Samahan ng Mag-aaral at Kabataan- Kababaihan (SAMAKA-KA)

Samahan ng Mag-aaral at Kabataan- Kababaihan (SAMAKA-KA) Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahan ng Mag-aaral at Kabataan- Kababaihan (SAMAKA-KA), Community Organization, Miagao.

Ang Samahan ng mga Mag-aaral at Kabataan-Kababaihan ay isang organisasyon ng mga kababaihan, kabataan, pati na rin ng sangkabaklaan na naglalayong magpamulat, mag-organisa, at magpakilos para sa Pambansang Demokrasya at Kalayaan ng Uri.

04/05/2026

๐—”๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น๐˜€?

๐Ÿ’œ HANNAH MONTELIJAO, CAS Councilor
๐Ÿ’œ ZIA LIRIO, USC Councilor
๐Ÿ’œ AYA ITUM, SOTECH Chairperson

๐Œ๐€๐‹๐”๐†๐Ž๐ƒ ๐๐€ ๐ˆ๐๐ˆ-๐„๐๐ƒ๐Ž๐‘๐’๐Ž ๐๐† ๐’๐€๐Œ๐€๐Š๐€-๐Š๐€ ๐”๐๐• ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐ˆ๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐Ž ๐๐ˆ๐“๐Ž๐๐† ๐“๐€๐“๐€๐Š๐๐Ž ๐’๐€ ๐’๐“๐”๐ƒ๐„๐๐“ ๐‚๐Ž๐”๐๐‚๐ˆ๐‹ ๐„๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐๐’Taas kamaong ipinapa...
03/05/2026

๐Œ๐€๐‹๐”๐†๐Ž๐ƒ ๐๐€ ๐ˆ๐๐ˆ-๐„๐๐ƒ๐Ž๐‘๐’๐Ž ๐๐† ๐’๐€๐Œ๐€๐Š๐€-๐Š๐€ ๐”๐๐• ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐ˆ๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐Ž ๐๐ˆ๐“๐Ž๐๐† ๐“๐€๐“๐€๐Š๐๐Ž ๐’๐€ ๐’๐“๐”๐ƒ๐„๐๐“ ๐‚๐Ž๐”๐๐‚๐ˆ๐‹ ๐„๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐๐’

Taas kamaong ipinapahayag ng Samahan ng Mag-aaral at Kabataan-Kababaihan (SAMAKA-KA) UPV ang pagsuporta sa mga miyembro nito na sina ๐—›๐—”๐—ก๐—ก๐—”๐—› ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—๐—”๐—ข na tumatakbo bilang ๐—–๐—”๐—ฆ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น๐—ผ๐—ฟ, ๐—ญ๐—œ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ข na tumatakbo bilang ๐—จ๐—ฆ๐—– ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น๐—ผ๐—ฟ, at ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—œ๐—ง๐—จ๐—  na tumatakbo bilang ๐—ฆ๐—ข๐—ง๐—˜๐—–๐—› ๐—ฆ๐—– ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป sa nalalapit na CAS at SOTECH Student Council Elections.

Si ๐‡๐š๐ง๐ง๐š๐ก ay isa sa pinakamasikhay na miyembro mula pa man noong siyaโ€™y bago pa lamang. Ngayon, bilang kasalukuyang Pangalawang Pangulo ng SAMAKA-KA UPV, hindi kailanman nag-alinlangan si Hannah na ibuhos sa organisayon ang kanyang kagalingan, oras, at kakayahan upang maisulong ang mga kampanyang masa lalong-lalo na ang paglaban sa karapatan ng sangkababaihan at sangkabaklaan. Bilang isang organisasyong masa, madalas ay kinakaharap ang samut-saring mga hamon sa pagpapatakbo nito, subalit naging mas magaan ang mga hamong ito dahil may mga katulad ni Hannah na handang tumangan ng mga gawain sa abot ng kanyang makakaya. Tunay ngang makikita mo si Hannah sa kung saan siya mas kailangan.

Sa mahigit isang taon ni ๐€๐ฒ๐š sa SAMAKA-KA, ang kanyang serbisyo ay inilaan niya sa pagsisilbi sa sangkaestudyantehan bilang kasalukuyang Education and Research Councilor ng UPV University Student Council. Hindi man siya direktang kumikilos para sa organisasyon subalit, ang kanyang masikhay na paninilbihan sa kaestudyantehan ng UPV at ang kanyang militanteng pagtugon sa anumang problemang nakahadlang sa abot ng kanyang makakaya ay patunay ng kanyang pagbitbit sa palaban at militanteng diwa ng mga kababaihan.

