10/08/2026
π₯£ MAINIT NA SOPAS, MAS MAINIT NA PAGTUTULUNGAN π₯£
Sa panahong hindi madali ang lahat, pinipili pa rin ng PINAG-ISANG LAKAS NG MAGKAKAPITBAHAY NG 181 (PILAK) na maging liwanag at pag-asa sa aming komunidad. Kasama ang Azenso Gas Kalan ng Bayan si Kagawad aspirant Jhay Ar Hernandez Martinez at si Kagawad Aspirant James Solchaga, masaya kaming naghatid ng mainit at masarap na libreng sopas para sa bawat isa β bata man o matanda, lahat ay malugod naming tinanggap at pinagsilbihan.
Hindi lang ito simpleng pagkain na pumupuno sa tiyan. Ito ay simbolo na hindi kayo nag-iisa. Na may mga kabataang handang umalalay, magbahagi, at magsilbing inspirasyon sa bawat isa. Ang maliit na tulong na ito, kapag pinagsama-sama, ay lumalaki at nagiging malaking pagbabago sa aming lugar.
Ang pagtutulungan ay walang pinipiling edad, estado, o panahon β lalo na kung para sa kapwa at para sa pag-asenso ng bawat isa. Patuloy kaming tatayo, kikilos, at maglilingkod nang may puso at dedikasyon.
Mula sa puso ng PILAK 181 β maraming salamat sa inyong tiwala at suporta. Sama-sama tayong babangon, sama-sama tayong uunlad! πͺβ¨β€οΈ