05/05/2026
PAGSISISI
Maawain kong Hesus, kataas-taasang Diyos Anak, na nagpakababang nanaog sa lupa at tinubos ng mahal mong dugo kaming nabawian ng biyayaโt inalipin ng demonyo dahilan sa kasalanang minana sa aming mga magulang. Sa kaibuturan ng aming dibdib, ay inihihiyaw namin ang buong pagtitika sa mahal mong harapan ang aming pagwawalang halaga sa iyong kabutihan, ang masamang pagganti sa iyong awa at pagsuway sa iyong utos. Ngayong nagsisisi na kami ng kasalanan, nagmamakaawa sa iyong habag na kami ay iyong patawarin, alang-alang sa karapatan ng iyong Inang kalinis-linisan at ng lingkod mong si San Isidro. Ilingap sa amin ang mga mata mong maawain at pagkalooban kami ng iyong mahal na biyaya, na maawat kami sa kasalanang pinagkakahiratiran at huwag mawalay sa iyo magpakailan man.
Ipinahahayag namin, na ipinagpipighating masakit sa aming puso ang pagkakasala sa kabutihan mong walang hanggan. Patibayin mo katamis-tamisang Hesus, ang aming karupukan at huwag itakwil ang aming dalangin inihihingi namin sa Iyo ang biyayang ikakalagi namin sa pagi-big at paglilingkod sa Iyo, hanggang sa kami ay pagindapatin mong pagpalain sa kaluwalhatian doon sa Langit.
Siya nawa.
PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW
Makapangyarihang Diyos Amang kataas-taasan, na sa dakilang pagsinta sa amin, ay binigyan mo kami ng isang uliran at mapag-ampong Pintakasing si San Isidrong Magsasaka, na pinagkalooban mo ng mahal na biyaya na gaya ni Moises ng kapangyarihan na kahit lupang kapatagan ay nakapagpapabukal ng tubig sa pagtumbok lamang ng kanyang tungkod at binigyan mo naman ng malaking kasipagan na di ang lupa lamang ang pinagsumakitan niyang pag-anihan, kundi pati kaluluwaโy pinagpilitan din pag-anihan ng magagandang gawa. Hinihingi namin sa iyo, maawaing Diyos, na alang-alang sa karapatan ng mapaghimalang Santo, ay pagkalooban mo kami ng makapangyarihang tulong na makawawala ng katamaran namin sa paggawa ng kabanalan at halinhan mo ng magandang kasipagan ukol sa magaling at ang pagtulad sa kanya ay masundan namin ang biyayang inagaw sa amin ng kasalanan. Umaasa kami Panginoon sa awa among walang hanggan.
Siya nawa
UNANG ARAW
O ulirang Pintakasi naming Amang San isidro. Ang mahinahong mong buhay ay umakay nawa sa amin sa paggawa ng dakilang kabanalan. Sa pagsusumakit ng mga demonyo na kamiโy huwag makapanood sa kaaya-ayang mukha ng Diyos, ay susong-susong tukso ang inihadlang at ibinabagbag sa amin kaya sumasalilong kami sa iyong pagtatangkilit at ng di magahis ang aming karupukan at nagmamakaamo kami sa iyo na ihingi mo sa Diyos ng masaganang biyaya na ikatitibay ng aming loob sa pakikipagtunggali hanggang sa kamatayan at kami ay marapat mapasama sa iyo sa pagpupuri sa Diyos doon sa langit na kaluwalhatian
Siya nawa.
(3 Ama naming, 3 Aba Ginoong Maria, 3 Luwalhati)
ANTIPONA
Lumabas at nagsabog nang binhi ang manananim. Ang butil na napagtamnan sa mabuting lupa ay pinag-anihan ng buong pananagana
V. Ipatnugot ng Mahal na Panginoon ang banal sa matuwid na landas.
R. At ipinakita sa kanya ang kaharian ng Diyos na mataas
PANALANGING PANGWAKAS
Isinasamo naming sa iyo, maawing Diyos na Panginoon namin, na alang-alang sa pamimintakasi sa iyo si San Isidrong Magsasaka, ay huwag mo kaming itulot sa kapalaluan; kundi alang-alang sa karapatan at magagandang halimbawang iniwan niya sa aming ay makapaglingkod sa iyo ng lubos na kapakumbabaan. Alang-alang sa kamahal-mahalan mong Anak na si Hesukristong Panginoon namin, na nabuhay at nakikipaghari sa Iyo magparating man saan.
Siya nawa.
KABABALAGHAN
Sa malimit na pagsisimba ni San Isidro, at pagkawili sa pananalangin sa mga simbahan, ay may nagbintang na pinababayaan niya ang kanyang sinasakang bukid, kaya isinumbong siya kay Ivan de Vargas, na panginoon niya. Sa malaking galit nito'y sinubukan siya sa oras na dapat niyang ipagsaka. Mana nga'y nakita ni Vargas na ang Santo'y pinagigitnaanan ng dalawang bakang nag-aararo na maputi pa sa busilak. Sa nakitang ito'y malaki ang panggigilalas, kaya tumanong at nangusap: โIpahayag mo sa akin, Isidro, kung sino-sino ang katulong mongmagsasaka, na pagkuwaโy nawala nang ako'y malapit.โ โSaakin ay walang tumutulong,โ ang sagot nitong Santo, โkung ako'y magsasaka, kundi ang Diyos na tinatawagan ko, sapagkat diko siya nililimot.โ Sa sagot na ito'y napagtanto ni Vargas ang kabanalan ngkanyang lingkod, at magmula nooโy di na niya ginambala, kundi bagkus pangiginalang.
San Isidro Labrador, ipanalangin mo po kami!