02/08/2026
๐๐ก๐ ๐ ๐จ๐ก๐ง๐๐ก๐ ๐๐ช๐๐ก๐ง๐ข | ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฉ๐ถ๐น๐น๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ญ ๐๐ข๐, ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ถ๐บ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฐ ๐จ๐ฟ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ธ๐ ๐๐๐ฑ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ผ๐ป๐ถ๐ฐ๐ ๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐บ
MUNTINLUPA CITY โ Sa isang komunidad kung saan ang bawat maliit na espasyo ay maaaring maging simula ng isang munting halamanan, muling pinatunayan ng mga residente ng Katarungan Village 1 Homeowners Association (HOA) na ang pagtatanim ay hindi lamang tungkol sa pag-aalaga ng halamanโito rin ay tungkol sa pag-aalaga sa komunidad. Noong Hulyo 9, 2026, nagtipon ang mga residente sa Covered Court ng Katarungan Village 1, Poblacion upang matuto at maghanda para sa pagtatatag ng kanilang community garden sa pamamagitan ng pagsasanay sa Basic Urban Agriculture at Kratky Hydroponics System.
Pinangunahan ng Department of Agriculture โ Extension Services Office (DA-ESO) ang pagsasanay, katuwang ang Community Affairs and Development Community Affairs & Development Office -CADO (CADO) sa pamumuno ni Ms. Gerrovi Argana, bilang tulay upang mailapit sa mga mamamayan ang mga programa, kaalaman, at serbisyong maaaring makatulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Sinimulan ang programa ni Mr. Jayson M. Villeza sa pamamagitan ng pambungad na panalangin at mensahe ng pasasalamat sa mga dumalo. Sinundan ito ng pagpapakilala sa mga programa at serbisyong iniaalok ng DA-ESO na pinangunahan ni Mr. Patrick Joseph M. Carlos.
Ngunit higit pa sa teknikal na kaalaman ang namayani sa araw na iyon. Sa talakayan tungkol sa Basic Urban Agriculture at Kratky Hydroponics System, pinangunahan ni Ms. Syra Mae O. Pelayo, katuwang sina Engr. Jenor P. Moral, Jheiy Santilla, at Mr. Jayson M. Villeza, naging daan ang pagsasanay upang hindi lamang matutunan ng mga kalahok ang paano magtanim, kundi mapag-usapan din ang mas malaking larawan ng agrikultura sa bansa. Naging makabuluhan ang palitan ng pananaw nang ibahagi ng ilan sa mga kalahok ang kanilang saloobin tungkol sa kalagayan ng agrikultura sa Pilipinas. Sa kanilang mga kuwento, lumitaw ang isang simpleng ngunit mahalagang panawagan: mas kailangan ng agrikultura ang patuloy na suporta, pagkalinga, at pagkilos.
At marahil, ang community garden ng Katarungan Village 1 ay isa sa mga maliliit na hakbang patungo roon. Dahil sa bawat buto na itinatanim, may pag-asang tumutubo. Sa bawat halamang inaalagaan, may responsibilidad na nahuhubog. At sa bawat komunidad na natututong magtanim, may mas matibay na ugnayan sa pagkain, kalikasan, at kapwa.
Nagtapos ang programa sa pagagawad ng sertipiko para sa Homeowners Association ng Katarungan Village 1 at panghuling mensahe na hatid ni Mr. Raymart Campos, para sa pasasalamat sa mga dumalo at natuto sa pagsasanay.
Patuloy na isinusulong ng City Government of Muntinlupa - OFFICIAL, sa ilalim ng 7K Agenda ni Mayor Ruffy Biazon, ang mga programang nagbibigay ng kaalaman at praktikal na kasanayan sa mga mamamayan. Sa pangunguna ng DA-ESO sa ilalim ni Ms. Marilou O. Lobo, at sa pakikipagtulungan ng mga katuwang na tanggapan tulad ng CADO, mas naihahatid ang serbisyo kung saan ito tunay na nararamdamanโsa mismong komunidad.
๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฏ๐ต๐ช๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฏ๐ต๐ช๐ฏ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฃ๐ถ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐บ๐ฆ๐ฌ๐ต๐ฐ. ๐๐ช๐ฏ๐ด๐ข๐ฏ, ๐ฏ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ด๐ช๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ช๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ด๐ฐ. ๐๐ข ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ต๐ฐ. ๐๐ข ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต๐บ ๐จ๐ข๐ณ๐ฅ๐ฆ๐ฏ.
At sa isang komunidad na sama-samang natutong magtanim, mag-alaga, at umani para sa kinabukasan.