Ikatlong Lahi ni Eba at Adan 2026

Directions

Ikatlong Lahi ni Eba at Adan 2026 πŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ³οΈβ€πŸŒˆ

Ngayong Umaga kami po ay personal na na-interview ng Studyante ng UP Los BaΓ±os , lubos po kaming nagpapasalamat ky kapit...
27/07/2026

Ngayong Umaga kami po ay personal na na-interview ng Studyante ng UP Los Baños , lubos po kaming nagpapasalamat ky kapitan Gerry Teves at ky Barangay Secretary King Marquez para maipagamit sa amin ang AVR ng barangay Putatan , maraming salamat den ky Mr. Jerick Louis Dicen studyante ng UP Los Baños 🫑😍

Maligayang Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Guillermo De Vercelli!Sa pagdiriwang ng kapanganakan ni San Guille...
23/06/2026

Maligayang Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Guillermo De Vercelli!

Sa pagdiriwang ng kapanganakan ni San Guillermo De Vercelli, nawa'y patuloy niyang akayin ang bawat isa sa landas ng pananampalataya, kababaang-loob, at paglilingkod sa Diyos.

Pagbati mula sa Samahang Ikatlong Lahi Putatan β€οΈπŸ™πŸ»

To the dads, stepdads, grandpas, uncles, mentors, and father figuresβ€”today is for you. πŸ’™Happy Father’s Day! πŸ‘
21/06/2026

To the dads, stepdads, grandpas, uncles, mentors, and father figuresβ€”today is for you. πŸ’™

Happy Father’s Day! πŸ‘

PANUNUMPA NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYALES NG IKATLONG LAHI PUTATAN 🌸✨Ngayong araw ay matagumpay na ginanap ang panunump...
16/06/2026

PANUNUMPA NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYALES NG IKATLONG LAHI PUTATAN 🌸✨

Ngayong araw ay matagumpay na ginanap ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng IKATLONG LAHI NI EBA’T ADAN sa pangunguna ni Kapitan Gerry Teves. βœ‹

ang lahat ng mga bagong halal na opisyales. Nawa’y maging gabay ninyo ang integridad, pagkakaisa, at malasakit sa inyong paglilingkod para sa kapakanan ng buong komunidad.πŸ’―

Ang pagiging lider ay hindi lamang isang karangalan kundi isang responsibilidad na nangangailangan ng dedikasyon at tapat na paglilingkod. Nawa’y patuloy nating isapuso ang ating tungkulin at sama-samang isulong ang kaayusan, kaunlaran, at pagkakaisa sa Barangay Putatan! ❀️

Muli, congratulations at mabuhay ang mga bagong opisyales ng Ikatlong Lahi ng Putatan πŸ³οΈβ€πŸŒˆ

Ang laya mo’y babantayan, Pilipinas kong hirang 🎢Maligayang Araw ng Kalayaan! πŸ‡΅πŸ‡­
12/06/2026

Ang laya mo’y babantayan, Pilipinas kong hirang 🎢

Maligayang Araw ng Kalayaan! πŸ‡΅πŸ‡­

πŸ‘€βœ¨Presenting the stunning OFFICIAL CANDIDATES OF MISS GAY PUTATAN 2026. πŸ‘‘βœ¨Catch and witness as they light up the stage w...
11/06/2026

πŸ‘€βœ¨

Presenting the stunning OFFICIAL CANDIDATES OF MISS GAY PUTATAN 2026. πŸ‘‘βœ¨

Catch and witness as they light up the stage with grace, beauty, and confidence this June 16 , 2026 7pm at Saguibas Court Barangay Putatan 🌸

Seeyah there ❀️

✨🌸
09/06/2026

✨🌸

ISANG MAKULAY NA HANDOG PARA SA BARANGAY PUTATAN AT BUONG MUNTINLUPA

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng ating mahal na Patron na si San Guillermo sa darating na June 18, isang natatangi at makulay na pagtatanghal ang ihahandog ng nag-iisang LGBTQIA+ organization ng Barangay Putatanβ€”ang Ikatlong Lahi ni Eva at Adan.

Ang espesyal na programang ito ay hindi lamang bahagi ng taunang kapistahan. Kasabay rin nito ang pagdiriwang ng Pride Month at ang ika-15 anibersaryo ng organisasyon, na sa loob ng mahigit isang dekada ay naging mahalagang bahagi ng pagsusulong ng pagkakaisa, talento, at adbokasiya para sa LGBTQIA+ community sa Muntinlupa.

Mula sa matibay na pundasyong itinayo ni Mama Edang hanggang sa kasalukuyang pamumuno ni Mama Aming (Ramil Ramirez), patuloy na nagsisilbing inspirasyon ang Ikatlong Lahi ni Eva at Adan sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, pagtanggap, at paggalang sa pagkakaiba-iba ng bawat miyembro ng komunidad.

Paghahanda para sa June 18

Patuloy ang masinsinang paghahanda ng mga miyembro ng organisasyon para sa kanilang inaabangang pagtatanghal. Bawat sayaw, eksena, at bahagi ng programa ay bunga ng mahabang oras ng ensayo, pagtutulungan, at dedikasyon upang makapaghatid ng isang makabuluhan at de-kalidad na palabas para sa mga manonood.

Lalo pang paiigtingin ang selebrasyon sa pakikiisa ng Diwata ng Muntinlupa mula sa Barangay Poblacion, na magdaragdag ng kulay at sigla sa programa bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng LGBTQIA+ community sa lungsod.

Asahan din ang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa ilalim ng choreography ni Nesty Carubio, na siyang nangangasiwa sa malikhaing direksyon ng produksyon.

