09/06/2026
BASKETBALL LEAGUE 2026 AWARDING ππ
Noong Hunyo 7, 2026, matagumpay nating ginanap ang Basketball League 2026 Awarding Ceremony bilang pagkilala sa husay, sipag, at dedikasyon ng ating mga manlalaro at koponan.
Taos-puso kaming nagpapasalamat kay Kapitan Gerry Teves at sa mga Kagawad ng Barangay Putatan sa kanilang suporta at tulong upang maisakatuparan ang liga at awarding na ito.
Lubos din ang aming pasasalamat sa SK Council, lalo na kay SK Chairwoman Cyrylle Kate Arciaga, sa kanyang patuloy na suporta at pagtitiwala sa aming organisasyon, gayundin sa pagbibigay ng mga tropeo at medalya para sa ating mga kabataan.
Binabati namin ang lahat ng mga nagwagi at lumahok. Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamahal sa sports at komunidad.
Marami mang pagsubok, pagdududa, at negatibong salita ang aming hinarap sa pagbuo at pagsasagawa ng pa-liga na ito, hindi kami nagpadaig sa mga ito. Sa bawat hamon na aming naranasan, mas lalo kaming natutong tumatag at lumaban. Hindi kami susuko dahil ang aming layunin ay malinawβang makapaglingkod at makapagbigay ng mga makabuluhang oportunidad para sa kabataan. Ang mga paghamak at pagdududa ng iba ay hindi naging hadlang, bagkus naging inspirasyon upang mas pagbutihin pa namin ang aming ginagawa. Mas lalakas kami, mas magiging handa, at mas marami pa kaming maihahandog para sa susunod na henerasyon ng mga kabataan. π