KuDOS Kabataan

Directions

KuDOS Kabataan Empowering youth voices and fostering community leadership for a brighter future.

Taos-pusong pagbati sa lahat ng Kabataan ng Poblacion Dos na nagsipagtapos!Ang Sangguniang Kabataan ng Poblacion Dos ay ...
22/09/2026

Taos-pusong pagbati sa lahat ng Kabataan ng Poblacion Dos na nagsipagtapos!

Ang Sangguniang Kabataan ng Poblacion Dos ay buong pusong nakikiisa sa inyong tagumpay. Ang araw na ito ay bunga ng inyong sipag, sakripisyo, at determinasyon sa kabila ng mga hamon na inyong hinarap.

Ang pagtatapos na ito ay hindi lamang pagtatapos ng isang yugto, kundi simula ng panibagong pahina at mas malawak na paglalakbay sa inyong buhay. Baunin ninyo ang lahat ng aral, karanasan, at pangarap na naging bahagi ng inyong paglalakbay tungo sa araw na ito.

Bilang mga Iskolar ng Bayan, nawaโ€™y dalhin ninyo saan man kayo mapunta ang pagiging matatag, makatao, may paninindigan, at may malasakit sa kapwa at bayan. Patuloy ninyong abutin ang inyong mga pangarap at gamitin ang inyong kaalaman upang maging bahagi ng positibong pagbabago sa ating komunidad.

Muli, maligayang pagtatapos, mga Kabataan ng Poblacion Dos!

Padayon, mga Iskolar ng Bayan! Para sa pangarap, para sa bayan! KuDOS Kabataan ng Poblacion DOS!

Matagumpay na naisagawa ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ng Poblacion Dos noong Setyembre 5โ€“6, 2026! ๐ŸŽ‰Lubos...
21/09/2026

Matagumpay na naisagawa ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ng Poblacion Dos noong Setyembre 5โ€“6, 2026! ๐ŸŽ‰

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng kabataan ng Poblacion Dos na patuloy na nagbibigay ng suporta at aktibong nakikibahagi sa mga programa at aktibidad na inihahandog ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion Dos. Ang inyong presensya, pakikiisa, at sigla ang naging malaking bahagi ng tagumpay ng ating pagdiriwang. ๐Ÿ’™

Papuri sa ating SK Chairperson, Hon. Mikaela Revillosa at maging sa kanyang mga kasamang SK Kagawad na sina Hon. Ralph De Villa at Hon. Jay Asia, gayundin ang ating SK Treasurer na si Ms. Jessa Rolloque at SK Secretary na si Ms. Kim Zainah Aguirre, sa kanilang sipag, dedikasyon, at determinasyong makapaghatid ng makabuluhan at masayang pagdiriwang para sa mga kabataan ng Poblacion Dos. ๐Ÿ‘โœจ

Sa lahat ng kabataang nakilahok at nagpakita ng kani-kanilang talento, galing, at husay, saludo kami sa inyong lahat! ๐Ÿซถ Nawa'y patuloy ninyong pagyamanin ang inyong mga kakayahan at gamitin ang mga ito upang maging inspirasyon at mabuting halimbawa sa kapwa kabataan.

Higit sa lahat, patuloy ninyong suportahan at samahan ang Sangguniang Kabataan ng Poblacion Dos sa mga susunod pang programa at aktibidad. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbuo ng isang mas aktibo, nagkakaisa, at masiglang komunidad para sa kabataan. ๐Ÿ’™

Maraming salamat! KuDOS Kabataan ng Poblacion Dos! ๐Ÿ’™โœจ

ATTENTION, KABATAAN NG POBLACION DOS!Tara na at makiisa sa ating pagdiriwang ng LNK 2026: Youth 3x3 Basketball Tournamen...
02/09/2026

ATTENTION, KABATAAN NG POBLACION DOS!

