Malayang Samahan Ng Agham Panlipunan - CLSU

Malayang Samahan Ng Agham Panlipunan - CLSU Opisyal na tahanang organisasyon ng mga mag-aaral ng Bachelor of Arts in Social Sciences (BASS) ng Central Luzon State University (CLSU)

𝐌𝐈𝐃-𝐘𝐄𝐀𝐑 𝐁𝐈𝐑𝐃𝐓𝐀𝐋𝐊 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐚𝐠𝐡𝐢𝐦𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚 𝐚𝐭 𝐑𝐞𝐡𝐢𝐲𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 Matagumpay na idinaos kahapon, Hulyo 2...
22/07/2026

𝐌𝐈𝐃-𝐘𝐄𝐀𝐑 𝐁𝐈𝐑𝐃𝐓𝐀𝐋𝐊 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐚𝐠𝐡𝐢𝐦𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚 𝐚𝐭 𝐑𝐞𝐡𝐢𝐲𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧

Matagumpay na idinaos kahapon, Hulyo 21, sa Reimers Hall ang Mid-Year BirdTalk 2026 bilang pre-SONA discussion. Dinaluhan ng mahigit 100 mag-aaral ang nasabing talakayan upang suriin ang kasalukuyang kalagayang socio-ekonomiko at pulitikal ng bansa at ng rehiyon.

Naging pangunahing tagapagsalita si G. John Paul Andaquig mula sa IBON Foundation, kung saan inilatag niya ang komprehensibong pagsusuri sa pambansang ekonomiya, krisis sa paggawa, implasyon, at ang patuloy na hamon sa pambansang kaunlaran.

Ibinahagi naman ni G. Ryan Damaso mula sa AGHAM Central Luzon ang isang regional situationer na nagbigay-diin sa mga partikular na isyung kinakaharap ng mga sektor sa Gitnang Luzon, kabilang ang usapin sa kalikasan, agrikultura, at agham para sa bayan.

Ang matagumpay na pagtitipon na ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng MASA na maghatid ng kritikal na diskurso at malalimang pananaliksik sa loob at labas ng pamantasan.

Mula sa MASA, taos-pusong pasasalamat sa lahat na nakibahagi at patuloy na nagsusuri para sa bayan!



22/07/2026

21/07/2026

NOW: The Malayang Samahan ng Agham Panlipunan (MASA), in partnership with IBON Foundation and University Supreme Student Council (USSC) is now holding the Mid-Year BirdTalk 2026 at Reimer’s Hall, July 21, 2026.

MASA Chairperson Alyssa Ann Rainne S. Cargado opens forum which aims to present and discuss the current national socio-economic and political situation through humanistic and community-driven perspectives. | via Kyx Hubilla, The Cache

Photo by Ralph Jerick Gonzales, The Cache


21/07/2026

21/07/2026

‎𝗛𝗔𝗣𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗪 | ‎To discuss initiative projects, socio-economic, and political issues in the Philippines, the Malayang Samahan ng Agham Panlipunan in partnership with the IBON Foundation and University Supreme Student Council (USSC) presents the MidYear BirdTalk 2026 today, July 21, at the Reimer's Hall in Central Luzon State University (CLSU).

‎The IBON Birdtalk aims to highlight the Philippines' most urgent socio-economic situation issues that covers topic like national debt, GDP growth, and alternative policies which also aims to give an awareness to the issues on nature today and provide reliable information among participants.

‎The MidYear Birdtalk 2026 will be followed by an open forum to all the participants regarding issues to be answered by the speakers.

‎Report by Jimwell Blas and Mary Lee Flores
‎Photo and Layout by Rhegie Peña

Kasalukuyan nang ginaganap ang Mid-Year BirdTalk 2026! Nagsasalita ngayon si G. John Paul Adquig mula sa IBON Foundation...
21/07/2026

Kasalukuyan nang ginaganap ang Mid-Year BirdTalk 2026!

Nagsasalita ngayon si G. John Paul Adquig mula sa IBON Foundation upang magbahagi ng mahahalagang pagsusuri hinggil sa kasalukuyang kalagayang socio-ekonomiko, mga isyung pambansa, at direksyon ng ekonomiya ng bansa.

Susundan ito ng isa pang tagapagsalita mula sa AGHAM Central Luzon na si Ryan Damaso upang talakayin ang mga kritikal na mga rehiyunal na isyu, partikular sa Gitnang Luson.



