07/08/2026
๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐ข ๐๐ก๐ ๐ช๐๐๐: Palagiang nagbabago, palagiang umuunlad. Kailangang laging sumasabay at umaalalay ang wika sa mga pagbabago sa lipunan upang manatiling buhay at makabuluhan sa mga taong gumagamit nito, upang hindi mamatay ang kulturang kaniyang sinasagisag, at upang mapaunlad ang kultura tungo sa pag-unlad din naman ng bansa! Ngayong Buwan ng Wika, na may temang "๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐: ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ๐ธ ๐ฎ๐ ๐ง๐๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฌ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป," kinikilala natin ang hamon sa Wikang Filipino na makasabay sa makabagong panahon ng teknolohiya.
Habang binubuksan ng Artificial Intelligence (AI) ang mas maraming oportunidad sa pananaliksik at pagkatuto, nananatiling mahalaga ang mapanuring pag-iisip, etikal na paggamit ng impormasyon, at wastong pagpapahayag gamit ang ating sariling wika. Gayong ang AI ay makinang walang buhay na kailanmaโy hindi makauunawang lubos sa mayamang kulturang dala ng ating wika, kailangang mahanap ang balanse sa paggamit nito sa pagpapaunlad ng ating wika at sa pananaliksik sa mga isyung kinakaharap ng ating bansa. Habang sumasabay ang ating wika sa pag-unlad ng AI, dapat din itong gumabay sa pag-unlad at paggamit nito nang maiwasan ang mali at malisyosong paggamit nito. Ang AI ay maaaring maging katuwang sa paglikha ng kaalaman, ngunit ang Wikang Filipino ang patuloy na nag-uugnay sa ating kultura, identidad, at responsableng pakikibahagi sa lipunan.
Sa paggamit ng AI, pairalin ang pagsusuri. Sa paggamit ng Wikang Filipino, isabuhay ang katotohanan.๐๐๐