Tara na at makiisa sa ating pagdiriwang ng LNK 2026: Youth 3x3 Basketball Tournament. Isang selebrasyon na puno ng sports, saya, talento, pagkakaibigan, at pagkakaisa para sa ating mga kabataan! ๐Ÿ’™โœจ

DAY 1 โ€” 3x3 BASKETBALL TOURNAMENT

Kailan: September 5, 2026 (Saturday)
Oras: 8:00 AM
Saan: Calamimig Village, Center Court

Mayroon tayong dalawang (2) kategorya:
-Under 18 Division
-Open Division

โš ๏ธ LIMITED SLOTS ONLY!
5 teams lamang ang tatanggapin sa bawat kategorya, kaya magpalista na agad!

PARA SA REGISTRATION:

Para makapag-register, i-scan lamang ang QR Code na makikita sa poster at kumpletuhin ang registration form.

๐Ÿ“Œ Para sa Under 18 Division:
Bukod sa registration form, kinakailangang isumite ang Waiver at Parent/Guardian Consent bago makasali sa tournament.

๐Ÿ“Œ Para sa Open Division:
Kumpletuhin lamang ang Registration Form at Waiver

DAY 2 โ€” GABI NG KABATAAN

Kailan: September 6, 2026 (Sunday)
Oras: 6:00 PM
Saan: Calamimig Village, Center Court

Isang gabi ng kasiyahan, talento, bonding, at pagkakaisa para sa lahat ng kabataan ng Poblacion Dos! ๐ŸŽค๐ŸŽถโœจ

Kaya ihanda na ang inyong energy at sama-sama tayong makiisa sa *Gabi ng Kabataan 2026! ๐Ÿฅณ

๐Ÿ’™ KABATAAN NG POBLACION DOS, TARA NA!

Makisaya, makilahok, at maging bahagi ng isang masaya at makabuluhang selebrasyon para sa ating kabataan!

KABATAAN NG POBLACION DOS โ€” KAYO ANG BIDA! ๐Ÿ’™โœจ

- Mag message sa mga SK OFFICIALS ng Poblacion Dos kung may ibang katanungan. Kitakits!

Naganap noong nakaraang Sabado, alas-9:00 ng umaga, sa Barangay Hall ng Poblacion Dos ang pamamahagi ng Educational Assi...
18/05/2026

Naganap noong nakaraang Sabado, alas-9:00 ng umaga, sa Barangay Hall ng Poblacion Dos ang pamamahagi ng Educational Assistance na handog ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion Dos.

Layunin ng programang ito na suportahan at tulungan ang mga kabataang mag-aaral sa kanilang pangangailangang pang-edukasyon. Lubos ang pasasalamat ng mga SK Officials ng Poblacion Dos sa lahat ng kabataang nakibahagi at patuloy na nakikiisa sa mga programang para sa kaunlaran ng kabataan.

Para sa Kabataan, Para sa Kinabukasan.

Magandang Umaga, Poblacion Dos! ๐ŸŒžIpinapaalam po namin ang opisyal na listahan ng mga kabataang benepisyaryo na makakatan...
14/05/2026

Magandang Umaga, Poblacion Dos! ๐ŸŒž

Ipinapaalam po namin ang opisyal na listahan ng mga kabataang benepisyaryo na makakatanggap ng Educational Assistance na handog ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion Dos. Narito po ang mga detalye ng payout:

Petsa: Saturday, May 16,2026
Oras: 9:00 AM
Dress Code: White shirt and pants
Place: Poblacion Dos Barangay Hall

Mangyaring dumating nang maaga at tiyaking nasusunod ang itinakdang dress code. Ang inyong kooperasyon ay lubos naming pinahahalagahan. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsuporta sa edukasyon ng kabataan! ๐Ÿ“šโœจ

Para sa karagdagang katanungan o paglilinaw, makipag-ugnayan lamang sa inyong mga SK Officials. Maraming salamat po.

