17/08/2026
Masayang Kapistahan, Mga Batang Sixbee! π
Kahapon, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Pong San Roque, naghandog tayo ng simpleng palaro para sa ating mga kabataan. π₯³β€οΈ
Hindi man kailangan ng bonggang bagay, ang mahalaga ay nabigyan natin sila ng pagkakataong maglaro, tumawa, magsaya, at maramdaman ang saya ng ating fiesta. ππββοΈπββοΈ
Ang mga ganitong munting programa ay para sa mga batang dapat masaya, aktibo at nabibigyan ng masasayang alaala sa kanilang kabataan.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta, tumulong at naging bahagi ng munting selebrasyong ito. Maraming salamat sa ating mga kapitbahay at mga homeowners na nagkaisa at naglaan ng oras upang maging matagumpay at mas masaya ang ating palaro. πβ€οΈ
Maraming salamat din kay Kapitana Tintin Abas Ding, Sk Chairman Mo Cabrera at kay SK Kagawad Cy Castro sa patuloy na suporta, pagmamahal at malasakit sa ating mga kabataan at sa buong komunidad. ππ
Sa lahat ng nakiisaβmaraming, maraming salamat! Dahil sa inyong pagtutulungan at pagkakaisa, mas naging makulay at masaya ang Kapistahan ng Pong San Roque para sa ating mga bata. π
Happy Fiesta, Bagong Alabang! π
Para sa kabataan, para sa saya, para sa ating komunidad! π