The Profiler, Nakisaksi sa Rehearsal

Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagtatanghal, inimbitahan ang The Profiler upang personal na masaksihan ang isa sa mga rehearsal ng Ikatlong Lahi ni Eva at Adan.

Sa pagbisita ng aming pangkat, nasaksihan namin ang disiplina, dedikasyon, at pagtutulungan ng mga miyembro habang pinaghahandaan ang kanilang pagtatanghal. Mula sa maingat na pagbuo ng mga eksena hanggang sa pagsasanay ng mga sayaw at iba pang bahagi ng programa, malinaw na makikita ang kanilang pagmamahal sa sining at ang kanilang hangaring makapagbigay ng isang palabas na hindi lamang nakaaaliw kundi nagbibigay rin ng inspirasyon.

Higit pa sa isang pagtatanghal, ang kanilang inihahandang programa ay isang pagpapakita ng pagkakaisa, talento, at patuloy na pagsusulong ng mga adhikain ng LGBTQIA+ community sa Muntinlupa.

Baybayin ng mga Babaylan ng Muntinlupa: Pride in Motion 2026

Hindi magtatapos sa June 18 ang mga pagdiriwang.

Sa June 28, magaganap ang isa pang makasaysayang pagtitipon sa pamamagitan ng "Baybayin ng mga Babaylan ng Muntinlupa: Pride in Motion 2026."

Kabilang sa mga pangunahing kalahok ang Ikatlong Lahi ni Eva at Adan kasama ang iba pang LGBTQIA+ organizations, allies, at mga mamamayang sumusuporta sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, dignidad, at karapatang pantao.

Higit pa sa isang parada, ang Pride in Motion 2026 ay isang makabuluhang pagdiriwang ng pagkakaiba-iba, pagtanggap, at pagkakaisa. Layunin nitong palakasin ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng isang lipunang nagbibigay ng pantay na oportunidad at paggalang sa lahat.

Bilang kauna-unahang Inter-Barangay Pride March sa buong Lungsod ng Muntinlupa, inaasahang magiging mahalagang bahagi ito ng kasaysayan ng lungsod. Sa araw na iyon, babaybayin ng mga makabagong Babaylan ng Muntinlupa ang mga pangunahing lansangan bilang simbolo ng katatagan, pag-asa, pagmamahal, at patuloy na pagsusulong ng isang mas inklusibo at makatarungang lipunan.

Ang Pride in Motion 2026 ay hindi lamang pagdiriwang ng Pride Month kundi isang mahalagang hakbang tungo sa higit na pagkilala, pagtanggap, at paggalang sa bawat miyembro ng komunidad.

"Hindi lang ito basta palabas. Ito ay sining, puso, adbokasiya, karapatan, at garbo ng bawat miyembro ng Ikatlong Lahi ni Eva at Adan."

Inaanyayahan ng organisasyon ang buong komunidad ng Putatan at Muntinlupa na makiisa sa mga darating na pagdiriwang:

πŸ“… June 18 β€” Kapistahan ni San Guillermo at espesyal na pagtatanghal ng Ikatlong Lahi ni Eva at Adan

πŸ“… June 28 β€” Baybayin ng mga Babaylan ng Muntinlupa: Pride in Motion 2026

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, muling ipinakikita ng Ikatlong Lahi ni Eva at Adan na ang pagkakaisa, talento, at pagmamahal sa komunidad ay nananatiling mahalagang pundasyon sa pagbuo ng isang mas makulay at mas inklusibong Muntinlupa.

Happy Birthday, Kapitan Gerry Teves! πŸŽ‰Wishing you good health, happiness, and continued success as you lead our communit...
09/06/2026

Happy Birthday, Kapitan Gerry Teves! πŸŽ‰

Wishing you good health, happiness, and continued success as you lead our community with dedication and integrity. Thank you for your service and commitment to the people of our barangay.

May God bless you with more years of life and leadership.

Happy Birthday The Best Kap! πŸŽ‚πŸŽˆπŸŽŠ

π‡π€πππ˜ ππ‘πˆπƒπ„ πŒπŽππ“π‡, IKATLONG LAHI PUTATAN!π‡πˆππƒπˆ πŠπ€ NAπˆπˆππ€, πˆπŠπ€π– π€π˜ πŠπ€πˆπ’π€! This June, we celebrate the courage, identity, ...
09/06/2026

π‡π€πππ˜ ππ‘πˆπƒπ„ πŒπŽππ“π‡, IKATLONG LAHI PUTATAN!

π‡πˆππƒπˆ πŠπ€ NAπˆπˆππ€, πˆπŠπ€π– π€π˜ πŠπ€πˆπ’π€! This June, we celebrate the courage, identity, and uniqueness of every member of the LGBTQIA+ community.

Sa mundong puno ng iba't ibang kulay at kwento, mahalagang tandaan na ang bawat isa ay may karapatang mahalin, tanggapin, at ipagmalaki sa kung ano, paano, at sino sila sa kanilang sarili. Hindi kailangang mag kunwari, ang kailangan ay maging tapat sa sarili.

Ngayong Pride Month, ipagdiwang natin ang pagiging totoo sa sarili, ang tapang na ipakita kung sino tayo, at ang pagmamahal na walang hinihinging kondisyon.

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 πŒπ€π‹πˆ 𝐒𝐀 ππ€π†πˆπ†πˆππ† πˆπŠπ€π–. πŸ³οΈβ€πŸŒˆ

Address

Barangay Putatan
Muntinlupa City
1772

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ikatlong Lahi ni Eba at Adan 2026 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share