03/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐๐๐ซ๐ญ๐ฒ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ - ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐, ๐๐๐๐ซ๐ข๐๐ฅ๐ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก - ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐, ๐๐ญ ๐๐ง๐๐ค๐๐๐ฒ๐๐ง - ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐๐จ๐ซ๐ฆ ๐๐จ๐ฅ๐ข๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐
Ang Kabataan PartylistโMuntinlupa ay nakikiisa sa mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) sa paglalabas ng saloobin tungkol sa usapin na kaugnay ng bagong memorandum sa modified prescribed student uniform. Kinikilala namin na may kapangyarihan ang pamantasan na magtakda ng makatwirang dress code. Ngunit ang kapangyarihang ito ay hindi hiwalay sa tungkulin nitong igalang ang karapatan, dignidad, at kapakanan ng mga estudyante.
Nakasaad sa uniform guide na maaaring magkaroon ng โuniform violation entryโ at โpotential non-admittance to campus facilitiesโ ang hindi sumusunod sa prescribed uniform. Sa memorandum naman, nakasaad na magsisimula ang implementasyon nito sa September 7, 2026. Kailangang linawin ito ng administrasyon, lalo na kung ang non-admittance ay maaaring magresulta sa pagkaliban sa klase, examination, laboratory, o iba pang academic activities. Ang parusa sa isang uniform violation ay dapat malinaw na nakabatay sa umiiral na school rules, makatwiran at proportional, at ipinatutupad nang may due process.
Mahalaga ang Batas Pambansa Blg. 232 o Education Act of 1982 sa usaping ito. Kinikilala nito ang mga karapatan ng estudyante sa kalidad na edukasyon, malayang pagpapahayag ng opinyon at mungkahi, at epektibong komunikasyon sa kanilang paaralan. Kasabay nito, kinikilala ng 1987 Constitution ang freedom of expression, karapatan sa edukasyon, at academic freedom sa higher education. Hindi nito inaalis ang karapatan ng paaralan na magkaroon ng disciplinary rules, ngunit ang mga patakarang ito ay dapat manatiling naaayon sa batas at sa karapatan ng mga estudyante.
Sa Guzman v. National University, G.R. No. L-68288 (July 11, 1986), nilinaw ng Supreme Court na ang school authorities ay maaaring magpatupad ng disciplinary regulations ngunit ang pagpapataw ng parusa ay nangangailangan ng due process at dapat nakabatay sa duly promulgated rules. Kaya dapat ipaliwanag ng PLMun kung ano ang eksaktong proseso bago maitala ang isang violation at bago ipatupad ang anumang sanction, kabilang ang non-admittance. Hindi maaaring maging kapalit ng due process ang simpleng desisyon sa gate.
Higit na nakababahala rin ang probisyon na nagsasabing ang โcross-dressing/gender-affirming uniformโ ay โstrongly discouraged.โ Sa ilalim ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act, kinikilala ang gender identity and/or expression, kabilang ang manner of clothing. Hindi nangangahulugan na awtomatikong ilegal ang isang gender-specific uniform policy, ngunit ang tahasang pagtukoy at pagdi-discourage sa gender-affirming expression ay dapat suriin kung kinakailangan ba talaga para sa lehitimong layunin ng uniform policy at kung maaari itong humantong sa discriminatory o humiliating treatment.
Kaugnay nito, dapat isaalang-alang ng PLMun ang CHED Memorandum Order No. 01, Series of 2015 on Gender and Development, CHED Memorandum Order No. 03, Series of 2022 on Gender-Based Sexual Harassment in Higher Education Institutions, at CHED Memorandum Order No. 09, Series of 2013 on Student Affairs and Services. Ang mga ito ay nagbibigay-diin sa gender-responsive, student-centered, rights-based, at student-welfare-oriented na pamamahala sa higher education. Ang anumang dress code ay dapat ipatupad nang hindi isinasantabi ang mga prinsipyong ito.
Mayroon ding malinaw na inconsistency sa mga inilabas na dokumento: ang visual guide ay nagsasabing โEFFECTIVE IMMEDIATELY,โ habang ang memorandum ay nagtatakda ng September 7, 2026 bilang simula ng implementation. Kailangang itong itama at ipaliwanag ng administrasyon. Kung ang isang patakaran ay maaaring gamitin bilang batayan ng disciplinary action, hindi maaaring malabo ang mismong petsa kung kailan ito naging epektibo.
Nakapaloob din sa memorandum na ang security personnel ay awtorisadong mag-monitor ng compliance sa mga entry point. Nauunawaan namin ang kanilang tungkulin sa seguridad, ngunit dapat malinaw na ang monitoring at reporting ay hindi kapalit ng disciplinary process. Hindi dapat mauwi sa arbitraryong pagpigil sa estudyante ang pagpapatupad ng uniform policy.
Nanawagan ang Kabataan PartylistโMuntinlupa, kaisa ang Gabriela Youth at AnakbayanโMuntinlupa, sa administrasyon ng PLMun na linawin ang legal at institutional basis ng bagong uniform policy, itama ang magkaibang effectivity dates, tiyaking may due process sa bawat disciplinary action, at suriin ang probisyong nagdi-discourage sa โcross-dressing/gender-affirming uniform.โ Hinihiling din namin ang makabuluhang konsultasyon sa student body hinggil sa mga patakarang direktang nakaaapekto sa kanilang edukasyon at pang-araw-araw na buhay sa pamantasan.
Higit sa lahat, pakinggan ang panawagan ng mga estudyante para sa makabuluhang pagbabago sa mga patakaran ng pamantasan, kabilang ang rebisyon ng outdated at repressive na mga probisyon ng Student Handbook. Hindi sapat ang simpleng paglalabas ng panibagong memorandum kung nananatili ang mga patakarang hindi na tumutugon sa kasalukuyang kalagayan at karapatan ng mga estudyante. Ang mga direktang naaapektuhan ng mga patakaran ay ang dapat na may tunay na boses sa pagsusuri at pagbabago ng mga ito.
Ang aming panawagan: pakinggan ang hinaing ng mga mag-aaral. Panahon na upang i-revise ang luma at mapaniil na Student Handbook. Suriin ang mga kuwestiyonableng polisiya ng administrasyon. At itaguyod ang isang pamantasang tunay na kumikilala sa karapatan, dignidad, at boses ng mga mag-aaral!