Bagaman bago pa lamang nakapiling ng SAMAKA-KA si ๐™๐ข๐š, matagal na siyang nakikiisa sa pakikibaka ng sangkabaklaan noong nasa UP Tacloban pa siya kapiling ang BAHAGHARI. Ang kanyang pagsali sa SAMAKA-KA ay nagpapakita lamang ng kanyang dedikasyon sa pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan at sangkabaklaan. Isa rin siya sa mga masisikhay na kasama sa SAMASA UPV na ginagamit ang kanyang oras at kakayahan bilang Secretary-General sa pagtangan ng mga gawain upang masiguradong maisusulong ang mga kampanya at pagkilos na kailangang bitbitin.

Bukod pa rito, hindi nag-aatubili sina Hannah, Zia, at Aya, na yakapin pabalik ang masang pinagsisilbihan sa pamamagitan ng student and sectoral consultations, mass mobilizations, o sa simpleng kamustahan man lang. Gayon, ginagampan nila ang kanilang mga rebolusyonaryong tungkulin sa kanilang puspusang pagpukaw, pag-organisa, at pagpakilos sa sambayanan tungo sa paglaya ng ari at uri.

Kayaโ€™t sa panahon ng kaliwaโ€™t-kanang mga krisis, nangangailangan ang konseho ng mga ๐“๐”๐๐€๐˜, ๐๐€๐‹๐€๐๐€๐, ๐š๐ญ ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐€๐˜๐€๐๐† mga lider-estudyante na handang panindigan ang karapatan at interes hindi lamang ng sangkaestudyantehan kundi pati na rin ng mas malawak na hanay ng masa. Gayon, hinihikayat ng SAMAKA-KA UPV ang mga mag-aaral ng CAS at SOTECH na samahan sina ๐‡๐š๐ง๐ง๐š๐ก, ๐™๐ข๐š, ๐€๐ฒ๐š, ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐’๐€๐Œ๐€๐’๐€ ๐’๐ฅ๐š๐ญ๐ž๐ฌ sa pagsusulong nila sa interes ng sangkaestudyantehan at sambayanan sa konseho para sa isang mas maka-estudyante at mas maka-masang UP Visayas.

๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—ง๐—˜, ๐—•๐—”๐—•๐—”๐—˜!
๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก, ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—ง๐—˜!





Approved by CAS SEB 2026

๐Ž๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐‡๐€๐˜๐€๐† ๐๐† ๐’๐€๐Œ๐€๐Š๐€-๐Š๐€ ๐”๐๐• ๐’๐€ ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐๐€๐Œ๐๐”๐๐”๐’๐€๐๐Ž๐’ ๐๐† ๐Œ๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐€๐‘ ๐€๐“ ๐๐† ๐„๐’๐“๐€๐ƒ๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐˜๐”๐๐€๐Mariing kinokondena n...
25/04/2026

๐Ž๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐‡๐€๐˜๐€๐† ๐๐† ๐’๐€๐Œ๐€๐Š๐€-๐Š๐€ ๐”๐๐• ๐’๐€ ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐๐€๐Œ๐๐”๐๐”๐’๐€๐๐Ž๐’ ๐๐† ๐Œ๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐€๐‘ ๐€๐“ ๐๐† ๐„๐’๐“๐€๐ƒ๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐˜๐”๐๐€๐

Mariing kinokondena ng SAMAKA-KA UPV ang patuloy na pambubusabos ng 79th Infantry Battalion sa kanayunan ng Negros sa kanilang marahas na pagpaslang sa 19 na mga indibidwal, sa sapilitang pagpapaalis sa mahigit 600 na mga residente, at sa talamak na panlilinlang at pagsisinungaling ukol sa operasyong ginanap sa Brgy. Salamanca, Toboso, Negros Occidental noong ika-19 ng Abril. Patuloy na iginigiit ng militar ang naratibo na ang kanilang mga walang awang pinaslang ay mga miyembro at combatant ng NPA, na taliwas sa katotohanan. Bukod pa rito, hindi binigyang-linaw ng militar kung ano ang magiging kalagayan ng masang kanilang puwersahang pinalayas sa Toboso.

