31/07/2026
PAGPUPUGAY AT PAGKILALA SA ISANG TUNAY AT TAPAT NA LIDER AT DATING PANGULO NG KAWASAKI UNITED LABOR UNION - KULU KA Ferdinand San Antonio
Sa ngalan ng lahat ng uring manggagawa at lider ng Kawasaki United Labor Union-KULU buong puso kaming nagpapaabot ng aming taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa iyong halos 30 taon ng tapat na serbisyo sa kumpanya.
Hindi matatawaran ang iyong ambag bilang isang lider at dating Pangulo ng Unyon. Sa loob ng maraming taon, isa ka sa nagsilbing tinig ng mga manggagawa. At Isa ka sa nag taguyod sa mga kapakanan, karapatan, at kabuhayan ng bawat isa. Sa gitna ng mga hamon at pakikipagnegosasyon ikaw ay nanindigan para sa dignidad at karapatan ng mga manggagawa.
Ang iyong dedikasyon, katatagan, at malasakit ay nagsilbing inspirasyon sa amin. Iniwan mo sa amin ang isang pamana ng pagkakaisa, paninindigan, at paglilingkod na walang hinihintay na kapalit.
Ngayong ikaw ay magreretiro na, baunin mo ang aming paggalang at pasasalamat. Nawa’y maging panimula ito ng mas tahimik, masaya, at masaganang yugto iyong buhay kasama ang iyong pamilya.
MABUHAY KA!. KA FERDIE SALAMAT SA IYONG NATATANGING SEBISYO...✊✊