Rizal Barangay Council

Rizal Barangay Council Email Address: [email protected]

The Rizal Barangay Council successfully distributed uniforms to the Brgy. Rizal Senior Citizens as a simple gesture of a...
03/06/2026

The Rizal Barangay Council successfully distributed uniforms to the Brgy. Rizal Senior Citizens as a simple gesture of appreciation, and support for our beloved elders.

The Rizal Barangay Council and other employees joined the Brigada Eskwela 2026 Kick-Off at Rizal Elementary School.
01/06/2026

The Rizal Barangay Council and other employees joined the Brigada Eskwela 2026 Kick-Off at Rizal Elementary School.

🐚🌴BARIW AT SIKAD-SIKAD ECOCRAFT BAG👜Isinagawa noong Mayo 17, 2026 sa Barangay Rizal Multi-purpose Pavement, Rizal, Nabas...
18/05/2026

🐚🌴BARIW AT SIKAD-SIKAD ECOCRAFT BAG👜

Isinagawa noong Mayo 17, 2026 sa Barangay Rizal Multi-purpose Pavement, Rizal, Nabas, Aklan ang Bariw at Sikad-Sikad Ecocraft Bag Competition na nilahukan ng mga kinatawan mula sa bawat purok na binubuo ng tatlong (3) miyembro bawat grupo.

Layunin ng patimpalak na maipakita ang husay, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa lokal na likhang-sining gamit ang likas at makakalikasang materyales tulad ng bariw at sikad-sikad.

Taos-pusong pasasalamat sa mga naging hurado ng patimpalak na sina Hon. Prince Roger Santo, Mr. Darwin B. Gelito, at Ms. Ma. Jhonnavie Suriaga-Dimas sa kanilang oras at patas na paghusga sa bawat obra ng mga kalahok.

Ang matagumpay na gawaing ito ay naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Joemarie S. Dela Torre, Punong Barangay, at Hon. Remelyn M. Conanan, Committee on Education and Tourism & Culture, katuwang ang buong Rizal Barangay Council at iba pang mga empleyado ng barangay.

Lubos na ipinagmamalaki ng Barangay Rizal ang talento at pagkakaisa ng mamamayan sa pagpapanatili at pagpapayabong ng kulturang lokal at mga produktong gawang atin.

"IPABUGAL RIZAL!"



🌊🌴 Nagkaisa para sa mas malinis at mas ligtas na baybayin! 🌴🌊Isinagawa ang Coastal Clean-up Drive sa Rizal, Nabas, Aklan...
16/05/2026

🌊🌴 Nagkaisa para sa mas malinis at mas ligtas na baybayin! 🌴🌊

Isinagawa ang Coastal Clean-up Drive sa Rizal, Nabas, Aklan bilang simbolo ng pagkakaisa at malasakit sa kalikasan. Sa pagtutulungan ng iba’t ibang organisasyon at ahensya, muling pinatunayan na ang pagbabago ay nagsisimula sa sama-samang pagkilos para sa ating karagatan at komunidad.
Maraming salamat sa pakikiisa ng:
• Rizal Barangay Council and Other Employees
• Nabas PNP
• NMAP
• Bantay Dagat
• Rizal 4Ps
• Rizal Women’s Organization
• Maritime Police
• Coast Guard – Nabas

✨ “Ang malinis na baybayin ay yaman ng susunod na henerasyon.”

💍 Kasalan sa Barangay 2026: Year 3 📍 Rizal, Nabas, Aklan📅 June 20, 2026Mga soon-to-be June Bride & Groom, ito na ang cha...
05/05/2026

💍 Kasalan sa Barangay 2026: Year 3
📍 Rizal, Nabas, Aklan
📅 June 20, 2026

Mga soon-to-be June Bride & Groom, ito na ang chance niyo na gawing official ang inyong love story! 🫶

Ang deadline ng pagpasa ng mga requirements ay sa May 20, 2026, at kung sino pa ang interesado na magpakasal maaaring pumunta lamang sa barangay hall at hanapin si Kagawad Leony Velez

Mga Requirements:
• Original CENOMAR (babae at lalaki)
• Photocopy ng Baptismal Certificate
• Photocopy ng Live Birth
• Kung may anak, magdala ng photocopy ng Live Birth ng anak

📌 Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Hon. Leony C. Velez
(Facebook: Leony Velez )

HAPPENING NOW: Day 1 of “Hawak Ko at Hawak Mo ang Beat” — A 3-Day Basic Life Support (BLS) Training empowering our commu...
05/05/2026

HAPPENING NOW: Day 1 of “Hawak Ko at Hawak Mo ang Beat” — A 3-Day Basic Life Support (BLS) Training empowering our community to save lives.

🚨 HAWAK KO AT HAWAK MO ANG BEAT: A Basic Life Support TrainingBarangay Rizal, handa na ba kayong matuto ng mga kasanayan...
29/04/2026

🚨 HAWAK KO AT HAWAK MO ANG BEAT: A Basic Life Support Training

Barangay Rizal, handa na ba kayong matuto ng mga kasanayang makapagliligtas ng buhay?