Kaisa ang SAMAKA-KA UPV sa pagdadalamhati ng ibaโ€™t ibang mga komunidad para sa mga biktima ng indiscriminate firing ng berdugong militar na kabilang sina UP Diliman USC Councilor Alyssa Alano, Community Journalist na si RJ Ledesma, at Peasant Advocates na sina Maureen Santuyo at Errol Wendel. Pinili nina Alyssa, RJ, Maureen, at Errol na makipamuhay kapiling ang mga magsasaka ng Negros, na biktima ng land grabbing at kapabayaan ng kanilang lokal na gobyerno, upang direktang mapag-aralan ang kanilang kalagayan. Ang piliing igpawan ang komportableng pamumuhay upang lumubog sa masa at pag-aralan ang lipunan ay hindi kailanman naging mali dahil ang pag-aklas laban sa sistemang patuloy na nagpapahirap at nang-aapi sa atin ay siyang makatarungan. Sa gayon, pinapaabot ng SAMAKA-KA UPV ang pinakamataas na pagpupugay kina Alyssa, RJ, Maureen, Errol, at sa mga kasama nilang nasawi sa kanilang kabayanihan at pagmamahal sa bayan.

Ang nangyaring masaker ay patunay lamang ng pagka-berdugo ng mga militar sa kanilang pagsasawalang-bahala sa buhay at karapatan ng mga mamamayan sa ginawang indiscriminate firing na maging mga inosenteng sibilyan man ay madamay. Kung gayon, sila ay walang lugar sa alinmang espasyo โ€” lalong-lalo na sa loob ng mga pamantasan kung saan dapat ay mayroong kalayaan sa kritikal na pag-iisip at sa pamamahayag. Gayundin, nanawagan ang SAMAKA-KA UPV na ibasura ang mapanlinlang UP-AFP Declaration of Cooperation at ganap na ibalik ang UP-DND Accord!

Nanawagan din ang SAMAKA-KA UPV sa lahat ng mga kabataan na ipagpatuloy ang makabayang diwa nina Alyssa, RJ, Maureen, at Errol. Nawaโ€™y ang kanilang kabayanihan ay magsilbing inspirasyon na patuloy na makibaka laban sa pahirap at mapang-api na sistemang mayroon tayo sa kasalukuyan. Huwag hayaang makulong lamang sa apat na sulok ng ating mga silid-aralan! Pag-aralan natin ang lipunan kapiling ang masa. Patuloy tayong manawagan para sa hustisya at karapatan!

๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ฅ ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ก๐—”๐—ฌ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก!
๐—œ๐—ก๐—จ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—” ๐——๐—จ๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—›๐—œ๐— ๐—˜๐—ก, ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก, ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก, ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก!







๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ
04/04/2026

๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ

02/04/2026

๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ

๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ
31/03/2026

๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ

๐™๐™๐™–๐™ฃ๐™  ๐™ฎ๐™ค๐™ช, ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฃ๐™  ๐™ฎ๐™ค๐™ช! ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™—๐™–๐™ž๐™ฉ ๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค! ๐ŸŒธMaraming salamat sa walang sawang suporta sa ๐•๐š๐ ๐ข๐๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” mula sa aming mga s...
30/03/2026

๐™๐™๐™–๐™ฃ๐™  ๐™ฎ๐™ค๐™ช, ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฃ๐™  ๐™ฎ๐™ค๐™ช! ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™—๐™–๐™ž๐™ฉ ๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค! ๐ŸŒธ

Maraming salamat sa walang sawang suporta sa ๐•๐š๐ ๐ข๐๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” mula sa aming mga sponsor at partner organizations!โœจ Dahil sa inyo, naging mas makabuluhan at matagumpay ang aming layunin para sa isang ligtas at mapagpalayang espasyo para sa sining at pagkababae.

Co-Organized By:
UPV Libertas
Ang Mangingisda
Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan - UPV
UP Hamilia Sisterhood
Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan - UPV
Pagbutlak
League of Filipino Students - UP Visayas

Sponsored By:
Alpha Phi Omega - Kappa Gamma Chapter
UP Hamili Brotherhood - UP Hamilia Sisterhood

Also Supported By:
All UP Academic Employees Union Iloilo Chapter
U.P. SILAB Sisterhood
UPV Sociological Society
Vontori Tattoo & Piercing Studio
Peppert's Samgyupsal House
Alyssum Petals
D'France Foodhouse (Susan's)
CLS Restaurant- UPV Branch
Melden's
Manang Betch Snack Haus
Single Double
Heavens Bliss
Streetea Miag-ao
Mx. Zinnia Tapang
Mx. Ella Alleno
Mx. Jezrel Sharae Quiroz Flores
Mx. Rhea Marie Mula
Mx. Alyanna Toledo
Mx. Nicole Maxene Borja
Mx. Angelo Mullen Estandarte
Ma'am Arielle Estrella
Mx. Bea Elisha Janaban
Mx. Marjhun Christianee Galanido
Assoc. Prof. Alice Prieto-Carolino
Asst. Prof. Thania Coronica
Asst. Prof. Kezzie Lyn Hilado

Special Thanks To:
UPV Skimmers
UPV Oikos Ecological Movement
UPV Discursus
UP Visayas University Student Council

In Media Partnership With:
UP Ichthyophilic Society
UP Fisheries Guild





TINGNAN | Ang Laban ng Kababaihan ay Laban ng Masa!Bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan, ginanap ang Vagi...
29/03/2026

TINGNAN | Ang Laban ng Kababaihan ay Laban ng Masa!

