23/08/2026
ISANG LAYUNIN, ISANG ADHIKAIN: PAGKAKAISA PARA SA MAS MAUNLAD NA BARANGAY BAYANAN! ๐คโค๏ธ๐ฅ
โKapag ang kabataan ay nagtutulungan, walang pangarap ang hindi makakamtan."
Ang makasaysayang pagbubuklod at pagkakaisa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Bayanan at Makabayan Youth Federation kaisa ng Talk that Matters Youth Org. ay hindi lamang isang simpleng pagtutulungan. Ito ay pag-iisang-dibdib ng ating mga adhikainโisang patunay na tayo ay nagkakaisa at buong-pusong sumusuporta sa mga programang nakalaan para sa kapakanan at pag-unlad ng ating mga kabataan. Ito ang simula ng isang bagong yugto ng pag-asa tungo sa isang mas matatag, mas aktibo, at mas nagkakaisang komunidad na laging handang rumesponde at tumulong para sa tuluy-tuloy na ikakaunlad ng ating mahal na Barangay Bayanan!
Ang tunay na lakas ng isang komunidad ay hindi nakasalalay sa iilan, kundi sa pagkakaisa ng lahatโlalo na ng kabataan na may iisang mithiing magsilbi. Sa ating pagsasama-sama para sa kinabukasan ng susunod na salinlahi, pinatutunayan natin na mas malayo ang ating nararating kapag tayo ay nagtutulungan. Huwag tayong mapagod maglingkod, dahil ang tagumpay ng bawat kabataan sa Barangay Bayanan ay tagumpay nating lahat. Sama-sama, walang maiiwan!" ๐๐ต๐ญ
Para sa ating mga minamahal na mag-aaral, ang bawat kuwaderno, lapis, at bagong gamit na hawak ninyo ngayon ay hindi lamang simpleng kagamitan sa eskwelaโito ay simbolo ng bagong simula at patunay na maraming tao ang naniniwala sa inyong kakayahan. Ang inyong mga pangarap, gaano man kalaki o katayog, ay may sariling kagandahan na nagbibigay-kulay sa inyong kinabukasan. Huwag kayong matakot mangarap nang mataas. Gamitin ninyo ang mga instrumentong ito upang isulat ang inyong sariling kwento ng tagumpay. Tandaan ninyo, walang pangarap ang masyadong malaki para sa isang batang may sipag, tiyaga, at pag-asa sa puso. Patuloy kayong magsumikap, dahil kayo ang liwanag at pag-asa ng ating komunidad!" โ๏ธ๐โจ