22/09/2026
🦟 𝗜𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘, 𝗨𝗚𝗔𝗟𝗜𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝟰 𝗢’𝗖𝗟𝗢𝗖𝗞 𝗛𝗔𝗕𝗜𝗧!
Ang Pamahalaang Bayan ng Minalin, sa pangunguna ni Mayor Philip S. Naguit, ay patuloy na nagpapaalala sa lahat ng Minaleños na makiisa sa kampanya laban sa dengue.
Tuwing alas-kwatro ng hapon, ugaliing isagawa ang mga sumusunod:
✅ TAOB – Itumba ang mga lalagyan ng tubig
✅ TAKTAK – Ipagpag ang mga nakatengga at basang gamit
✅ TUYO – Siguraduhing walang naiipong tubig
✅ TAKIP – Takpan ang mga lalagyang may tubig
💧 Isang simpleng gawi araw-araw ang susi sa malinis, ligtas, at dengue-free na tahanan!