10/08/2026
"Ang pari ay hindi para sa kanyang sarili, siya ay para sa inyo. Ang pari ang pag-ibig ng Puso ni Hesus."
— St. John Mary Vianney
Buong pusong ipinaaabot ng SJESSP Commission on Youth ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong makaamang pagkalinga, malasakit, at paggabay sa aming mga kabataan. Maraming salamat sa mga alaalang ating pinagsaluhan, sa bawat tawa, payo, at sandaling nagpatibay sa aming pananampalataya. 🙌❤️
Dalangin namin na saan man kayo dalhin ng misyong ipinagkatiwala sa inyo ng Panginoon, ay manatili sa inyong puso ang mga alaalang nabuo nating magkakasama bilang isang pamilya sa pananampalataya.
Sa pagtanggap ninyo ng Sakramento ng Pagpapari at sa pagsisimula ng panibagong yugto ng inyong banal na bokasyon, nawa'y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Diyos sa bawat hakbang ng inyong paglilingkod. Mag-ingat po kayo palagi, at nawa'y patuloy kayong maging tapat na lingkod ni Kristo at mabuting pastol ng Kanyang sambayanan.
Muli, taos-puso kaming nagagalak sa biyayang inyong tinanggap. Congratulations, Rev. Fr. Jeric Cayanan C.R.S.! 🥳🙏🏻
Nawa'y pagkalooban kayo ng Panginoon ng masaganang biyaya at lakas sa inyong misyon.
DEO GRATIAS!