18/09/2024
Eksatong Labing Pitong taon na pala, Isang tipikal lang na high School Student way back that year. eskwelahan at bahay panaka naka minsan tumatambay din kasama ang piling kaibigan, 15yrs old ko ng mapasali sa Scouts Royale Brotherhood wala sa plano or hindi naman talaga plinano ang pag pasok sa kapatiran. may kapitbahay kasi kami noon na SRB si Brod Buboy ng Omicron Bruger kung saan kami initiated at survive. at na introduce niya naman sa dalawa kong kababata na si Brod George ' jetx2' Bation at Brod Raffy 'jhon' Magallanes na sila naman nag pakilala sa akin sa Scouts Royale Brotherhood at dahilan para sumali, syempre kababata at matalik na kaibigan, walang malalim talaga na dahilan kung bakit ako napasali bukod sa kasama ko yung dalawa kong kaibigan sa kabila ng mga orientation at indoktrinasyon noong mga panahon na yun ei pasok sa tenga at labas sa kabila. ' medyo nakakainip na proseso pag hindi ka naman talaga intresado sa isang bagay '. sa ganito ako nag simula sa kapatiran. sa umpisa pa lang kinundisyon ko na yung katawan ko pisikal at emotion and kahit sa mental aspect dahil sa ganitong proseso pag mahina ka pwede ka umayaw or mag quit nalang a long the process dahil sa mga taon na yan halos nag sama sama or nag pang abot yung magkaibang era na parehas survive sa traditional na paraan kaya halo halo yung matutunan mo pero sa isang dako lang ang bagsak ang mahubog ka sa bagong ikaw. ' pero gaya nga ng sabi ko pasok sa tenga at labas sa kabila lang ako noon'. September 14, 2007, araw na dapat ay IR namin nila Brod Jetx2 at Brod Jhon gabi pa lang ng sept 13, ay napag uusapan na kung saan kami magkikita at kung sino ang susundo sa amin papunta sa venue ng IR at pinalakas ang loob ng isa't isa para sa magaganap kinabukasan. Pero hindi ako sumipot noong araw na dapat IR namin tatlo dahil na rin siguro sa takot noong una at hirap kaya hindi ako nagpakita noong araw na yun, hapon na noong makita ko silang dalawa ako kakauwi lang galing school at sila naman ay alam ko kung saan galing ' bakas ko yung pagod at hirap nilang dalawa nung makita ko sila, kasabay din ng tapang na nakalagpas silang at paghanga' hindi ako makatingin sa mata nila sa hiya dahil hindi ko pag sipot. kaya napaisip ako noon kung tutuloy pa ba ako or hindi na kaya pasalamat ako sa dalawa dahil sila din ang nag encourage sa akin para tumuloy at syempre sa mga Lord and Ladies noong panahon na iyon na pinalakas din ang loob ko at sa Grand Chancellor ng Omicron Bruger that time, September 18,2007 apat na araw bago ang 32th years anniversary, ito yung araw na hindi ko makakalimutan araw na akala ko hanggang doon nlang ako, 11:00am sa Mcdo sa may malapit sa City hall ng Muntinlupa doon ako sinundo ng isang brod papunta sa venue ng IR this time ako nlang mag isa na lalo nag dagdag sa kaba at takot ko naglakad lang kami noon papunta sa venue at naka school uniform pa ako noon pero may dalang damit sa bag, pinag pahinga ako sa isang lugar na kahit may bintelador naman ay tagak-tak malala ang pawis ko halo halo ang nararamdaman ko noong oras na yun kaba,takot at hiya dahil sa hindi ko pag sipot noong nakaraan. 