๐™ผ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ฝ๐™ณ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ ๐™ฐ๐š๐™ฐ๐š† ๐™บ๐™ฐ๐™ฑ๐™ฐ๐šƒ๐™ฐ๐™ฐ๐™ฝ ๐™ฝ๐™ถ ๐™ฟ๐™พ๐™ฑ๐™ป๐™ฐ๐™ฒ๐™ธ๐™พ๐™ฝ ๐™ณ๐™พ๐š‚!!  ๐™ผ๐šŠ๐š•๐šž๐š๐š˜๐š ๐š—๐šŠ๐š–๐š’๐š—๐š ๐š’๐š™๐š’๐š—๐šŠ๐š™๐šŠ๐šŠ๐š‹๐š˜๐š ๐šŠ๐š—๐š ๐š’๐šœ๐šŠ๐š—๐š ๐šŽ๐šœ๐š™๐šŽ๐šœ๐šข๐šŠ๐š• ๐š—๐šŠ ๐šŠ๐š—๐šž๐š—๐šœ๐šข๐š˜! ๐ŸŽ‰  ๐™ผ๐šŠ๐š๐š”๐šŠ๐š”๐šŠ๐š›๐š˜๐š˜๐š— ๐š—๐šŠ ...
13/04/2026

๐™ผ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ฝ๐™ณ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ ๐™ฐ๐š๐™ฐ๐š† ๐™บ๐™ฐ๐™ฑ๐™ฐ๐šƒ๐™ฐ๐™ฐ๐™ฝ ๐™ฝ๐™ถ ๐™ฟ๐™พ๐™ฑ๐™ป๐™ฐ๐™ฒ๐™ธ๐™พ๐™ฝ ๐™ณ๐™พ๐š‚!!

๐™ผ๐šŠ๐š•๐šž๐š๐š˜๐š ๐š—๐šŠ๐š–๐š’๐š—๐š ๐š’๐š™๐š’๐š—๐šŠ๐š™๐šŠ๐šŠ๐š‹๐š˜๐š ๐šŠ๐š—๐š ๐š’๐šœ๐šŠ๐š—๐š ๐šŽ๐šœ๐š™๐šŽ๐šœ๐šข๐šŠ๐š• ๐š—๐šŠ ๐šŠ๐š—๐šž๐š—๐šœ๐šข๐š˜! ๐ŸŽ‰

๐™ผ๐šŠ๐š๐š”๐šŠ๐š”๐šŠ๐š›๐š˜๐š˜๐š— ๐š—๐šŠ ๐š๐šŠ๐šข๐š˜ ๐š—๐š ๐™ด๐™ณ๐š„๐™ฒ๐™ฐ๐šƒ๐™ธ๐™พ๐™ฝ๐™ฐ๐™ป ๐™ฐ๐š‚๐š‚๐™ธ๐š‚๐šƒ๐™ฐ๐™ฝ๐™ฒ๐™ด ๐š™๐šŠ๐š›๐šŠ ๐šœ๐šŠ ๐š–๐š๐šŠ ๐™ฒ๐™พ๐™ป๐™ป๐™ด๐™ถ๐™ด ๐š‚๐šƒ๐š„๐™ณ๐™ด๐™ฝ๐šƒ๐š‚ ๐šœ๐šŠ ๐š™๐šŠ๐š—๐š๐šž๐š—๐š๐šž๐š—๐šŠ ๐š—๐š ๐šŠ๐š๐š’๐š—๐š ๐š–๐š๐šŠ ๐š‚๐™บ ๐™พ๐™ต๐™ต๐™ธ๐™ฒ๐™ธ๐™ฐ๐™ป๐š‚ ๐š—๐šŠ ๐š‘๐šŠ๐š—๐š๐šŠ๐š—๐š ๐š๐šž๐š–๐šž๐š•๐š˜๐š—๐š ๐šœ๐šŠ ๐š–๐š๐šŠ ๐š”๐šŠ๐š‹๐šŠ๐š๐šŠ๐šŠ๐š—, ๐š•๐šŠ๐š•๐š˜ ๐š—๐šŠ ๐šœ๐šŠ ๐šž๐šœ๐šŠ๐š™๐š’๐š— ๐š—๐š ๐š™๐šŠ๐š-๐šŠ๐šŠ๐š›๐šŠ๐š•. ๐š‚๐šŠ๐š–๐šŠ-๐šœ๐šŠ๐š–๐šŠ ๐š—๐šŠ๐š๐š’๐š—๐š ๐š‘๐šŠ๐š›๐šŠ๐š™๐š’๐š— ๐šŠ๐š—๐š ๐š”๐š’๐š—๐šŠ๐š‹๐šž๐š”๐šŠ๐šœ๐šŠ๐š— ๐š—๐šŠ ๐š–๐šŠ๐šข ๐š™๐šŠ๐š-๐šŠ๐šœ๐šŠ ๐šŠ๐š ๐š๐šŽ๐š๐šŽ๐š›๐š–๐š’๐š—๐šŠ๐šœ๐šข๐š˜๐š—.

