23/03/2026
Isang makabuluhang hakbang para sa kalikasan at kinabukasan!
Kahapon March 23, 2026, matagumpay na naisagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing Ceremony ng Sagip Pawikan Sitio Fuerte kasama ang AboitizPower, Province of Bataan, DENR, at LGU Morong sa Orani, Bataan isang 5-taong pagtutulungan para sa mas pinaigting na Pawikan Conservation and Protection Project.
Ang kasunduang ito ay hindi lamang simbolo ng pagkakaisa, kundi isang matibay na pangako para mapangalagaan ang ating mga pawikan at ang kanilang likas na tirahan. Sa tulong ng proyektong ito, mas mapapalakas ang mga hakbang sa conservation, edukasyon, at proteksyon hindi lang para sa kasalukuyan kundi para sa mga susunod pang henerasyon.
Malaki rin ang maitutulong nito sa mga boluntaryo ng Sagip Pawikan, na patuloy na nagsasakripisyo ng oras at lakas para sa adbokasiyang ito. Sa pamamagitan ng suporta at pagkilala mula sa iba’t ibang ahensya at organisasyon, mas lalo pang titibay ang kanilang kakayahan na ipagpatuloy ang kanilang misyon.
Taos-pusong pasasalamat po sa AboitizPower sa inyong walang sawang suporta at malasakit sa kalikasan. Gayundin sa Province of Bataan, DENR, LGU Morong, at sa lahat ng indibidwal at grupong nagbibigay halaga at tulong sa ating adhikain.
Sama-sama, ating pangalagaan ang pawikan. 💚
Para sa kalikasan. Para sa kinabukasan.
#