08/08/2026
🫡🫡🫡
Mapagpalang araw sa lahat!
Isang paglilinaw: ang Science City of Muñoz Council (SCMC) sa pamumuno ni Marvin Tenjoco, na kilala rin sa alyas na "PUSA," ay hindi kinikilala ng Franza Triskelion Community-Based Chapter! Sa madaling sabi, walang hurisdiksyon ang SCMC sa amin.
Ang Franza Triskelion ay nasa ilalim ng Science City of Muñoz Triskelion Grand Council na kinikilala ng Unibersidad ng Pilipinas -Diliman Triskelion (Mother Chapter), at naninindigan sa mga simulain ng aming mga minamahal na Founding Fathers.
Para sa kaalaman ng lahat, walang sinuman ang maaaring magdikta sa aming chapter. Tanging ang pamunuan at kasapi ng Franza Triskelion ang may kapangyarihang magpasya sa aming mga hakbang. Walang karapatan ang sinuman sa SCMC na mag-utos, magmando, o kumuwestiyon sa aming mga gawain.
Ang Franza Triskelion ay naitatag noong Nobyembre 26, 2011. Nag start kami From zero, ngunit kailanman ay hindi nawalan ng mga residente. Maaaring naging abala ang ilan, ngunit hindi ito naging dahilan upang manghina ang aming hanay. Bagkus, ang Franza Triskelion ay patuloy sa pagtupad ng mga adhikain nito at nananatiling matatag hanggang sa kasalukuyan!💪💪💪
Paalala: Ang papel o dokumentong inilabas ninyo ay walang bisa! Hindi nito maaapektuhan ang Franza Triskelion sa kahit anong paraan.💪💪💪
Correction: "Kristopher" ang tama, hindi "Christopher."🫣🤣💪💪💪
💪💪💪
Walang Humpay: Pamamahalang Tama, Programang Tugma!”