23/07/2026
MGA LARAWAN | Kamustahan, Kabataan
Isang matagumpay na gawain para sa Campus Youth Ministry ang naisagawa matapos ang examination week ng mga kabataan ng Christ the Worker Chaplaincy.
Sa pamamagitan ng simpleng kamustahan, kwentuhan, at pagsasama-sama, nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makapagpahinga, magbahagi ng kanilang mga karanasan, at higit na mapalalim ang samahan bilang isang komunidad ng kabataang naglilingkod sa Panginoon.
Nawa'y ang munting pagtitipong ito ay magsilbing paalala na sa gitna ng pagod at iba't ibang hamon sa buhay, palaging may tahanan ang bawat kabataan sa Simbahan—isang lugar kung saan sila ay tinatanggap, pinakikinggan, at minamahal.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa. Hangad naming muli kayong makasama sa mga susunod pang gawain ng Campus Youth Ministry. Patuloy tayong maglakbay nang magkakasama sa pananampalataya at paglilingkod.
"Sapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, naroon ako sa gitna nila."
— Mateo 18:20