11/02/2026
📚 MUNTINLUPA CITY PUBLIC LIBRARY NAG-DALAW PAGBASA SA BAGONG SILANG, SUCAT MUNTINLUPA CITY!
NOONG ika-10 ng Pebrero 2026, araw ng Martes, isinagawa ng Muntinlupa City Public Library (MCPL) ang regular na programang “Dalaw Pagbasa” sa Bagong Silang, Sucat Muntinlupa City, katuwang ang community volunteers.
✅ Mga Aktibidad:
• Sa bawat iskedyul, bumibisita ang MCPL sa 25 bata sa kanilang mga tahanan upang magsagawa ng interactive reading sessions. Layunin ng aktibidad na matukoy ang antas ng kanilang kakayahan sa pagbasa, kung sila ay readers, non-readers, o struggling readers.
• Namahagi rin ang MCPL ng limang (5) aklat sa bawat pamilyang lumahok sa aktibidad upang mahikayat ang mga bata na magbasa sa kanilang mga tahanan.
👏 Maraming salamat sa lahat ng nakipagtulungan at sumuporta!
🌿 Sa patuloy na pagtutulungan ng mga magulang, volunteers, at community leaders, mas mapapalaganap pa natin ang pagmamahal sa pagbabasa sa mga batang Muntinlupeño. ❤️