05/12/2025
Magandang araw po sa ating mga Kabarangay!
Kami po ang Tau Gamma Phi / Tau Gamma Sigma – Sto. Niño Chapter, at ikinagagalak naming ibalita ang aming pakikipag-ugnayan sa 1Life Inc., isang organisasyong accredited ng PhilHealth sa ilalim ng YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program).
Sa programang ito, ang mga miyembro ng PhilHealth at ang kanilang mga rehistradong dependents na may valid PhilHealth number ay may libreng access sa iba’t ibang serbisyong medikal—upang matiyak ang kalusugan ng bawat isa nang walang dagdag na gastos.
---
✅ Libreng Serbisyong Medikal
Medical Consultation
Vital Signs Monitoring
(Blood Pressure, Oxygen Level, Temperature, Height, Weight, Heart Rate)
ECG
Urinalysis
FBS (Fasting Blood Sugar) – Kinakailangang hindi puyat at walang kain ng 10 oras
Cholesterol Test
Gamot – Ayon sa rekomendasyon ng doktor
---
🔍 Paalala:
Ang mga tests na nabanggit ay maaaring ma-avail base sa resulta ng inyong konsultasyon.
Kung magrerekomenda ang doktor ng karagdagang laboratory tests na sakop pa rin ng YAKAP Program at available sa 1Life Banawe, maaari po ninyo itong ipagawa doon upang makumpleto ang inyong pangangalaga sa iisang lugar.
Para naman sa mga dependents na gustong magpa-check up, mangyaring magdala ng valid ID o Birth Certificate.
---
📲 Para sa mga nais magparehistro:
Mag-message lamang po nang direkta sa aming page.
---
Lubos na gumagalang,
Tau Gamma Phi / Tau Gamma Sigma
Sto. Niño Chapter