12/06/2026
⚖️ 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄 𝐇𝐈𝐕 𝐀𝐍𝐃 𝐀𝐈𝐃𝐒 𝐏𝐎𝐋𝐈𝐂𝐘 𝐀𝐂𝐓 (𝐑𝐀 𝟏𝟏𝟏𝟔𝟔)
Ang RA No. 11166 ay ang batas na nagpapatibay sa polisiya ng Pilipinas laban sa HIV at AIDS—mula sa prevention, testing, treatment, hanggang sa proteksyon ng karapatan ng mga taong may HIV/
🏛️ 𝗟𝗮𝘆𝘂𝗻𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗮𝘀
Itinuturing ng RA 11166 ang HIV at AIDS bilang public health concern na dapat tugunan nang may paggalang sa karapatang pantao at dignidad ng bawat tao. Layunin nito na pigilan ang pagkalat ng HIV, magbigay ng access sa treatment at care, at protektahan laban sa stigma at diskriminasyon.
📌 𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻
1️⃣ 𝙑𝙤𝙡𝙪𝙣𝙩𝙖𝙧𝙮 𝙖𝙩 𝘾𝙤𝙣𝙛𝙞𝙙𝙚𝙣𝙩𝙞𝙖𝙡 𝙃𝙄𝙑 𝙏𝙚𝙨𝙩𝙞𝙣𝙜 -Hindi sapilitan ang HIV testing. Kailangan ng informed consent bago magsagawa ng test
2️⃣ 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙇𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝘿𝙞𝙨𝙠𝙧𝙞𝙢𝙞𝙣𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣-Ipinagbabawal ang diskriminasyon sa trabaho, edukasyon at serbisyong pangkalusugan. Hindi maaaring tanggihan, tanggalin sa trabaho, o i-expel ang isang tao dahil lamang sa HIV status.
3️⃣𝘾𝙤𝙣𝙛𝙞𝙙𝙚𝙣𝙩𝙞𝙖𝙡𝙞𝙩𝙮 𝙣𝙜 𝙃𝙄𝙑 𝙎𝙩𝙖𝙩𝙪𝙨 -Lahat ng impormasyon tungkol sa HIV status ay mahigpit na lihim. Ang unauthorized disclosure ay may criminal liability.
4️⃣ 𝘼𝙘𝙘𝙚𝙨𝙨 𝙨𝙖 𝙂𝙖𝙢𝙤𝙩 𝙖𝙩 𝙂𝙖𝙢𝙪𝙩𝙖𝙣-Tinitiyak ng batas ang access sa antiretroviral therapy (ART). May mga DOH-accredited treatment hubs para sa Person Living with HIV (PLHIV).
5️⃣ 𝙀𝙙𝙪𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙖𝙩 𝙋𝙧𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢𝙨 -Mandatory ang HIV education. Isinusulong ang safe practices at public awareness. Target ang high-risk at vulnerable groups.
6️⃣ 𝙋𝙖𝙧𝙩𝙣𝙚𝙧 𝙉𝙤𝙩𝙞𝙛𝙞𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 (𝘾𝙤𝙣𝙩𝙧𝙤𝙡𝙡𝙚𝙙)- Pinapayagan ang partner notification ngunit dapat may confidentiality at safeguards. Layunin nito na mapigilan ang pagkalat ng virus.
7️⃣𝙊𝙗𝙡𝙞𝙜𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙚𝙧𝙨𝙤𝙣 𝙇𝙞𝙫𝙞𝙣𝙜 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙃𝙄𝙑 (𝙋𝙇𝙃𝙄𝙑)- Dapat sumunod sa preventive measures. Iwasan ang transmission ng HIV sa iba
⚠️ 𝗣𝗮𝗿𝘂𝘀𝗮
Ang paglabag sa batas (Hal. discrimination o unauthorized disclosure) ay maaaring magresulta sa multa, pagkakakulong, o pareho.