Inaanyayahan kayo sa “Hawak Ko at Hawak Mo ang Beat: A Basic Life Support Training” na gaganapin sa Mayo 5–7, 2026 sa Barangay Rizal Multi-purpose Pavement.

Sa loob ng tatlong araw, matututunan ninyo ang mahahalagang kaalaman sa Basic Life Support, First Aid, at tamang pagtugon sa mga emergency situations — mga kasanayang puwedeng magamit upang makapagligtas ng buhay sa tamang oras.

👥 Ang training workshop na ito ay may 30 kalahok lamang, kabilang ang BHW at mga miyembro ng Barangay Council.
🔥 10 slots na lang ang natitira!

Kaya huwag palampasin ang pagkakataong ito!
📩 Magpalista na sa pamamagitan ng pag-send ng message sa FB Page na ito.

Maging handa. Maging responsable.
Ikaw ang susunod na makakahawak ng tibok ng buhay. 💛🧡💙



KABATAAN KONTRA TEENAGE PREGNANCYIsang makabuluhang hakbang tungo sa pagbibigay-kaalaman at paggabay sa kabataan ang mat...
25/04/2026

KABATAAN KONTRA TEENAGE PREGNANCY

Isang makabuluhang hakbang tungo sa pagbibigay-kaalaman at paggabay sa kabataan ang matagumpay na naisagawa sa seminar tungkol sa Teenage Pregnancy Awareness sa Barangay Rizal, Nabas, Aklan.

Sa pangunguna ng ating Resource Speaker na si Dr. Minzy Delos Reyes, Municipal Health Officer ng Municipality of Nabas, nabigyan ng mahalagang kaalaman ang mga kabataang kalahok ng Barangay Rizal tungkol sa mga epekto, panganib, at pag-iwas sa teenage pregnancy. Naging daan din ito upang mahubog ang responsableng pagdedesisyon, wastong kaalaman sa kalusugan, at pagpapahalaga sa kinabukasan.

Ang seminar na ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Barangay Council at Sangguniang Kabataan ng Barangay Rizal, sa inisyatiba ng Committee on Health and GAD, Hon. Leony Z. Velez, at sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Joemarie S. Dela Torre, Punong Barangay.

Patunay ito ng patuloy na malasakit ng pamunuan sa kapakanan ng kabataan at sa pagtataguyod ng isang komunidad na may mulat, responsable, at empowered na kabataan para sa mas maliwanag na kinabukasan.

Empowering lives through awareness and action.The successful conduct of “Safe Homes, Strong Communities: A Seminar on RA...
25/04/2026

Empowering lives through awareness and action.

The successful conduct of “Safe Homes, Strong Communities: A Seminar on RA 9262” in Barangay Rizal, Nabas, Aklan stands as a meaningful step toward promoting safer families and violence-free communities.

With the valuable insights of our Resource Speaker, PMSg Emely C. Roldan of Philippine National Police-Nabas, participants composed of the Couples and the Rizal Women’s Association of Barangay Rizal gained deeper understanding of Republic Act No. 9262 and the importance of protecting women and children from abuse.

This impactful seminar was made possible through the initiative of Hon. Leony C. Velez, Committee on Health and GAD, under the leadership of Hon. Joemarie S. Dela Torre, Punong Barangay.

Together, we continue to build informed, empowered, and resilient communities—because safe homes create strong communities.

🌊✨ Bariw at Sikad-Sikad EcoCraft Bag Challenge! ✨🌊Handa na ba kayong ipakita ang inyong galing sa pagde-design? 🐚👜Sumali...
13/04/2026

🌊✨ Bariw at Sikad-Sikad EcoCraft Bag Challenge! ✨🌊

Handa na ba kayong ipakita ang inyong galing sa pagde-design? 🐚👜

Sumali na sa Bariw at Sikad-Sikad EcoCraft Bag at ipamalas ang husay, diskarte, at pagiging malikhain ng bawat purok!

📅 Mayo 17, 2026 (Linggo)
📍 Barangay Rizal Front Beach

👥 Ang bawat purok ay bubuo ng isang grupo na may tatlong (3) miyembro. Makipag-ugnayan lamang sa inyong nakatalagang Barangay Kagawad.

📌 Tandaan:
✔️ Ang bag na gawa sa bariw ay provided na.
✔️ Ang mga sikad-sikad shells ay kayo mismo ang magdadala.
✔️ Magdala rin ng iba pang materyales sa pagde-design tulad ng pintura, tali, glue stick, at iba pang gamit na magpapaganda sa inyong obra.

🔥 Ipakita ang galing ng inyong purok!
🏆 Sino kaya ang magkakaroon ng pinakamagandang ecocraft bag?

👉 JOIN NA!

Address

Nabas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rizal Barangay Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Rizal Barangay Council:

Share