Sucat Youth Builders Federation "Official"

Call Directions

Sucat Youth Builders Federation "Official" Youth Federation of Brgy. Sucat Muntinlupa City We Commit our self to serve Youth in our Barangay.

We Develop Youth to Become a Better and Committed Youth Leaders.

💚💛❤️ MUNTINLUPA YOUTH CONNECT HANGOUT @ PUTATAN ❤️💛💚Ang Sucat Youth Builders Federation "Official"  (SYBF)  ay buong pus...
03/10/2026

💚💛❤️ MUNTINLUPA YOUTH CONNECT HANGOUT @ PUTATAN ❤️💛💚

Ang Sucat Youth Builders Federation "Official" (SYBF) ay buong pusong dumalo at nakilahok sa Muntinlupa Youth Connect Hangout ng Youth Affairs Office (YAO) na ginanap sa Barangay Putatan ngayong October 3, 2026.

Ang aktibidad na ito ay hatid ng YASDO Youth Division, sa pangunguna ni Ms. Ahya Dancel - Parfan, Youth Head, kung saan nagsama-sama ang mga kabataan mula sa iba't ibang barangay ng Muntinlupa upang makilahok, makipagkaibigan, at makibahagi sa iba't ibang games at challenges na inihanda ng host federations na Putatan Youth Federation at Putatan New Gen Youth Council & Sk Putatan.

🏆 1ST PLACE — SYBF! 🏆

Buong pagmamalaki naming ibinabahagi na ang Sucat Youth Builders Federation ay tinanghal na 1st Place sa naganap na Hangout! Bawat kinatawan ng SYBF ay buong puso at aktibong nakiisa sa bawat challenge, ipinakita ang teamwork, energy, at pagkakaisa ng kabataang Sucatenyo. 💪🔥

Taos-pusong pasasalamat kay SK Chairman Calvin Kein Santos sa patuloy na suporta at pagtitiwala sa SYBF.

Maraming salamat din kay Mayor Ruffy Biazon para sa suportang naging bahagi ng aming nakamit na gantimpala. 🙏❤️

Maraming salamat sa YASDO Youth Division, Youth Affairs Office, Muntinlupa Youth Connect, at sa ating mga kapwa kabataan sa Muntinlupa!

🏆 SYBF — 1ST PLACE 🏆
🔥 Teamwork. Unity. Youth Power. 🔥

Tunay na Kabataang Sucat, Sikat! 💚💛❤️

✨ MGA YOUTH ORGANIZATIONS NA NAKIBAHAGI:
✨ SPTYO
✨ CSYO
✨ USBO
✨ SDC
✨ LIKHA
✨ JCYC









MALUGOD NA PAGBATI MULA SA Sucat Youth Builders Federation "Official" 💙𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐥𝐮𝐩𝐚, 𝐍𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐠𝐩𝐚𝐠 𝐬𝐚 𝟕𝐭𝐡 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢...
15/09/2026

MALUGOD NA PAGBATI MULA SA Sucat Youth Builders Federation "Official" 💙

𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐥𝐮𝐩𝐚, 𝐍𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐠𝐩𝐚𝐠 𝐬𝐚 𝟕𝐭𝐡 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝𝐬! 🏆

Muling namayagpag ang Lungsod ng Muntinlupa sa katatapos na 7th Philippine Sangguniang Kabataan Awards, matapos makamit ang sunod-sunod na pagkilala para sa mahusay na pamamahala, mga programa, at inisyatiba para sa kabataan.

Kabilang sa mga parangal na naiuwi ng lungsod ang:

🏆 Most Outstanding SK Federation in the Philippines – Muntinlupa City SK Federation
🏆 Outstanding Local Youth Development Office
🏆 Outstanding SK Federation
🏆 Outstanding SK Council – SK Putatan
🏆 Outstanding SK Project – SK Tunasan
🏆 National Finalist, SK Project – SK Putatan
🏆 National Finalist, SK Council – SK Tunasan

Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng sipag, dedikasyon, at aktibong pamumuno ng mga kabataang Muntinlupeño, kasama ang mga youth development partners na patuloy na nagsusulong ng mga programang may tunay na ambag sa komunidad.

💙 Taos-pusong pagbati mula sa Sucat Youth Builders Federation!

Lubos din naming binabati at kinikilala sina Youth Division Head Ms. Ahya Dancel - Parfan, Youth Sports Head Ms.Cynthia Baclay Viacrusis, at Assistant Youth Head Sir Jerry 'jade' Ledda, pati na rin ang buong Muntinlupa Youth Connect & Youth Affairs and Sports Development Office - Official at lahat ng bumubuo at patuloy na nagsisilbi para sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan ng Muntinlupa.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at pagmamahal sa paglilingkod sa kabataan. Nawa’y magsilbi pa itong inspirasyon upang patuloy nating palakasin at bigyan ng mas maraming oportunidad ang bawat kabataang Muntinlupeño.

