31/05/2026
ππππ¦ππ’ π¬π’π¨π§π π’π₯πππ‘ππππ§ππ’π‘ π’π‘π-πππ¬ π’π£ππ‘ πππ¦πππ§ππππ πππππ¨π
ika-31 ng Mayo 2026, matagumpay na isinagawa ang Eliseo Youth Organization One-Day Open Basketball League sa Eliseo Compound Basketball Court.
Ang programang ito ay hatid ng Eliseo Youth Organization sa pangunguna ng aming Pangulo at SK Kagawad Aspirant na si Tin Pelovello, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga gawaing nagkakaisa at nagbibigay inspirasyon sa kabataan ng Barangay Cupang.
Layunin ng programa na palakasin ang pagkakaisa at samahan ng mga kabataan sa Barangay Cupang sa pamamagitan ng sports. Bukod sa pagbibigay ng kasiyahan at libangan, nagsilbi rin itong pagkakataon upang maipakita ng mga kabataan ang kanilang talento, makabuo ng bagong pagkakaibigan, at mahikayat na makilahok sa mga positibo at makabuluhang gawain sa komunidad.
Lubos na nagpapasalamat ang Eliseo Youth Organization sa lahat ng naging katuwang sa tagumpay ng programang ito:
β’ Kay Mayor Ruffy Biazon at sa Youth Affairs and Sports Development Office (YASDO) para sa sound system at timer na ginamit sa programa;
β’ Kay Kapitana Luvi Constantino at sa Logistics Department ng Pamahalaang Barangay para sa mga upuan at mesa na ginamit sa programa;
β’ Kina SK Kagawad Aspirants Lazir Vivas at Liezelle Licanda para sa karagdagang papremyo para sa mga kalahok;
β’ Kay SK Kagawad Aspirant Berno Aledia para sa mga inuming ipinamahagi sa bawat koponan;
β’ At kay SK Kagawad Aspirant Ron James Martinez para sa kanyang pakikiisa at pagdalo sa programa.
Maraming salamat sa lahat ng manlalaro, supporters, volunteers, at mga kabataang nakiisa. Nawa'y magpatuloy ang ating pagkakaisa at sama-samang pagkilos para sa mas aktibo at mas maunlad na kabataan ng Barangay Cupang.