All UP Academic Employees Union - UP Mindanao

Directions

All UP Academic Employees Union - UP Mindanao Ang AUPAEU-Mindanao Chapter ang unyon ng mga manggagawang pang-akademiko sa UP Mindanao.

01/10/2026
01/10/2026
26/09/2026

UP PRESIDENT ANGELO JIMENEZ, ISULONG ANG DEMOKRATIKONG PAMAMAHALA SA UP, IPAGTANGGOL ANG KARAPATAN AT KAPAKANAN NG MGA RANK AND FILE EMPLOYEES

Tatlong Tsanselor ang muling itinalaga ng Board of Regents sa katatapos nitong pulong sa UP Diliman noong Setyembre 24, 2026. Muling maninilbihan bilang mga Tsanselor ng UP Los Baรฑos si Jose Camacho, ng UP Manila si Michael Tee, at ng UP Visayas si Clement Camposano.

Sa kanilang muling panunungkulan, mahalagang tiyakin na ang pamamahala sa kani-kanilang Constituent University ay nakabatay sa demokratikong proseso, paggalang sa karapatan, at tunay na paglilingkod sa mga sektor ng Unibersidad. Kabilang dito ang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga rank and file employees, ng mga kawani, REPS, g**o, at iba pang manggagawa, lalo ng mga kontraktuwal na kabahagi sa pagpapatakbo at pagpapaunlad ng Unibersidad ng Pilipinas bilang isang akademikong institusyon.

Ang kapakanan at kagalingan ng mga empleado ay hindi dapat maisantabi sa anumang sistema ng pamamahala. Dapat igalang at pangalagaan ng UP ang ating mga karapatan sa makatarungang pagtrato, malayang pagpapahayag, pakikilahok sa mga usaping may direktang epekto sa ating trabaho, at pagkakaroon ng karapatan na makibahagi sa proseso ng pagpili sa mga susunod na administrador. Ito ang ubod ng demokratikong pamamahala sa U.P.

Nitong nakaraang araw, nakatanggap ang ating unyon ng mga ulat hinggil sa mga insidente ng intimidasyon, pananakot, at harassment na nararanasan ng mga empleado sa ilang Constituent Universities. Ibinahagi ng mga karaniwang empleado ang kanilang mga karanasan hinggil sa pagyurak sa kanilang kalayaang magpahayag at pagmamaliit sa kanilang mga karapatan.

Nais nating ipaalala kay Pres. Angelo Jimenez na wala dapat lugar sa Unibersidad ng Pilipinas ang intimidasyon, bullying, harassment, at anumang uri ng pananakot ng mga may administratibong posisyon laban sa mga karaniwang empleado at unyonista ng pamantasan. Ang pagiging administrador ay isang pananagutan sa pamantasan at bayan. Hindi ito dapat gamitin upang supilin, takutin, o hadlangan ang mga empleyado na ipahayag ang kanilang mga hinaing, panawagan at pananaw sa mga isyu sa loob at labas ng pamantasan.

May mga ulat din hinggil sa mga papeles at dokumentong hindi umuusad o matagal ang pag-usad sa mga opisina, mabagal na pagtugon sa mga usapin kaugnay ng grievance mechanism at hindi agarang pag-aksyon sa mga apila at hinaing ng mga g**o, kawani, at REPS kaugnay ng promosyon, benepisyo, at iba pang usaping may direktang epekto sa ating trabaho at kabuhayan.

Ang mga ganitong kalagayan ay nangangailangan ng seryosong tugon mula mismo sa pamunuan ng Unibersidad. Ang isang demokratikong pamantasan ay hindi lamang nasusukat sa mga polisiya nito kundi sa paraan nang maayos na pakikitungo sa kalakhang ng mga empleadong bumubuo at nagpapatakbo sa ating institusyon.

Mahalagang maramdaman ng bawat empleado na ang kanilang mga hinaing ay naririnig at tinutugunan. Malagang makita ng mga rank and file employees na ang kanilang mga karapatan ay iginagalang, at ang kanilang mga reklamo ay inilalatag sa isang patas, epektibo, mabilis, at walang pangamba sa anumang uri ng retalyasyon ng isang administrador.

