22/12/2025
✨ Isang matagumpay at makabuluhang Year-End Assembly ng Bayugo ng Ikatlong Lahi (BAILAHI)! ✨
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakibahagi, sumuporta, at nagpaabot ng tulong pinansyal upang maging posible ang pagtitipong ito isang selebrasyon ng pagkakaisa, serbisyo, at patuloy na pag-asa para sa LGBTQIA+ community ng Barangay Bayugo.
Taos-pusong pasasalamat po sa aming City Mayor, Atty. Henry R. Villarica, at Vice Mayor Josefina “Jojie” O. Violago, gayundin sa aming Kinatawan ng Ika-4 na Distrito ng Bulacan, Cong. Linabelle Ruth R. Villarica, sa walang sawang suporta at malasakit sa aming sektor.
Maraming salamat din po sa aming mga City Councilors, at sa aming Barangay Captain Joey Matining Uy, kasama ang buong Sangguniang Barangay ng Bayugo, sa patuloy na paggabay at pakikiisa sa mga adhikain ng BAILAHI.
Sama-sama, patuloy nating itaguyod ang isang mas inklusibo, maunlad, at mapagkalingang Bayugo para sa lahat. 🤝
.2024