10/10/2026
โ๐ฏ๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐.โ
Minsan, ito ang mga salitang naririnig natin mula sa ating mga kapwa mag-aaral, g**o, o maging sa ibang tao. Ngunit para sa mga iskolar ng bayan, ang marka ay hindi lamang numerong nakadisplay sa SIAS, isa itong mahalagang salik na nagtutulak sa kanila na magpatuloy sa pag-aaral.
Ngayon, ipinagdiriwang natin ang ๐๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐๐ฒ isang paalala na ang pangangalaga sa ating kalusugang pangkaisipan ay kasinghalaga ng pagsusumikap na maabot ang ating mga pangarap sa buhay.
Sa ating mga iskolar ng bayan, alam naming mahalaga ang bawat marka sa bawat asignaturang ating pinag-aaralan. Bilang mga mag-aaral, dala rin natin ang responsibilidad na makatulong sa pagpapaunlad ng ating bayan. Ngunit hindi maikakailang isang malaking hamon ang gampaning ito, lalo na sa gitna ng mga suliraning kinakaharap ng ating lipunan, gaya ng korapsiyon at mga alitan.
Kaya naman, nauunawaan namin ang bigat ng responsibilidad na dinadala ng bawat isa ngunit tandaan natin na sa bawat suliraning ating kinakaharap, sa pag-aaral man o sa lipunan, mahalagang bigyan parin natin ang ating sarili ng sapat na pahinga at panahon upang muling lumakas at harapin ang mga hamon ng buhay.
Dahil ang isang iskolar ng bayan ay hindi lamang hinuhubog ng mataas na marka, kundi ng pusong handang matuto, isip na marunong magpahinga, at paninindigang patuloy na maglingkod sa bayan. ๐
๐ฏ๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐
๐ด๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