Naniniwala po kami na ang bawat tao, pamilya o komunidad ay may laban sa buhay na pinagdadaanan. Lalo na ang laban sa kahirapan na mahirap pagtagumpayan kung nagi isa at walang karamay. Galatians 6:2 Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo. Ang SULONG PARA SA LABAN NG BUHAY INC ay isang lehitimong samahan na rehistrado sa Securities and Excha
nge Commission #2022090067310-02 bilang civic at non-government organization (NGO) na ang pangunahing layunin ay pagtulong sa kapwa for community building and people empowerment. Bahagi ng aming adbokasiya na tulungan ang mga nangangailangan, sa pamamagitan ng Empowerment o pagbibigay ng mga livelihood opportunities upang makatulong sa kabuhayan ng ating mga mahihirap na kababayan lalo na sa mga may kapansanan PWD na nagsusumikap maghanapnuhay at lumalaban ng patas. Ngunit dahil sa kanilang kapansanan ay hindi nila kayang makipagsabayan tulad sa mga normal at may kumpletong katawan pagdating sa pagi-empleyo at pagtatrabaho. Ang aming pagtulong ay naka ayon sa prinsipyong “Give a man a fish, you feed him for the day, teach him how to fish, you feed him for a lifetime”. Hindi ka laging dudulutan ng pagkain kailangan mong matuto para mapakain mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga trainings at empowerment programs. Ang mabubuting gawa sa kapwa ay manipestasyon ng pagdaloy ng kabutihan ng Diyos sa aming mga puso na siya naming ginaganapan, Mateo 5:16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit." Kung nais mong tumulong sa kapwa at magkawanggawa suportahan po ninyo ang aming 100 WAYS TO INSPIRE na isang fund raising project. Sa 100 pesos mo nakapag inspire ka na sa maraming tao, makakatulong ka pa sa kapwa mo sa pamamagitan ng mga programang inilulunsad namin sa mga komunidad na aming naaabot. Maraming salamat po, nawa ay sama-sama tayong su-SULONG sa mga laban ng buhay… dalangin po namin na pagpalain po kayo ng Diyos!