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan, ginanap ang Vaginight 2026 na inorganisa ng Samahan ng mga Mag-aaral at Kabataan-Kababaihan (SAMAKA-KA). Bitbit ang temang โ€œGandang Nahubog sa Piling ng Masa,โ€ itinampok ng programa ang ibaโ€™t ibang anyo ng sining at kolektibong ekspresyonโ€”mula sa cultural performances, open mic session, hanggang sa mga interaktibong aktibidad tulad ng raffle at mga laro.

Opisyal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na mensahe ni Eunice Marie Angelei Tayone, Chairperson ng SAMAKA-KA UPV. Sinundan ito ng video message mula kay Samantha Herbolario, Chairperson ng Anakbayan Panay, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagiging mulat at pagmamalaki sa mga kababaihan. Iginiit niya ang patuloy na pangangailangan ng pagkakaisa sa paglaban sa ibaโ€™t ibang anyo ng pang-aapi sa ilam ng pyudal-patriyarkal na sistema ng Pilipinas.

Hindi lamang usaping pangkababaihan gaya ng diskriminasyon, harassment, at karahasan ang naging sentro ng talakayan. Iniuugnay rin sa laban ng kababaihan ang mga umiiral na isyu ng bansa tulad ng oil price hike, kalagayan ng mga manggagawa, at maging ang mga pandaigdigang usapin gaya ng digmaan at krisis sa Palestine, patunay na ang pakikibaka ng kababaihan ay hindi hiwalay sa laban ng sambayanan.

Pinatingkad ng mga pagtatanghal ang mensahe ng gabi. Inawit ng UPV Choristers ang orihinal na kantang โ€œHindi Babae Lang,โ€ habang nagtanghal ang UP Sonata ng mga piyesang โ€œAyawโ€ ni Syd Hartha at โ€œReyna ng Quezon Cityโ€ ng Juan. Naghandog naman ang Karatula UPV ng isang orihinal na komposisyon, at binigyang-buhay ng Babaylan Acapella ang kantang โ€œNagbabangon ang mga Babaylanโ€ nina Tony Palis at Kalantog.

Hindi rin nagpahuli ang UPV Literati sa kanilang pagbasa ng mga tulang โ€œThe Math of Womanhood According to the Fishermenโ€ ni Memory Prudenciado at โ€œRitual for Two Friendsโ€ ni Ruby Palmaโ€”mga akdang sumasalamin sa lalim at lawak ng karanasan ng kababaihan.

Bilang highlight ng gabi, itinanghal ang Va**na Monologues sa pangunguna ng 36 na performers. Sa pamamagitan ng makapangyarihang pagganap, tinalakay ang mga sensitibo ngunit mahalagang usapin tulad ng panggagahasa, sekswalidad at pag-unawa sa sariling katawan, kalusugan, at ibaโ€™t ibang anyo ng pang-aabuso at opresyon na nararanasan ng kababaihan.

Sa pangunguna ng Babaylan Acapella, nagkaroon ng sabayang pag-awit ng 'Rosas ng Digma' na nagsilbing paalala na ang tunay na pagmamahal ay laging may kaakibat na panlipunang pananagutan. Tulad ng rosas na sumisibol sa gitna ng digma, ang pag-ibig na ito ay hindi lamang pansarili kundi nakaugat sa mas malawak na mithiin. Pag-ibig na matagal nang pinatunayan ng kababaihan: mapagpalaya, matapang, at walang inaatrsan.

Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng panghuling mensahe si Hannah Montelijao, Vice Chairperson ng SAMAKA-KA UPV. Sinundan ito ng sabayang pagsayaw ng One Billion Rising at pag-awit ng UP Naming Mahal.

Higit pa sa isang pagtatanghal, ang Vaginight 2026 ay nagsilbing patunay na ang sining ay hindi lamang para sa aliw, kundi isang makapangyarihang sandata. Hinimok rin ng SAMAKAKA na ipagpatuloy ang laban sa kabila ng pagtatapos ng buwan ng kababaihan.

Sa huli, malinaw ang mensahe ng Vaginight 2026, na ang laban ng kababaihan ay laban ng lahat.


