31/03/2026
โจ A night of excellence and global recognition โจ
The Global Guild of Influential Leaders Awards Inc. - Awards Night 2026 successfully honored outstanding leaders, entrepreneurs, and educators at Okada Manila on March 29, 2026.
A special congratulations to the 13 distinguished awardees from RSST, whose dedication and leadership continue to make a meaningful impact. ๐๐
International Influential Icons, Global Hero Awards 2026 na kinomisyon ng Global Guild of Influential Leaders -Awards Inc. Matagumpay.
13 Rizalenyo, pinarangalan.
MATAGUMPAY ang isinagawang International Influential Icons, Global Hero Awards 2026 na kinomisyon ng Global Guild of Influential Leaders -Awards Inc. na ginanap sa Golden Ballroom, Okada Manila noong March 29, 2026.
Umaabot sa 86 na matatagumpay na Interpreneur, Influential Persons at Education Leaders ang pinagkalooban ng parangal sa ibat- ibang kategorya.
Sa opening remarks ni Dr. Christian Simeon Castillo founder ng GGILAI binigyang diin nito na ang leadership ay hindi tungkol sa pร ghingi ng katapatan, kaugnay umano ito sa pagdadagdag ng halaga at pagbibigay ng pabuya at pagbibigay ng halaga sa iba at pananalig.
Sa mga awardee naman umano, hindi lamang sila basta tumayo sa stage para tanggapin ang recognition kundi ang makapagbigay ng higit, isang mensahe, isang layunin, binati rin nito ang lahat ng awardees.
Ayon naman sa Keynote Speaker na si CHED Commissioner Dr. Desiderio Apag, ang parangal na nakamit ng awardee ay resulta ng mga taon ng kanilang pagsisikap, tahimik na sakripisyo, mahirap desisyon at komitment na sumulong kahit ang landas ay hindi madali at na ang bawat pagkilala ay hindi lamang gantimpala kundi panawagan na gumawa ng mas mabuti.
Binigyang diin din nito ang kahalagahan ng liderato.
Nagbigay rin ng kanyang Intermission. - Eric Zapanta Ph.D Ed.D.. MA Music
Nagpaabot din ng kanilang mensahe ang mga evaluator ng GGILAI.
Bago ang pag - aabot ng sertipiko ng parangal, nanumpa ang mga opisyal at mga bagong awardee ng GGILAI na pinangunahan ni Miss Cathy Guiyangco Curtis, long time awardee at Founder/ Owner ng Renaissance School of Science and Technology (RSST).
Kabilang sa binigyan ng parangal sa naturang event ang 13, opisyal at educators ng RSST kabilang sina:
1. Mr. Reynaldo M. Lipio Jr. Educator of RSST na ginawaran ng Awards of Excellence for Global Leadership in Educational Sector 2026, at,
2. Mr. Lance Alexis M. Francisco, Educator ng RSST, na pinagkalooban ng Global Awards of Excellence for Dynamic Leadership and Organizational Growth.
3. Mr. Hero Pagalunan Francisco, Marketing of RSST, na ginawaran ng Global Awards of Excellence in Media Communications and Public Influence 2026.
4. Dr. Marie Tessie A. Vicente, College Dean, RSST na nagkamit ng Global Awards of Excellence in School Governance and Academic Management.
5. Margellene Anne V. Lugto, Educator ng RSST, na pinagkalooban ng Global Awards of Excellence for Strategic Leadership and Corporate Innovation
6. Dr. Nelson S. Gonzales School President, RSST na pinagkalooban ng Global Awards of Excellence for Lifelong Contribution and Academic Mentorship.
7. Ms. Veronica O. Raymundo, Educator of RSST, na ginawaran ng Global Awards of Excellence as Academic Administrator for Inclusive Pedagogy Leadership.
8. Ms. Florence J. Adriatico, Educator, RSST na pinagkalooban ng Global Awards of Excellence as Outstanding Educator and Curriculum Innovation Leader.
9. Ms. Lilibeth A. Condez, Educator of RSST, na pinagkalooban ng Global Awards of Excellence as Trainer and Educational Development Leader.
10. Dr. Rully P. Delos Poyos, Educator of RSST, na pinagkalooban ng Global Awards of Excellence in Strategic Vission and Educational Leadership
11. Ms. Lovelyn Montealegre, Educator ng RSST na pinagkalooban ng Global Awards of Excellence in Transformational Leadership in Education.
12. Miss Cathy Guiyangco Curtis, Founder/ Owner ng multiple organization at school na ginawaran ng Global Awards of Excellence as Outstanding Educational Mentor and Distinguished Academic Catalyst 2026, siya ay humakot ng 4 na awards sa ibat - ibang kategorya.
13. Mr. John Ansel R. Baruel, Educator of RSST, na ginawaran ng Global Awards of in System Management and Operational Strategy 2026.
Todo naman ang pasasalamat ng mga awardee sa nakamit na prestihiyosong award na kinikilala sa international level.
Ang taunang pagbibigay ng parangal ay naglalayong makaimpluwensya sa iba at mas mapalakas ang komitment sa pagtataguyod ng huwarang pamumuno para sa isang maunlad na lipunan.
Ang paggagawad ng prestihiyosong parangal ay isinasagawa Global Guild of Influential Leaders -Awards Inc. hindi lamang sa mga Pilipino na nakagampan ng katangi tanging galing sa pamumuno kundi maging sa mga magagaling na namumuno sa ibat-ibang bansa.
Panoorin ang video sa comment section.