Congratulations, Muntinlupa Youth! 🏆👏
Congratulations Muntinlupa Youth Connect! 💙
Mula sa Sucat Youth Builders Federation, proud kami sa inyong lahat!

Muntinlupa, Nakakaproud! 💙






🎨🏆 POSTER MAKING CONTEST — CONGRATULATIONS! 🏆🎨Congratulations, Mico Besinio! 🎉👏Isang malaking pagbati sa iyo sa pagkamit...
01/09/2026

🎨🏆 POSTER MAKING CONTEST — CONGRATULATIONS! 🏆🎨

Congratulations, Mico Besinio! 🎉👏
Isang malaking pagbati sa iyo sa pagkamit ng 4th Place sa Poster Making Contest! 🥳🎨

Buong-pusong ipinagmamalaki at sinusuportahan ka ng Sucat Youth Builders Federation "Official" (SYBF). Ang iyong talento, sipag, at dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga! 💪✨

Muli, congratulations, Mico Besinio, mula sa Creek Site Youth Organization (CSYO)! Ipagpatuloy mo ang pagpapakita ng iyong husay at talento. 💯👏

Maraming salamat din sa Muntinlupa Youth Connect / Youth Affairs Office, sa pangunguna ni Ms. Ahya Dancel - Parfan , Youth Division Head, sa patuloy na pagbibigay ng mga programa at oportunidad para maipakita ng kabataan ang kanilang mga talento. ❤️

Lubos din po kaming nagpapasalamat kay Mayor Ruffy Biazon sa walang-sawang suporta at tulong para sa mga programa at proyekto ng Youth Division at para sa kabataan ng Muntinlupa. 🙏💙

Mabuhay ang Kabataan! Mabuhay ang Sucat Youth! 💪❤️











🏆🎤 CONGRATULATIONS, LNK – THE VOICE DUO! 🎤🏆Isang malaking pagbati sa ating mga kabarangay na sina Errol Macalalad at Haz...
31/08/2026

🏆🎤 CONGRATULATIONS, LNK – THE VOICE DUO! 🎤🏆

Isang malaking pagbati sa ating mga kabarangay na sina Errol Macalalad at Hazel Bautista, ang GRAND CHAMPION ng LNK – The Voice Duo! 🎶🏆

Buong puso ang suporta ng Sucat Youth Builders Federation "Official" (SYBF) sa ating mga kabataan at talentadong kabarangay dito sa Sucat! ❤️💙

Maraming salamat, Errol at Hazel, sa napakagandang performance at talentong inyong ipinamalas sa event ng Muntinlupa Youth Connect / Youth Affairs Office. Patuloy sana ninyong pagyamanin ang inyong talento at panatilihin ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa pagkanta. 🎤✨

Congratulations ulit sa inyong dalawa! Deserve na deserve ninyo ang tagumpay na ito! 👏🏆

Taos-pusong pasasalamat din kay Ms. Ahya Dancel - Parfan hya Dancel-Parfan, Youth Division Head, at sa lahat ng taong nasa likod ng matagumpay na programang ito. Maraming salamat sa pagbibigay ng pagkakataon sa ating mga kabataan na maipakita ang kanilang talento at potensyal. 🙌💙

Muli, CONGRATULATIONS, ERROL & HAZEL! 🎉🎤🏆

BASTA SUCAT, SIKAT! 🌟🔥














Sucat Youth Builders Federation "Official" – 4TH PLACE! ✨🏆LINGGO NG KABATAAN | YOUTHLympics 2.0 💚💛❤️Ang Sucat Youth Buil...
29/08/2026

Sucat Youth Builders Federation "Official" – 4TH PLACE! ✨🏆

LINGGO NG KABATAAN | YOUTHLympics 2.0 💚💛❤️

Ang Sucat Youth Builders Federation (SYBF) ay buong pusong nakilahok sa Linggo ng Kabataan – Youthlympics 2.0, na ginanap ngayong August 29, 2026 sa Muntinlupa Sports Complex.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Youth Affairs Office (YAO) – YASDO Youth Division / Muntinlupa Youth Connect, sa pangunguna ni Ms. Ahya Dancel-Parfan, Youth Division Head. Layunin ng Youthlympics 2.0 na pag-isahin ang mga kabataan mula sa iba't ibang barangay sa pamamagitan ng iba't ibang games, challenges, atbp.

🏅 SYBF – 4TH PLACE! 🏅

Sa bawat hamon at laro, ipinakita ng mga kinatawan ng SYBF ang teamwork, sportsmanship, pakikiisa, at tunay na diwa ng pagiging isang kabataang Sucat. Ang pagkamit ng 4th Place ay bunga ng sama-samang effort, suporta, at dedikasyon ng bawat kabataang nakiisa sa aktibidad.

