12/10/2026
"PUNO NA ANG POUNDS. PUNO NA RIN ANG SHELTERS. TULOY PA RIN ANG IMPOUNDING. AT HINDI PA RIN NAKIKITA SI WH**EY." π
Active impounding operations are ongoing at the following locations:
βπ Roxas Boulevard
βπ Diokno Avenue
βπ Macapagal Avenue
βπ Buendia
βπ PICC (Philippine International Convention Center)
βπ Star City
βπ CCP Complex (Cultural Center of the Philippines Complex)
βπ Amazing Theatre / Amazing Show Area
βπ’ PLEASE SHARE THIS POST IMMEDIATELY.
Spread the word to rescuers, pet owners, feeders, and residents nearby. A single share could save a life today! ππΎ
IMPT. UPDATE NO. 1:
Even our homeless will be relocated or resettled to a temporary holding area by the LGUs. We are advising them to transfer to other areas. With collars and leashes, it will be easier to secure them and bring them wherever they go.
IMPT. UPDATE NO. 2:
The BSP CLAW can only attend to some homeless individuals along the stretch of Roxas Boulevard and Malate area near the Bangko Sentral ng Pilipinas.
We strongly advise the community feeders in other areas to attend to their stray dogs and cats. Makiusap napo kayo sa mga guards, janitors or establishments na pansamantala, hanggang matapos ang ASEAN sa Nobyembre 20 ay kupkupin muna nila ang mga aso at pusa, at papakainin ninyo sila habang sila ay nasa kanilang poder. Kailangan rin na magkaroon ng maayos na arrangement sa paglilinis ng kanilang poops. Kung may mauupahan po kayong maglilinis ng lugar, ito ay malaking tulong para hindi mapaginitan ang inyong mga pinapakain.
LONG READ BELOW, BUT IMPORTANT!
TULUNGAN NATIN ANG ATING MGA HOMELESS KABABAYAN AT ANG KANILANG MGA ALAGA! πΎβ€οΈ
Sa bawat sulok ng ating komunidad, may mga kuwentong hindi natin napapansin. Sila ang ating mga homeless kababayan -- walang sariling bubong, walang kasiguruhan sa susunod na kakainin, at tanging ang kalsada ang itinuturing na bahay.
But behind their tough reality, may isang bagay na nagbibigay sa kanila ng lakas, pag-asa at tunay na pagmamahal: ang kanilang mga alagang aso at pusa. ππ
Sa gitna ng kawalan, ang kanilang mga alaga ang kanilang tanging pamilya at kaibigan na tapat na nagmamahal.
Walang-wala man sila, pero handa nilang ibahagi ang huling piraso ng kanilang pagkain para lang hindi magutom ang kanilang mga alaga.
π THE HEARTBREAKING REALITY:
Patuloy pa rin ang mga round-ups kahit na overloaded na ang mga shelters at pounds. Ano na kaya ang nangyari sa mga naimpound noon? Buhay pa kaya sila? Kahit hindi man sila patulugin, unti-unti naman silang mamamatay sa pound dahil siksikan sila doon, agawan sa pagkain at magkakahawahan sa sakit. Kaya kahit ano pang depensa ng LGUs sa operasyon ng pounds dahil allowed naman ito ng batas, ang mga ito ay government-sanctioned animal cruelty facilities sa bansa.
Sobrang sakit sa puso at isip na sa isang iglap, pwedeng mapaghiwalay ang alaga sa kanyang magulang. Imagine the fear and sadness of someone losing their only loyal companion. Ang kanilang mga pets naman ay walang kamuwang-muwang na pwede silang ma-impound at tuluyang mawala at mamatay.
π’ PANAWAGAN SA MGA BUSINESS ESTABLISHMENTS:
Sa halip na ipa-round up sila para lang maging "malinis" ang inyong area para sa mga bisita, tulungan natin sila na mabigyan ng safe space sa tagong lugar sa inyong area.
