Ronnel "Esprikitong" Oloc oloc fans

Directions

Ronnel "Esprikitong" Oloc oloc fans para sa maayos, tapat, at mas maunlad na barangay. sama sama nating iaangat ang ating komunidad

04/07/2026

Bawat hinaing, didinigin Serbisyong walang pipipiliin

Nakikinig
Kikilos
Maglilingkod.

Sa mga nag-iisip o nag-aalinlangan kung matutuloy ba ang pagtakbo ni Kagawad Ronnel Oloc-Oloc, nais po naming linawin na...
28/06/2026

Sa mga nag-iisip o nag-aalinlangan kung matutuloy ba ang pagtakbo ni Kagawad Ronnel Oloc-Oloc, nais po naming linawin na tuloy na tuloy po ang kanyang laban at wala na pong atrasan.

Sa ngayon, hindi lamang po siya gaanong nakakakilos dahil sa kanyang mga responsibilidad sa buhay at kakulangan sa pananalapi. Ngunit huwag po kayong mag-alala. Isa-isa po niyang pupuntahan ang bawat lugar upang personal na makausap at makilala pa kayo.

Maraming salamat po sa inyong tiwala at patuloy na suporta. Tuloy ang laban. Dito tayo sa taong totoo, may malasakit, at tunay na handang maglingkod.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Ronnel Oloc-Oloc ay nagsilbing chess coach sa Bayanan Elementary School Unit I nang wal...
01/06/2026

Lingid sa kaalaman ng marami, si Ronnel Oloc-Oloc ay nagsilbing chess coach sa Bayanan Elementary School Unit I nang walang anumang bayad o allowance. Sa kabila nito, buong puso niyang ibinahagi ang kanyang kaalaman, oras, at karanasan sa larangan ng chess dahil naniniwala siyang mahalagang mahubog ang kakayahan at disiplina ng mga kabataan. Ang kanyang dedikasyon at pagmamalasakit sa mga mag-aaral ang naging daan upang makapagbigay siya ng positibong impluwensya at inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga manlalaro.

"Ayan si Ronnel Oloc-Oloc—wala pa man sa posisyon ay tumutulong na sa mga kabataan. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang oras, kaalaman, at karanasan sa chess nang walang anumang bayad, ipinapakita niya ang tunay na diwa ng paglilingkod at malasakit sa komunidad." ♟️🏆

Si Ronnel Oloc-Oloc ay isang ordinaryong mamamayan na lumaki sa gitna ng hirap at pagsubok sa buhay. Bata pa lamang ay n...
18/05/2026

Si Ronnel Oloc-Oloc ay isang ordinaryong mamamayan na lumaki sa gitna ng hirap at pagsubok sa buhay. Bata pa lamang ay naranasan na niya ang iba’t ibang hamon tulad ng pagbaha sa kanilang tahanan at kakulangan sa pangunahing pangangailangan, dahilan upang mas maunawaan niya ang kalagayan ng mga simpleng mamamayan sa komunidad.
Nag-aral siya ng Mechanical Engineering sa Adamson University, ngunit dahil sa kakulangan sa pinansyal, kinailangan niyang ihinto ang kanyang pag-aaral upang magtrabaho at tumulong sa kanyang pamilya. Sa murang edad, natutunan niya ang kahalagahan ng sipag, sakripisyo, at responsibilidad para maitawid ang pang-araw-araw na buhay.

Dahil sa kanyang personal na karanasan sa hirap ng buhay at aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad, nabuo ang kanyang hangarin na pasukin ang public service upang mas mapalawak pa ang kanyang kakayahang tumulong sa mas nakararami.
Kilala si Ronnel Oloc-Oloc bilang isang taong maaasahan, marunong makinig, at handang umunawa sa hinaing ng bawat mamamayan. Para sa kanya, ang tunay na serbisyo ay hindi lamang pangako kundi konkretong aksyon at malasakit para sa kapakanan ng komunidad.

06/05/2026

Address

Ilaya Alabang
Muntinlupa City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ronnel "Esprikitong" Oloc oloc fans posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby non profit organizations