85% noon ay takot at kaba at 15% lakas ng loob ang dala ko that time, hanggang may pumasok na brod para sabihin mag bihis na ako, bago mag simula may mga nakita na akong mukha yung iba matatanda na, at noong araw ko lang din nakita. biglang dumilim ang lahat puro boses nlang ang naririnig ko habang naglalakad ako na may naka alalay at kahit wala akong makita alam ko dinala ako sa ibang lugar dahil umakyat ako ng hagdan, bago mag simula narinig ko ang isang boses na pamilyar sa akin alam ko si brod jetx2 yun pati boses ni brod buboy at brod jhon. kaya medyo lumakas loob ko noong oras na yun bawat pagmamahal na lumapat sa akin ay boses sa kabila na ' kaya mo yan' at sabay mahigpit na yakap, pakiramdam ko mahaba yung oras na wala akong makita at boses lang ang naririnig ko ' naalala ko pa noon magkamali pa ako ng banggit imbes pump may lord ang sabihin ei master ang nabanggit, ayun kinurot ako ng konti na medyo mahapdi', hanggang naglakad ulit ako habang may nakakaalalay at pinaupo ako ng mga 15 to 20 minutes pero wala pa din ako makita noong time na yun. may narinig ako na patayuin na daw ako kala ko tapos na, at pinatayo nga ako at pinasandal sa pader ' alam kong pader yun dahil matigas' sabay may nag salita ng bilang daw ako 1-5 pagbilang ko nagka utal utal na ako kasi ang daming kamay at paa na dumapo sa akin may galing sa magkabilang gilid at harapan. 'salamat sa pagmamahal mga lords and ladies ko noon na mga kapatid ko na ngayon', hanggang tinggal na yung piring ko hindi ko maaninag yung mga mukha pero ngiti at pagbati ang binigay nilang lahat kasabay ng pag abot ng kanan kamay at mahigpit na yakap. naging mahaba yung maghapon ko noong araw na yun literal dahil padilim na ng matapos kami, halo halo pa rin ang nararamdaman ko halo halong pagod,sakit at kaba dahil baka malaman ng pamilya ko ' yung pang school ko na pantalon bigla hindi nagkasya after hahahaha'. Marami kang matutunan along the process pero hindi lahat kayang matandaan, for the past 17yrs na nasa loob ako ng kapatiran may mga pinag daanan na ako along the way alitan sa katunggaling tribu na naging dahilan ng pag tigil ko sa pag aaral at pag papauwi sa akin sa probinsya, 'naalala ko noon nung sinugod kami ng isang chapter ng kabilang tribu dahil sa bintang na SRB daw ang tumaga sa brod nila, na hindi naman kami ang gumawa that day. buti nasa school ako at wala sa bahay, pero after ng school sa Tacloban na ang diretso ko halos isang school year din ako dun. para sa akin hindi mo agad makikita ang purpose mo kung bakit ka sumali sa SRB, dahil proseso ang lahat kelangan ma apply muna yung natutunan mo sa pagiging pledge or fledge at dapat malalim na naka ugat ang Leadership Friendship Service, at dapat araw araw natin bitbit ang 12jewels. ako aminado ako na matagal bago ko nakita ang purpose ko bat ako nasa kapatiran pero unti unti nalang biglang umusbong lahat ng yun, kaya salamat din sa mga elder brothers and sisters na lalong nagpalalim ng dahilan sa akin bakit ako nasa SRB. Madami akong naging inspirasyon sa loob ng kapatiran at marahil kilala niyo din partikular sina Bro Akie. Bro Cocoy Gaa. Bro Billy Laraga. at ang namayapang kapatid ba si Bro Larry Peña hindi ko pa sila na meet sa personal pero matagal ko naririnig ang pangalan nila noon pa, kaya patuloy kong sinubaybayan ang pangalan nila'. si brod Akie nakilala ko na siya matagal na panahon na siguro 2 years pa lang ako noon sa SRB noong nakamayan ko siya bata pa ako noon at marahil hindi na rin maalala ni brod akie yun. at si Bro Ayeh ng National Council sa walang sawang pagsusulong ng kaayusan sa kapatiran iba din ang dedication ng tao na toh para mamunuan ang buong konseho ng Scouts Royale Brotherhood. sa loob ng Muntinlupa marami din ako hinahangaan lalo na sa pamumuno andyan sila Brod Jolex at Brod Melvin at ang pinuno ng konseho namin si Brod Sonny iba din ang boses ng mga brod na ito.