Dapat ding tiyakin na walang empleado ang matatakot magsalita, maglahad ng hinaing at magpahayag ng posisyon sa mga usapin sa loob at labas ng pamantasan. Ang malayang pagpapahayag at pakikilahok sa mga proseso ng Unibersidad ay mahalagang bahagi ng isang ligtas at demokratikong lugar ng paggawa at akademikong institusyon.

Hindi dapat maging dahilan ang naging posisyon o tindig ng isang empleado sa mga nakaraang proseso ng pagpili o pagtatalaga ng mga administrador upang siya ay gipitin. Sa halip, dapat tiyakin ni Pangulong Jimenez, bilang isang abugado at labor lawyer, na ang lahat ng empleado ay pinakikitunguhan nang may dignidad at walang diskriminasyon o pagganti dahil sa kanilang lehitimong pakikilahok sa demokratikong proseso sa pamantasan.

Ang Unibersidad ng Pilipinas ay dapat maging ligtas na espasyo para sa lahat. Ito ay marapat maging isang lugar kung saan malayang naipapahayag ang mga saloobin, malayang nagkakaroon ng palitan ng mga ideya, perspektiba, tindig, at mga pananaw. Marapat na may puwang para sa kritisismo at palitan ng ideya na walang pananakot o panggigipit, partikular sa mga karaniwang empleado. Sa ganitong paraan lamang matitiyak na tunay ngang buhay ang diwa ng demokratikong pamamahala sa UP.

Walang lugar dapat sa UP ang anumang anyo ng panlalait, pagbabanta, harassment, o hate speech laban sa mga empleado, lalo na kung nagmumula sa mga administrator. Ang panandaliang posisyon na ipinagkatiwala sa mga administrador ay dapat gamitin upang protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga empleado, hindi upang hadlangan ang mga ito.



Statement of All UP Academic Employees Union - UP Mindanao Chapter on the 54th Commemoration of Martial Law"On this 54th...
21/09/2026

Statement of All UP Academic Employees Union - UP Mindanao Chapter on the 54th Commemoration of Martial Law

"On this 54th commemoration of Martial Law, the AUPAEU
UP Mindanao Chapter honors the victims and survivors of human rights violations and recognizes the courage of those who defended freedom and democracy during one of the darkest periods in Philippine history.

As academic workers, we reaffirm our commitment to a university where academic freedom is protected, workers' rights are upheld, human rights are respected, dissent is not criminalized, and knowledge serves the people.

As a union, we will continue to defend the right of workers to organize and speak collectively.

As members of the university community, we will continue to defend the freedom to teach, research, question, and criticize.

And as citizens, we will continue to remember and to ensure that the lessons of Martial Law remain alive for generations to come."





17/09/2026

๐˜ฝ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™๐™‰๐™”๐™Š๐™‰

UMMC, magpupulong sa Set. 22

Nakatakdang magpulong sa darating na Setyembre 22, 2026 ang Union-Management Monitoring Committee (UMMC) na binubuo ng UP Admin panel sa pangunguna ni Vice President for Administration Tiffany Adelaine G. Tan at AUPAEU panel sa pangunguna naman ng pambansang pangulo nito na si Prop. Rommel Rodriguez.

Kabilang sa mga tatalakayin sa nasabing pulong ang leave privileges harmonization, agency fee sa UP Tacloban at UP Open University, 40K Professional Development Grant, TWG on Contractualization, Faculty Welfare Council, ilang mga usapin sa REPS, Union Month sa Oktubre, at ilang pending na memo sa grievance pool at union time privilege (UTP).

Gaganapin ang pulong sa Room 217, Conference Room, Industrial Engineering-Mechanical Engineering (IE-ME) Building, UP Diliman, mula 1:00 hanggang 3:00 ng hapon.

17/09/2026

๐๐”๐Œ๐ˆ๐‘๐Œ๐€ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐Š๐ˆ๐ˆ๐’๐€! ๐Ÿ’๐ŸŽ๐Š ๐๐ƒ๐†, ๐ˆ๐๐ˆ๐†๐€๐˜ ๐๐€!
๐๐”๐Œ๐ˆ๐‘๐Œ๐€ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐Š๐ˆ๐ˆ๐’๐€! ๐Ÿ’๐ŸŽ๐Š ๐๐ƒ๐†, ๐ˆ๐๐ˆ๐†๐€๐˜ ๐๐€!
๐๐”๐Œ๐ˆ๐‘๐Œ๐€ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐Š๐ˆ๐ˆ๐’๐€! ๐Ÿ’๐ŸŽ๐Š ๐๐ƒ๐†, ๐ˆ๐๐ˆ๐†๐€๐˜ ๐๐€!

