CENA Youth Club

Call Directions Contact the organization

CENA Youth Club Youth Organization in Alabang, Muntinlupa City

MALIGAYA ANG KAPISTAHAN SA CENA!!! Naging matagumpay ang mga naging proyekto ng samahan sa CENA upang maging masaya at k...
18/05/2026

MALIGAYA ANG KAPISTAHAN SA CENA!!!

Naging matagumpay ang mga naging proyekto ng samahan sa CENA upang maging masaya at kahanga-hanga ang mga selebrasyon ngayong taon.

Sa mga nagbigay tulong po para maisakatuparan ito, maliit man o malaki. Kayo po ay aming lubos na pinasasalamatan. Ang Win's Laundry, De Villa Family, Morata Family, Tolentino Family, Atty. Reggie Landrito at ang ating butihing Mayor Ruffy Biazon.

Sa ginanap na Mobile Legends Tournament na binigyang kulay ng ating SK Chairman Aspirant Morris Cabrera at sa ang Team Kabataan Mo.

Sa Pool Tournament, na binigyang tulong ng ating Kapitana Tintin Abas Ding at ng buong Abas Team.

Sa One Day League sa pangunguna ni Kuya Michael Castillo, sa pagbibigay suporta ni Kapitana Tintin Abas Ding at ang pa-Three point shoot out ng ating SK Chairman Aspirant Mo Cabrera

Sa Bingo Bonanza na pinangunahan ni President Rommel Abad na ibinaba sa atin ng SK Chairman Aspirant Gab Hilapo at ang Team GABay.

At sa huli ang Main Event ng ating Fiesta, ang THE VOICE SEASON 2, na pinangunahan ni President Michael San Juan at Vice President Ella Morata katuwang ang ating Kapitana Tintin Abas Ding at SK Chairman Aspirant Morris Cabrera

Kami po ay nagpapasalamat sa mga taong naging tulay upang maisagawa ang mga proyektong nais namang magawa sa aming lugarin. Sana patuloy niyo pong suportahan ang mga proyektong ginagawa ng bawat samahan sa CENA.

Magkita kita ulit tayo sa susunod na taon, mga ka-lugar.

B.I.N.G.O. BINGOOOO !! Kami po ay aming inaanyayahan na makilahok sa gaganaping BINGO BONANZA sa CENA. Halina at mag enj...
09/05/2026

B.I.N.G.O. BINGOOOO !!

Kami po ay aming inaanyayahan na makilahok sa gaganaping BINGO BONANZA sa CENA.

Halina at mag enjoy sa mga surprise prizes at nakaka-wow na pa-premyo.

Para sa karadagang detalye, maaari kayo mag message sa HOA President ng ating lugar na si Pres. Rommel Abad.

Kaya magkita kita tayo mamayang hapon mga ka-lugar.

MObile LegendsPara sa kabataan ng CENA, inihahandog ng Ang Kabataan MO ng Bagong Alabang ang Mobile Legends Tournament. ...
26/04/2026

MObile Legends

Para sa kabataan ng CENA, inihahandog ng Ang Kabataan MO ng Bagong Alabang ang Mobile Legends Tournament.

Ipamalas ang teamwork, skills, at pagiging madiskarte sa Land of Dawn upang magwagi ng tumataginting na mga papremyo. Ito ay proyekto ng Ang Kabataan MO ng Bagong Alabang sa pangunguna ng kanilang SK Chairman Aspirant, Morris Cabrera.

Ang nasabing Mobile Legends Tournament ay isasagawa sa ika-9 ng Mayo, alas-6 ng Gabi.

Kaya mapa Micro o Macro man ang diskarte mo, pasok yan dito sa Mobile Legends. Kaya't sumali na kabataan ng CENA.

FIESTA SEASON NA SA CENAHanda ka na ba para sa ikalawang season ng THE VOICE CENA? Kami rin. Kaya sumali na para sa main...
26/04/2026

FIESTA SEASON NA SA CENA

Handa ka na ba para sa ikalawang season ng THE VOICE CENA? Kami rin. Kaya sumali na para sa main event ng CENA para sa darating na FIESTA.

Kung ikaw ay taga-Alabang na may talento sa pagkanta, halina't sumali at mag register para sa Singing Contest na gaganapin sa araw ng FIESTA ng Our lady of our Fatima Church.

Registration is now open!!! Libre lang ang registration fee ngayong taon. Ang deadline ng pagsali sa nasabing Singing Contest ay mula May 2 hanggang May 12.

Ang mismong araw ng event ay gaganapin sa ika-13 ng Mayo taong 2026.

Ipakinig at iparinig na sa CENA ang boses mo.

Isang umagang puno ng saya at excitement handog ng CENA Youth Club sa ginanap na Easter Egg Hunting handog para sa mga b...
05/04/2026

Isang umagang puno ng saya at excitement handog ng CENA Youth Club sa ginanap na Easter Egg Hunting handog para sa mga bata ng CENA. 🥳🐰🥚🧺

Amin pong pinapasalamat si Kapitana Tintin Abas-Ding sa pagsuporta sa aming proyekto kasama si Kagawad Melay Abas . Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lagi niyong pagsuporta sa proyekto ng Kabataan.

See you sa Fiesta mga kabataan ng CENA. 🥰🥰🥰

Handa na ba kayo para sa taunang selebrasyon para sa pagkabuhay ng ating Panginoon? Kami rin, kaya't kayo ay aming inaaa...
04/04/2026

Handa na ba kayo para sa taunang selebrasyon para sa pagkabuhay ng ating Panginoon? Kami rin, kaya't kayo ay aming inaaanyayahan na makilahok para sa aming Easter egg hunt 🐰🥚🧺.

Kayo ay aming inaasahan na makihanap at makipag siyahan para sa selebrasyon na ito. 🥳🥳

Kita kits tayo mga BATANG CENA. 🤗

Address

C. E. N. A. Alabang
Muntinlupa City
1770

Telephone

+639192443811

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CENA Youth Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to CENA Youth Club:

Shortcuts

Share