Maaari rin po kayong magsagawa ng subsidized kapon sa inyong nasasakupan at i-manage ang mga aso at pusa sa inyong lugar, katulad ng ginagawa ng Century Park Hotel Manila (sa pakikipagtulungan ng BSP CLAW), Solaire Resort at Ayala Mall Manila Bay. Ilan lamang sila sa may established program for kapon and management for their community animals. Ang SM Mall of Asia Arena ay nagsimula na rin sa kanilang programa.
Subali't ilan lamang sila sa mga establisimyento na may malasakit. Marami pa rin ang pumipili sa pagpaparound up sa kanilang area. Kasama na dito ang mga condominiums, barangays at kahit mga kagawaran ng gobyerno! (Hindi kasama ang BSP sa ganyang gawain!)
π₯£ PANAWAGAN SA MGA COMMUNITY FEEDERS:
Napakasakit sa isang community feeder na ang mga aso at pusa na kanilang pinapakain araw-araw ay bigla na lamang mawawala sa kanilang kinagisnang lugar. Marami sa mga strays sa paligid ay matagal na sa lugar na kanilang napiling safe at kanlungan sa malupit na mundo ng mga tao. At isa lang ang solusyon ng gobyerno dito: ang hulihin sila at patayin dahil salot sila lipunan.
"Baka makakagat sila. Baka may rabies sila. Tumatae at umiihi sila sa paligid. Ewww. Nagkakalkal sila ng basura. Walang budget sa kapon."
Mayroon pang nagsasabi na kunyari ay concerned sila sa safety ng hayop: "Delikado sila sa daan, baka maaksidente sila at mamatay." (So sa pound, hindi sila mamamatay?) (Humanity left the room. Sorry, angst na angst na kami!)
Kaya kung kayo naman ay community feeder at nagpapakain sa area na pagdadausan ng summit, makipag-ugnayan po kayo sa amin upang sama-sama nating matulungan ang mga homeless pets na ito.
π PAANO TAYO MAKAKATULONG PANG-INDIBIDWAL?
We may not be able to give them a physical home right now, but we can definitely help them keep their furry family members safe and by their side!
Upang hindi magpakalat-kalat ang kanilang mga alaga habang may mga round-ups, we are knocking on your generous hearts for donations of:
πΉ Collars (Kuwelyo)
πΉ Leashes (Tali)
πΉ Harnesses
πΉ Pet bowls & food (para pandagdag sa kanilang munting salo-salo)
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng leash o collar, masisiguro natin na may "identifying gear" at maayos na hawak ng ating mga homeless brothers and sisters ang kanilang mga mahal sa buhay para hindi sila basta-basta ma-impound.
Let's show them that even if they are homeless, they are not alone. And their pets deserve to stay with the people who love them the most. πΎ
π© HOW TO DONATE / COORDINATE:
Mag-send lamang ng mensahe sa amin (DM us!) para sa drop-off points, koordinasyon, o kung paano ninyo maipapadala ang inyong mga donasyon. Kahit luma pero maayos pa, o bago - malaking tulong po ito!
Please SHARE this post to raise awareness and help protect our community animals! πβ¨
IMPORTANT:
PARA MAIWASAN ANG FRAUDULENT SOLICITATIONS, BSP CLAW WILL NOT POST DONATION CHANNELS. Huwag po kayo magpapadala ng monetary donation sa magpapanggap na nanghihingi para sa amin. We will not authorize other people to solicit on our behalf.
Our official cellphone: 09219065411 (This is not a Gcash or Maya account).
Email: [email protected].
MARAMING SALAMAT PAW!πΎ
πΎ
Annee Del Rosario Buen
Maria Ramona Santiago
Arnold Frane
Tanya Rex
Mitch Inocian
Tamara Cajarop Ocier
Kim Sicnoy
Desiree Gaza
Louie Del Rosario
Michael Paruli