Hindi ko lubos maiisip na mula sa pagiging 15yrs old na kabataan na mapapabilang sa kapatiran ng ganito katagal ' kala ko kasi dati basta napasali lang ako' ngayon palagi kong sinasabi sa mga bagong brod at sis na mahalin niyo ang SRB dahil makakatulong ito sa paghubog ng mga sarili ninyo, mahalin niyo ang SRB gaya ng pagmamahal ng matatanda natin kapatid na yung ibang nag buwis pa ng buhay,
mahalin niyo ang SRB dahil itutulak kayo nito kung saan kayo mapapabuti.
Lahat ng sinasabi ko ay base sa kung ano ako ngayon. marami na ang nagbago sa kapatiran at madami na rin ang binago ng kapatiran mula sa pagiging radikal at adbenturistang kabataan panahon ng 70's, ay nasa ibang ibang larangan na tayo ngayon mula sa mga Highschool and college student, young professionals and professional, may mga nasa Government at Law Enforcement at madami pang iba, dito pa lang alam na natin na maganda ang naging aral ng SRB sapat na dahilan para lalo tayong magpatuloy na humubog ng marami pang kabataan.
Gaya ng maraming kapatid na ang pangarap ay pagkakaisa yun din ang pangarap ko ilang taon na. yung nakabigkis ang lahat sa isang lubid at nasa payong ng isang gobyerno.
Hindi pabata ang kapatiran, bagkus tayo ay patanda kasabay ng mga pagbabago ang bawat pagkatuto natin, mga halaw na aral mula sa dating panahon na patuloy na pinapaunlad, mga karanasan na naging bahagi ng kasaysayan ng kapatiran, mga pangalan na naukit sa pagpapatibay ng pundasyon kung ano ang Scouts Royale Brotherhood ngayon.
Bakit nais kong ibahagi ang kwento ko kung paano ako napabilang sa mahal na kapatiran ' dahil isa ito sa humubog sa akin kung ano ako ngayon ' sa loob ng labing pitong taon ay wala akong pagsisi at ni kelan man ay hindi magsisi.
naluluha ako
Mahal ko ang SRB at hindi na magbabago yun.
Sa mga susunod na panahon proud akong ikwe- kwento sa anak ko kung bakit fratman ang tatay niya at bakit sa Scouts Royale Brotherhood ako sumali.
Malawak ang mundo ng SRB nasa atin lang kung paano ka maglalakbay dito madami kang makilala na mapupulutan mo ng aral at insperasyon ' nasa iyo nalang kung gagamitin para lalo kang matuto o isansantabi mo nlang' madami ka din makikitang mali at mga pagkakamali ' dahil hindi naman perpekto ang kapatiran at tao lang din ang nasa loob ng kapatiran ' nasayo nalang yun kung kasama sa pagtatama ng mali o magiging bulag at bingi ka nalang'. malaya tayong binibigyan ng karapatan ng kapatiran sa mga bagay bagay na nakabatay sa atin konstitusyon at batas sa loob man o labas, kaya gamitin natin ito bilang armas at boses sa loob, at dapat alam din natin ang Criticism and Self Criticism ' pag puna at pag puna sa sarili. dahil para sa akin isa itong katangian para sa maayos na pagiging SRB at pinuno.
Wag tayong mag sawang gumawa ng tama sa loob at labas ng kapatiran bilang SRB. patuloy at tuloy tuloy na magbibigay serbisyo sa komunidad at paaralan,
Palaging natin dalhin ang 12 jewels sa isip, puso at sa gawa.
Ngayon 49th year Anniversary pagbati sa lahat ng kapatid at sana lalo pa natin maitaas ang ang antas ng kapatiran. Kapayapaan at Pagkakaisa para sa lahat ng kapatid.
Shin
Batch 2007-A1
Omicron Tau Community Chapter