๐™ฟ๐šŠ๐š›๐šŠ ๐šœ๐šŠ ๐š–๐š๐šŠ ๐š”๐šŠ๐š๐šŠ๐š—๐šž๐š—๐š๐šŠ๐š—, ๐š–๐šŠ๐š”๐š’๐š™๐šŠ๐š ๐šž๐š๐š—๐šŠ๐šข๐šŠ๐š— ๐š•๐šŠ๐š–๐šŠ๐š—๐š ๐šœ๐šŠ ๐šŠ๐š๐š’๐š—๐š ๐š‚๐™บ ๐™ฒ๐š‘๐šŠ๐š’๐š›๐š–๐šŠ๐š— ๐™ผ๐™ธ๐™บ๐™ฐ๐™ด๐™ป๐™ฐ ๐š๐™ด๐š…๐™ธ๐™ป๐™ป๐™พ๐š‚๐™ฐ ๐šŠ๐š ๐šœ๐šŠ ๐™ฒ๐š˜๐š–๐š–๐š’๐š๐š๐šŽ๐šŽ ๐š˜๐š ๐™ด๐š๐šž๐šŒ๐šŠ๐š๐š’๐š˜๐š—, ๐š‚๐™บ ๐™ฐ๐™ธ๐š‰๐™ฐ ๐™ผ๐™ฐ๐™ฒ๐™ฐ๐š๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ ๐šŠ๐š ๐š•๐šŠ๐š‘๐šŠ๐š ๐š—๐š ๐š‚๐™บ ๐™พ๐™ต๐™ต๐™ธ๐™ฒ๐™ธ๐™ฐ๐™ป.

๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ ๐™ฟ๐™ฐ๐™ถ๐™ฟ๐™ฐ๐™ฟ๐™ฐ๐š‚๐™ฐ ๐™ฝ๐™ถ ๐™ผ๐™ถ๐™ฐ ๐™ฟ๐™ฐ๐™ฟ๐™ด๐™ป ๐™ฐ๐šˆ ๐™ด๐™ฟ๐™ด๐™บ๐šƒ๐™ธ๐™ฑ๐™พ ๐™ผ๐š„๐™ป๐™ฐ ๐™ฝ๐™ถ๐™ฐ๐šˆ๐™พ๐™ฝ๐™ถ ๐™ฐ๐š๐™ฐ๐š† ๐™ท๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ๐™ถ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ ๐š‚๐™ฐ ๐š„๐™ฝ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ ๐™ป๐™ธ๐™ฝ๐™ถ๐™ถ๐™พ ๐™ฝ๐™ถ ๐™ผ๐™ฐ๐šˆ๐™พ ๐šƒ๐™ฐ๐™พ๐™ฝ๐™ถ ๐™บ๐™ฐ๐š‚๐™ฐ๐™ป๐š„๐™บ๐š„๐šˆ๐™ฐ๐™ฝ. (๐™ฐ๐™ฟ๐š๐™ธ๐™ป 13- ๐™ผ๐™ฐ๐šˆ 8 2026).