💚💛❤️ MARAMING SALAMAT! ❤️💛💚

Taos-pusong pasasalamat sa aming mga katuwang at sumusuporta sa kabataan:

🙏 Chairman Calvin Kein Santos
🙏 Kapitan Raffy Sevilla
🙏 Mayor Ruffy Biazon
🙏 Youth Affairs Office (YAO) / YASDO Youth Division Muntinlupa Youth Connect
🙏 Ms. Ahya Dancel - Parfan Dancel-Parfan at buong Youth Division Team

At higit sa lahat, maraming-maraming salamat sa lahat ng Youth Organizations ng Sucat na naglaan ng oras, effort, at energy upang maging bahagi ng Youthlympics 2.0! 💪🔥

✨ Mga Youth Organizations na Nakibahagi:
• SPTYO
• CSYO
• USBO
• LIKHA
• SDC
• JCYC

Ang tagumpay na ito ay tagumpay ng buong kabataan ng Sucat! 🫶

SYBF – 4TH PLACE 🏆

🔥 Tunay na Kabataang Sucat, Sikat! 🔥
Sama-sama. Nagkakaisa. Para sa Kabataan! 💚💛❤️







CONGRATULATIONS, GRADUATES OF 2026! 🎉Ang buong Sucat Youth Builders Federation (SYBF) ay taos-pusong bumabati sa lahat n...
16/07/2026

CONGRATULATIONS, GRADUATES OF 2026! 🎉

Ang buong Sucat Youth Builders Federation (SYBF) ay taos-pusong bumabati sa lahat ng mga nagsipagtapos ngayong 2026!

Ang inyong pagtatapos ay patunay ng inyong sipag, tiyaga, determinasyon, at mga sakripisyong inyong hinarap upang maabot ang mahalagang tagumpay na ito. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy ninyong tahakin ang landas tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Tandaan na ang pagtatapos ay hindi ang katapusan ng inyong paglalakbay, kundi simula ng panibagong yugto na puno ng mas maraming oportunidad, hamon, at tagumpay. Dalhin ninyo ang mga aral, pagpapahalaga, at karanasang inyong natutunan bilang gabay sa pagbuo ng isang mas maunlad na kinabukasan—hindi lamang para sa inyong sarili, kundi para rin sa ating komunidad at bansa.

Patuloy na mangarap nang mataas, magsikap nang buong puso, at maging huwaran ng positibong pagbabago para sa kapwa kabataan.

Muli, malugod naming binabati ang lahat ng Graduates of 2026! 🎓✨

Your achievement is your stepping stone to a brighter future. Keep reaching for your dreams and never stop believing in your potential.

From your SYBF Family,
Sucat Youth Builders Federation

Happy Birthday Chairman Calvin Kein Santos Mula po sa Sucat Youth Builders Federation "Official" ❤️🎉🎉
08/07/2026

Happy Birthday Chairman Calvin Kein Santos Mula po sa Sucat Youth Builders Federation "Official" ❤️🎉🎉

21/06/2026
Muntinlupa Youth Connect  Hangout  Ang Sucat Youth Builders Federation "Official" ay dumalo at nakilahok sa Muntinlupa Y...
20/06/2026

Muntinlupa Youth Connect Hangout

Ang Sucat Youth Builders Federation "Official" ay dumalo at nakilahok sa Muntinlupa Youth Connect Hangout ng Youth Affairs Office (YAO) na ginanap sa Bayanan ngayong June 20, 2026. Ito ay Isang activity hatid ng Yasdo Youth Division sa pangunguna ni Ms. Ahya Dancel - Parfan (Youth Head) kung saan Ang bawat Kabataan ng iba't-ibang barangay ay nagsasama sama upang makilahok at makibahagi sa inihandang challenge or activity ng federation host (Makabayan Youth Fed at LKYF).

Ang SYBF ay tinanghal na 2nd Place sa naganap na Hangout kung saan Ang bawat kinatawan ng federation ay nakiisa at nakibahagi sa iba't ibang games or challenge.

Taos Pusong pasasalamat kay Chairman Calvin Kein Santos at kay Kap Raffy Sevilla bilang suporta sa SYBF.

Maraming Salamat din Kay Mayor Ruffy Biazon at Batang Juan Network sa nakamit na gantimpala ng Federation.

🏆SYBF - 2nd Place🏆
Tunay na kabataang Sucat Sikat!!!!!💚💛❤️

Nakibahagi na Youth Organization:
✨SPTYO
✨CSYO
✨USBO
✨SDC
✨LIKHA

Kasama din Sina SK Aspirant Carlito Sicam at Marcus Serrano

𝐂𝐒𝐘𝐎 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐋𝐄𝐀𝐆𝐔𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔Embracing the true spirit of the game.Every shot, pass, and play builds not only competition ...
02/06/2026

𝐂𝐒𝐘𝐎 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐋𝐄𝐀𝐆𝐔𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔
Embracing the true spirit of the game.

Every shot, pass, and play builds not only competition but also camaraderie and sportsmanship. United on the court, stronger as a community.



Address

Brgy. Sucat
Muntinlupa City
1770

Telephone

09487473385

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sucat Youth Builders Federation "Official" posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share