𝐌𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚, 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 "𝐌𝐢𝐝-𝐘𝐞𝐚𝐫 𝐁𝐢𝐫𝐝𝐓𝐚𝐥𝐤 𝟐𝟎𝟐𝟔"Mula sa patuloy na usapin sa kabuhayan at agrikultura, h...
20/07/2026

𝐌𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚, 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 "𝐌𝐢𝐝-𝐘𝐞𝐚𝐫 𝐁𝐢𝐫𝐝𝐓𝐚𝐥𝐤 𝟐𝟎𝟐𝟔"

Mula sa patuloy na usapin sa kabuhayan at agrikultura, hanggang sa karapatan sa edukasyon at pampolitikang pakikilahok: Paano nga ba natin tunay na nauunawaan ang kalagayan ng bansa?

Sama-sama nating talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng lipunan at ikonekta ang mga usapin at isyu sa pambansa at rehiyonal na konteksto.

Inaanyayahan ang lahat sa 𝗠𝗶𝗱-𝗬𝗲𝗮𝗿 𝗕𝗶𝗿𝗱𝗧𝗮𝗹𝗸 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼 𝟮𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝟭:𝟬𝟬-𝟱:𝟬𝟬 𝗣𝗠) 𝘀𝗮 𝗥𝗲𝗶𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗛𝗮𝗹𝗹.

Isang inisyatibo ng Malayang Samahan ng Agham Panlipunan sa pakikipagtulungan sa IBON Foundation, at sa suporta ng CLSU University Supreme Student Council (USSC).

Kitakits mga ka-MASA! 💜





17/07/2026

💬 𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧: 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐞𝐧𝐬𝐚𝐡𝐞 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐲 𝐁𝐁𝐌 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐝𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐒𝐎𝐍𝐀?

Sa paglapit ng susunod na State of the Nation Address (SONA), tinanong natin ang ilang batayang masa kung ano nga ba ang totoong kalagayan ng bayan.

Ano ba ang tunay na kwento ng kahirapan, presyo ng bilihin, at kabuhayan?

Abangan ang buong talakayan sa 𝑴𝒊𝒅-𝒀𝒆𝒂𝒓 𝑩𝒊𝒓𝒅𝑻𝒂𝒍𝒌 𝟐𝟎𝟐𝟔!

🤝 Inihahandog ng MASA, sa pakikipagtulungan kasama ang IBON Foundation at University Supreme Student Council (USSC)

📅 July 21, 2026 (1:00-5:00 PM)
📍 RET Amphitheater




Salamat po The LENS 💜
10/07/2026

Salamat po The LENS 💜

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | MASA General AssemblyMahalaga ang pakikilahok ng mga estudyante sa mga isyu ng ating bansa. Bagamat nasa ila...
10/07/2026

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | MASA General Assembly

Mahalaga ang pakikilahok ng mga estudyante sa mga isyu ng ating bansa. Bagamat nasa ilalim pa rin ng pagkilala at pagsasabuhay, ang Malayang Samahan ng Agham Panlipunan (MASA) ay nagbibigay ng plataporma upang magbahagi ng mga pananaw, magtulungan, at lumago sa pamamagitan ng mga makabuluhang mga aktibidad at gawain.

​Noong Hulyo 7, 2026, matagumpay na isinagawa ng MASA ang unang General Assembly ngayong A.Y. 2026-2027!

​Nagsimula ang asambleya sa isang nakasásabik na mensahe ng pagsuporta mula kay Dr. Peachy G. Domingo, Head ng Department of Social Sciences Department, na sinundan ng isang mainit na pagtanggap sa ating mga bagong miyembro mula sa Social Sciences Student Council President na si Czarina Jill Pangilinan. Pagkatapos nito, pinangunahan naman ng Chairperson ng organisasyon na si Alyssa Ann Rainne Cargado ang isang makabuluhang talakayan tungkol sa Oryentasyon ng organisasyon kasunod ng Revised Constitution & Bylaws nito kabilang na ang iba pang pangunahing layunin ng organisasyon at kamalayang panlipunan.

Bukod dito, ang naging tampok sa kaganapan ay ang pagpapakilala sa bagong MASA Executive Committee, kung saan ibinahagi ng bawat opisyal ang kanilang mga responsibilidad at tungkulin para sa taong ito. Matapos balangkasin ang ating mga darating na aktibidad, nagtapos ang asambleya sa mga makapangyarihang salita tungkol sa adbokasya at binuod sa mga pangwakas na pananalita mula sa isa sa mga MASA Adviser na si Marvin R. Soriano.

​Patuloy tayo magkaroon ng mapanuring pag-iisip, pamumuno, at pambansang kamalayan! 💜


Address

Science City Of Muńoz, Nueva Ecija
Muñoz
3120

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malayang Samahan Ng Agham Panlipunan - CLSU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Malayang Samahan Ng Agham Panlipunan - CLSU:

Shortcuts

Share