๐šƒ๐™ฐ๐™ฝ๐™ณ๐™ฐ๐™ฐ๐™ฝ ๐™ณ๐™ธ๐™ฝ ๐™ฝ๐™ฐ ๐™ผ๐™ฐ๐šˆ๐š๐™พ๐™พ๐™ฝ ๐™ป๐™ฐ๐™ผ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ ๐šƒ๐™ฐ๐šˆ๐™พ๐™ฝ๐™ถ 60 ๐š‚๐™ป๐™พ๐šƒ๐š‚ ๐™ฐ๐šƒ ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ณ ๐™ฝ๐™ฐ ๐™ธ๐š‚๐™ฐ๐š‚๐™ฐ๐š๐™ฐ ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ ๐™ฟ๐™ฐ๐™ถ๐™ฟ๐™ฐ๐š‚๐™ฐ ๐™ฝ๐™ถ ๐š๐™ด๐š€๐š„๐™ธ๐š๐™ด๐™ผ๐™ด๐™ฝ๐šƒ๐š‚ ๐š‚๐™ฐ ๐™พ๐š๐™ฐ๐š‚ ๐™ฝ๐™ฐ ๐™ธ๐šƒ๐™พ ๐™ฐ๐šˆ ๐™ผ๐™ฐ๐™บ๐š„๐™ผ๐™ฟ๐™ป๐™ด๐šƒ๐™พ ๐™ฝ๐™ฐ. ๐™ต๐™ธ๐š๐š‚๐šƒ ๐™ฒ๐™พ๐™ผ๐™ด, ๐™ต๐™ธ๐š๐š‚๐šƒ ๐š‚๐™ด๐š๐š…๐™ด.

๐™ผ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ๐šˆ๐™ฐ๐š๐™ธ๐™ฝ๐™ถ ๐šƒ๐™ธ๐™ฝ๐™ถ๐™ฝ๐™ฐ๐™ฝ ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ ๐™ป๐™ฐ๐š๐™ฐ๐š†๐™ฐ๐™ฝ ๐š‚๐™ฐ ๐™ธ๐™ฑ๐™ฐ๐™ฑ๐™ฐ ๐™ฟ๐™ฐ๐š๐™ฐ ๐š‚๐™ฐ ๐™ผ๐™ถ๐™ฐ ๐™ณ๐™พ๐™บ๐š„๐™ผ๐™ด๐™ฝ๐šƒ๐™พ๐™ฝ๐™ถ ๐™บ๐™ธ๐™ฝ๐™ฐ๐™บ๐™ฐ๐™ธ๐™ป๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ๐™ฐ๐™ฝ.

๐™ผ๐™ฐ๐š๐™ฐ๐™ผ๐™ธ๐™ฝ๐™ถ ๐š‚๐™ฐ๐™ป๐™ฐ๐™ผ๐™ฐ๐šƒ ๐™ฐ๐šƒ ๐™ผ๐™ฐ๐™ฑ๐š„๐™ท๐™ฐ๐šˆ ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ ๐™บ๐™ฐ๐™ฑ๐™ฐ๐šƒ๐™ฐ๐™ฐ๐™ฝ ๐™ฝ๐™ถ ๐™ฟ๐™พ๐™ฑ๐™ป๐™ฐ๐™ฒ๐™ธ๐™พ๐™ฝ ๐™ณ๐™พ๐š‚๐Ÿ’ฅ

#๐š‚๐™บ๐™ด๐š๐šž๐šŒ๐šŠ๐š๐š’๐š˜๐š—๐šŠ๐š•๐™ฐ๐šœ๐šœ๐š’๐šœ๐š๐šŠ๐š—๐šŒ๐šŽ #๐™ฟ๐šŠ๐š›๐šŠ๐š‚๐šŠ๐™บ๐šŠ๐š‹๐šŠ๐š๐šŠ๐šŠ๐š— #๐™บ๐šž๐™ณ๐™พ๐š‚๐™บ๐šŠ๐š‹๐šŠ๐š๐šŠ๐šŠ๐š—

๐Ÿ“ฃ KABATAAN NG POBLACION 2 ๐Ÿ“ฃHello Kabataan! Huwag palampasin ang pagkakataong makilahok at maging bahagi ng mga programan...
27/03/2026

๐Ÿ“ฃ KABATAAN NG POBLACION 2 ๐Ÿ“ฃ

Hello Kabataan! Huwag palampasin ang pagkakataong makilahok at maging bahagi ng mga programang para sa inyo! Sama-sama nating pag-usapan ang mga plano para sa mas aktibo at mas maunlad na Poblacion 2. ๐Ÿ’ช๐ŸŒฑ

Inaanyayahan ang lahat ng kabataang taga Poblacion 2 na dumalo sa KK Assembly na gaganapin sa:

๐Ÿ—“ March 29, 2026 (Linggo)
๐Ÿ•‘ 2:00 ng hapon
๐Ÿ“ Barangay Hall Poblaciรณn 2, Mulanay, Quezon

Mga pag-uusapan:
โœ… Mga Programs, Projects, and Activities (PPA)para sa taong ito
๐ŸŽ“ Educational Assistance 2026
๐Ÿ€ Poblacion 2 3x3 Basketball League 2026


Mahalaga ang inyong presensya upang maipahayag ang inyong mga ideya at maging bahagi ng mga programang para sa kabataan. Ang inyong boses ay mahalaga! Sama-sama nating planuhin ang mas makabuluhan at masiglang taon para sa ating komunidad.

