saad ng pangulo ng SJCC.
"'Yung Peรฑafrancia Festival po kasi is a massive event with a lot of devotees and tourists na pumupunta. Because of this influx of people, it generates a significant amount of waste that's why we've decided na sumali din para makatulong sa kalinisan ng ating city and also to show our devotion to Inang Peรฑafrancia," pagpapatuloy pa niya.
Samantala, ibinahagi naman ni Maricar Mariรฑas, Vice President ng DCET, ang pinagmulan ng apat na taon na pakikilahok ng kanilang organisasyon sa nasabing programa.
"This event has become one of the annual events of our organizationโDCET, which started in 2022. This is the second time to participate in this Pulot Kalat," saad ni Mariรฑas.
"Continuing what our seniors started, we seek to contribute by clearing the roads,"dagdag pa nito.
Ang Pulot-Kalat sa Peรฑafrancia ay nasa ikalimang taon na ng pagpapanatili ng kalinisan sa mga kalsadang dinaanan ng traslacion na pinasimulan ng UNC Science Society.
Mga Salita ni Jemuel Collantes
Mga Larawan nina Camille Estrella at Duztene Repuya