12/06/2026
Mahigit isang siglo na ang nakalipas mula nang ipahayag ang ating kalayaan, ngunit ang tunay na tanong ay nananatili: Ganap na nga ba tayong malaya?
Hindi sapat na malaya tayo mula sa pananakop ng dayuhan kung nananatili naman tayong bihag ng korapsiyon, kasakiman, at kawalang-panagutan. Ang kalayaan ay nawawalan ng saysay kapag ang pondo ng bayan ay napupunta sa iilan, habang marami ang nananatiling naghihirap. Ito ay nasusugat kapag ang katotohanan ay natatabunan ng pansariling interes at kapag ang kapangyarihan ay ginagamit hindi para maglingkod kundi para maghari.
Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, hindi lamang natin inaalala ang tapang ng ating mga bayani. Hinahamon din tayo ng kanilang sakripisyo na ipaglaban ang isang Pilipinas na malaya sa katiwalian, makatarungan para sa lahat, at tapat sa mga prinsipyong kanilang ipinag-alay ng buhay.
Sapagkat ang tunay na kalayaan ay hindi lamang ang pagkawala ng tanikala ng kolonyalismoโito ay ang pagkakaroon ng isang bansang pinamumunuan ng integridad, pinatatag ng katotohanan, at itinataguyod ng mga mamamayang may malasakit sa kapwa at sa bayan.
Ang laban para sa kalayaan ay hindi nagtapos noong Hunyo 12, 1898. Ito ay nagpapatuloy sa bawat Pilipinong tumatanggi sa korapsiyon, naninindigan para sa tama, at nagsisilbi nang may dangal.
Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang kalayaang may pananagutan.