โœจ Makilahok. Makibahagi. Makialam.
Kita-kits, Kabataan ng Poblacion 2! ๐Ÿ’™๐ŸŒฑ๐Ÿ€

โœจ ๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ˆ ๐๐€! โœจ๐ŸŒด๐Ÿฅฅ๐Ÿ‘‘๐•ฒ๐–Ž๐–“๐–”๐–” ๐–†๐–™ ๐•ญ๐–Ž๐–“๐–Ž๐–‡๐–Ž๐–“๐–Ž๐–“๐–Œ ๐•ฎ๐–”๐–ˆ๐–”๐–‘๐–š๐–“๐–†๐–ž ๐•ฎ๐–”๐–—๐–†๐–“๐–†๐–™๐–Ž๐–”๐–“ ๐•น๐–Ž๐–Œ๐–๐–™ ๐Ÿ‘‘๐Ÿฅฅ๐ŸŒดLiwasang Alfaro Aguirre, Poblacion 4 Mulanay, ...
02/02/2026

โœจ ๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ˆ ๐๐€! โœจ

๐ŸŒด๐Ÿฅฅ๐Ÿ‘‘๐•ฒ๐–Ž๐–“๐–”๐–” ๐–†๐–™ ๐•ญ๐–Ž๐–“๐–Ž๐–‡๐–Ž๐–“๐–Ž๐–“๐–Œ ๐•ฎ๐–”๐–ˆ๐–”๐–‘๐–š๐–“๐–†๐–ž ๐•ฎ๐–”๐–—๐–†๐–“๐–†๐–™๐–Ž๐–”๐–“ ๐•น๐–Ž๐–Œ๐–๐–™ ๐Ÿ‘‘๐Ÿฅฅ๐ŸŒด

Liwasang Alfaro Aguirre, Poblacion 4 Mulanay, Quezon
February 2, 2026 - 7:00pm

Sabay-sabay nating sindihan ang entablado ng sigla, suporta, at pagmamalaki. Buong puso nating itaas ang bandila ng Poblaciรณn 2:

๐Ÿ‘ธBinibining Cocolunay - Bb. Alleyah Tobias
๐ŸคดGinoong Cocolunay - G. Michael James Montero

Hindi lang ganda at gwapo ang dala nila - talino, puso, at tunay na representasyon ng kabataan ng Poblaciรณn 2!

Tara na, dumalo, may-ingay, at ipakita ang ating suporta!๐Ÿ“ข๐Ÿ’“




Isang matagumpay na KK at SK Year-End Assessment and Evaluation ang isinagawa ng Barangay Poblacion Dos bilang pagninila...
15/12/2025

Isang matagumpay na KK at SK Year-End Assessment and Evaluation ang isinagawa ng Barangay Poblacion Dos bilang pagninilay at pagsusuri sa mga programang naipatupad sa nagdaang taon.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, napag-usapan ang mga nagawa, natukoy ang mga hamon, at nakabuo ng mga hakbang upang higit pang mapabuti ang mga proyekto at serbisyo para sa kabataan ng ating barangay.

Lubos na nagpapasalamat ang Sangguniang Kabataan ng Dos sa aktibong pakikilahok, kooperasyon, at suporta ng mga kabataan. Nawaโ€™y magsilbi itong gabay upang mas mapalakas pa ang sama-samang pagkilos tungo sa mas maunlad at responsableng pamumuno para sa susunod na taon.

Maraming salamat at mabuhay ang kabataan ng Poblacion Dos! โœจ

Address

Poblacion II
Mulanay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KuDOS Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share