07/10/2024
Opisyal na kandidato ng
Partido Federal ng Pilipinas (PFP) naghain na nang Coc.
Naging masigla ang ikalawang araw ng filing nang Certificate of Candidacy, kung saan naghain na ng kandidatura sa pagka Gobernador at Bise Gobernador sina Salvador "Bogs" Violago at running-mate nito na si Ex. Meycauayan City Councilor Elmer Paguio, sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.
Kasunod nito'y nag file na rin ng Coc, ang mga kandidato sa pagiging Boardmember mula sa unang Distrito, 2nd, 3rd ,4th at 5th, 6th District ng lalawigan.
Nakiisa rin sa paghahain ng Coc ang ilang barangay officials mula sa syudad ng Meycauayan, maging ang nakatatandang kapatid ni "Bogs" na si former San Rafael Mayor Goto Violago at iba pang mga taga-suporta nito.
Sa labas ng Hiyas Convention Center tumutog ang masayang politikal jingle ng Partido Federal na sinabayan ng pag-indak ng ilang nanghihingi ng tulong sa mga kandidato, na agad inabutan ng financial, nang isa sa mga staff ng Aspirant Gobernor,na labis namang ikinatuwa ng ilang bulakenyos.
Samantala tiniyak naman ni Provincial Election Supervisor Atty. Mona Campos na maayos ang ikalawang araw ng filing ng Coc sa lalawigan ng Bulacan na isinasagawa sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos City.
Aniya sa kasalukuyan wala pang naitatala ang kaguluhan sa mga City at Municipal Election Office sa probinsya.(TDA)