ABANTE BABAE! ๐ŸŒธSa pagdiwang ng kababaihan at pagkababae, mula sa sining at pakikibaka, naipapakita ang husay at kakayaha...
29/03/2026

ABANTE BABAE! ๐ŸŒธ

Sa pagdiwang ng kababaihan at pagkababae, mula sa sining at pakikibaka, naipapakita ang husay at kakayahan sa VagiNight 2026.

Para sa patuloy na pagtindig at pagtagumpay sa iba't ibang larangan, binibigyang-diin ang kanilang hindi natitinag na determinasyon sa pagkilala at pantay na karapatan.

Nanatiling malinaw na marami pang landas ang dapat tahakin tungo sa ganap na pagkakapantay-pantay.

Patuloy nating isulong ang ating mga pangarap kasabay ng ating laban para sa katarungan โœŠ

Sulat | Leura Ledesma & Ella Parreรฑo
Mulat | Jad Moragas & Pia Alexie Nollan

๐’๐ˆ๐๐„๐“๐‚๐‡ ๐ˆ๐“๐„๐˜?!Sa unti-unting pagdungaw ng bulan, kalangitaโ€™y napinta ng asul at lila. At sa kadilimang ito, musika ang m...
27/03/2026

๐’๐ˆ๐๐„๐“๐‚๐‡ ๐ˆ๐“๐„๐˜?!

Sa unti-unting pagdungaw ng bulan, kalangitaโ€™y napinta ng asul at lila. At sa kadilimang ito, musika ang magiging gabay tungo sa mga pasilyo ng CFOS.

Mag-ingat, at baka ikaw ay ma-engkanto ng tinig at sayaw nila.

03.27.2026

Co-Organized By:
UPV Libertas
Ang Mangingisda
Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan - UPV
UP Hamilia Sisterhood
Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan - UPV
Pagbutlak
League of Filipino Students - UPV

Sponsored By:
Alpha Phi Omega - Kappa Gamma Chapter
UP Hamili Brotherhood - UP Hamilia Sisterhood

Also Supported By:
U.P. SILAB Sisterhood
UPV Sociological Sociey
Vontori Tattoo and Piercing
Peppert's Samgyupsal
D'France Foodhouse (Susan's)
CLS Restaurant
Melden's
Manang Betch Snackhaus
Single Double

Special Thanks To:
UPV Skimmers
UPV Oikos Ecological Movement
UPV Discursus
UPV University Student Council

In Media Partnership With:
UP Ichthyophilic Society
UP Fisheries Guild





๐–๐‡๐Ž ๐–๐Ž๐‘๐„ ๐ˆ๐“ ๐๐„๐’๐“???๐Ÿ‘€Ilang oras na lang, magsisimula na ang most-awaited event for Women's Month โ€” the ๐•๐š๐ ๐ข๐๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Ÿชท๐Ÿ’ฆW...
27/03/2026

๐–๐‡๐Ž ๐–๐Ž๐‘๐„ ๐ˆ๐“ ๐๐„๐’๐“???๐Ÿ‘€

Ilang oras na lang, magsisimula na ang most-awaited event for Women's Month โ€” the ๐•๐š๐ ๐ข๐๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Ÿชท๐Ÿ’ฆ

We can't wait to see you wear and style our "๐—ก๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ" shirt ๐Ÿ’œ

Pinakabonggang prizes will be given to those who wear it best ๐ŸŽ

๐˜š๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ, ๐˜ต๐˜ข๐˜ณ๐˜ข? ๐Ÿ‘€

Co-Organized By:
UPV Libertas
Ang Mangingisda
Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan - UPV
UP Hamilia Sisterhood
Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan - UPV
Pagbutlak
League of Filipino Students - UPV

Sponsored By:
Alpha Phi Omega - Kappa Gamma Chapter
UP Hamili Brotherhood - UP Hamilia Sisterhood

Also Supported By:
U.P. SILAB Sisterhood
UPV Sociological Sociey
Vontori Tattoo and Piercing
Peppert's Samgyupsal
D'France Foodhouse
CLS Restaurant
Melden's
Manang Betch Snackhaus
Susan's Food House
Single Double

Special Thanks To:
UPV Skimmers
UPV Oikos Ecological Movement
UPV Discursus
UPV University Student Council

In Media Partnership With:
UP Ichthyophilic Society
UP Fisheries Guild





Address

Miagao
5023

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng Mag-aaral at Kabataan- Kababaihan (SAMAKA-KA) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Samahan ng Mag-aaral at Kabataan- Kababaihan (SAMAKA-KA):

Share