Naniniwala tayo na ang โ‚ฑ40,000 Professional Development Grant ay hindi lamang isang discretionary benefit, kundi isang makabuluhang institusyonal na suporta at pamumuhunan sa mga taong nagpapatakbo at nagpapaunlad sa Unibersidad. Kaakibat ito ng pananagutan ng UP na pangalagaan ang kapakanan ng mga empleyado at lumikha ng mga kondisyong magbibigay-daan sa kanila upang patuloy na maglingkod nang mahusay sa pamantasan at sa sambayanan.

Pumirma at makiisa sa petisyon:

bit.ly/40kPDG2026
bit.ly/40kPDG2026
bit.ly/40kPDG2026

Kilalanin ang ambag ng mga empleyado!
Suportahan ang propesyonal na pag-unlad!
Kapakanan ng mga empleyado, ipaglaban!
40K PDG, ibigay na! Now na!

17/09/2026

TAYO'Y MGA SULO NA PATULOY SA PAG-ALAB
25 Taon ng Militante, Progresibo, Makabayang Unyonismo:
Mag-aral, Mag-organisa, Makibaka!

Ika-25 taon ngayon ng All UP Academic Employees Union! Abangan ang mga nakahanay na aktibidad at programa sa iba't ibang balangay sa buong UP System ngayong Oktubre 2026!



17/09/2026

๐„๐๐ˆ๐’๐Ž๐ƒ๐„ ๐Ÿ‘ | ๐Ž๐ ๐ˆ๐Œ๐๐„๐‘๐ˆ๐€๐‹๐ˆ๐’๐Œ
๐Ÿ‘ค Prof. Gerry Lanuza
๐Ÿ“… September 18, 2026 (Friday)
โฐ 2:00-4:00
๐Ÿ’ป Zoom

Ano ang imperyalismo at paano nito hinuhubog ang kalagayan ng mga manggagawa at mamamayan? Sa talakayang ito, susuriin natin ang konsepto ng imperyalismo at ang mga epekto nito sa ekonomiya, lipunan, at pulitika ng Pilipinas.

Ang educational discussion na ito ay inihahandog sa pangunguna ng All UP Academic Employees Union โ€“ National (AUPAEU-National) at Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND).

๐Ÿ”— Mag-register dito: https://forms.gle/BhHfWBGjvwC9AMwB6

Samahan kami sa isang talakayang magpapalalim sa ating pag-unawa sa mga puwersang humuhubog sa ating lipunan at kabuhayan.

07/09/2026

๐…๐š๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฒ ๐’๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ซ๐ฏ๐ž๐ฒ ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐‘๐ž๐ฏ๐ข๐ž๐ฐ ๐š๐ง๐ ๐‘๐ž๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐”๐ ๐…๐š๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฒ ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐š๐ฅ

The University of the Philippines has constituted a Technical Working Group (TWG) to review and revise the UP Diliman Faculty Manual, which has also served as a reference for policies and practices affecting faculty in other Constituent Universities (CUs).

The All UP Academic Employees Union is conducting this faculty sensing survey to gather experiences, concerns, and recommendations on provisions of the Faculty Manual that may need to be reviewed, revised, clarified, removed, or supplemented.

The survey does not require respondents to review the entire Faculty Manual. Rather, it seeks to identify areas of concern based on faculty members' experiences and understanding of current policies and practices.

Responses will be used to help identify key policies and priority areas for review and to inform the Union's discussions and submissions concerning the revision of the Faculty Manual.

We also enjoin lecturers, substitutes, TA, TF, REPS with teaching tasks to answer the sensing form.

Please use your UP email address to access the sensing form. The sensing form will be open until September 25, 2026.

https://bit.ly/ReviewUPFacultyManual
https://bit.ly/ReviewUPFacultyManual
https://bit.ly/ReviewUPFacultyManual

Address

Mintal, Davao City
Mintal

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when All UP Academic Employees Union - UP Mindanao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category