24/06/2026
Nitong nakaraang Sabado - sa paggunita namin sa Father's Day, ipinakilala namin sa mga bata ang pinakamahalagang Ama na maaari nilang makilala, ang ating Ama sa Langit.
Sa pamamagitan ng kwento, awitan, mga laro, at pag-aaral ng Salita ng Diyos, natutunan nila na ang Diyos ay isang Ama na nagmamahal, nagpoprotekta, naglalaan, at hindi kailanman iniiwan ang Kaniyang mga anak.
Dalangin namin na ang mga aral na kanilang natutunan ay manatili sa kanilang puso at maging gabay sa kanilang paglaki sa pananampalataya.
Happy Father's Day sa lahat ng mga ama, lolo, guardians, at father figures na naging larawan ng pag-ibig at pag-aaruga ng Diyos.
"Tingnan ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig na ibinigay sa atin ng Ama upang tayo'y matawag na mga anak ng Diyos." — 1 Juan 3:1
Kung gusto mong tumulong sa pagtuturo sa mga bata, i-message mo lang kami.
You can be our Ministry partner. Together we can disciple the next generation