08/09/2026
SCOUTS ON A WELLNESS SUMMIT!
Sumali at nakilahok ang aming mga masisipag, masayahin, at syempre makukulit na Scouts sa Beyond Awareness: Student Wellness Summit! Isang makabuluhang programa na hindi lang puro upo, pakinig, at tango-tango, kundi puno rin ng mga bagong kaalaman at aral tungkol sa student wellness at kung paano natin mas mapapahalagahan ang ating sarili at ang ating kapwa.๐
Bilang isang Scout, mahalaga ang pagiging handa hindi lamang sa mga outdoor activities at adventures, kundi pati na rin sa mga hamon na ating kinakaharap bilang mga estudyante at kabataan.Kaya naman, malaking oportunidad ang event na ito para sa amin upang matuto, maging mas aware, at mas maintindihan ang kahalagahan ng wellness sa ating pang-araw-araw na buhay. โจ
Syempre, hindi rin mawawala ang kulitan, tawanan, kwentuhan, at picture-picture! Kahit makulit minsan, alam naman natin kung kailan dapat makinig at seryosohin ang mga importanteng bagay. At higit sa lahat, umuwi kaming may dalang bagong kaalaman, magandang memories, at syempre dagdag na kwento para sa scoutmates!
Wellness check? โ๏ธ
Awareness? โ๏ธ
New learnings? โ๏ธ
Kulitan? SAKTO LANG... CHAROT! โ๏ธ
Scouts? PRESENT NA PRESENT!
Patuloy tayong matuto, maging aware, at alagaan ang ating wellness habang sabay-sabay nating hinaharap ang bawat hamon bilang kabataan at bilang isang Scout. Dahil ang tunay na Scout ay hindi lang laging handa sa pakikipagsapalaran, kundi handa ring matuto, lumago, at maging mabuting halimbawa sa iba!