Mauban Young Leaders Organization

Mauban Young Leaders Organization MYLO is a Non-Government Organization dedicated to empowering Kabataang Maubanin.

11/06/2026

| ๐’๐š๐ง ๐‰๐จ๐ฌ๐ž ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐Ÿ“š๐ŸŽ’

Noong June 05, 2026, matagumpay na naisagawa ang ikalawang araw ng Project Salin Suot 2026 sa San Jose Elementary School.

Sa pamamagitan ng sama-samang suporta ng aming mga donors, sponsors, at volunteers, naipamahagi ang mga school supplies sa 45 mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6. Nawaโ€™y maging inspirasyon at dagdag-motibasyon ang munting tulong na ito upang mas pagbutihin pa nila ang kanilang pag-aaral.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga taong naging bahagi ng proyektong ito. Ang bawat donasyon at oras na inyong ibinahagi ay malaking ambag sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga kabataan.

Patuloy nating ipakita na sa pagkakaisa at malasakit, mas marami tayong batang Maubanin na maaabot at matutulungan. ๐Ÿ’™




10/06/2026

| ๐‘๐ž๐ฆ๐ž๐๐ข๐จ๐ฌ ๐ˆ๐ˆ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐Ÿ“š๐ŸŽ’

Noong June 04, 2026, opisyal nang sinimulan ang ikalawang taon ng Project Salin Suot sa Remedios II Elementary School.

Sa tulong ng ating mga donors, sponsors, at volunteers, matagumpay na naipamahagi ang school supplies sa lahat ng 23 mag-aaral ng paaralan. Isang munting handog na inaasahan nating makatutulong sa kanilang paglalakbay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito. Sama-sama po nating patuloy na suportahan ang edukasyon ng bawat batang Maubanin. ๐Ÿ’™




๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚ ๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ, ๐‰๐จ๐ก๐š๐ง๐ง! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰Warmest birthday wishes to our dedicated and passionate MYLO Officer, ๐‰๐จ๐ก๐š๐ง๐ง!Your enthusias...
10/06/2026

๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚ ๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ, ๐‰๐จ๐ก๐š๐ง๐ง! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

Warmest birthday wishes to our dedicated and passionate MYLO Officer, ๐‰๐จ๐ก๐š๐ง๐ง!

Your enthusiasm, commitment, and willingness to serve inspire those around you. Thank you for always giving your best, supporting the team, and helping make every activity and project a success. ๐Ÿ’›๐Ÿ’™โค๏ธ

May your birthday be filled with happiness, endless blessings, and unforgettable moments with the people who matter most. ๐Ÿซถ๐Ÿผ

Enjoy your special day, Johann! ๐ŸŽŠโœจ

๐‹๐”๐™๐Ž๐ ๐…๐ˆ๐๐€๐‹๐ˆ๐’๐“ โœจMauban Young Leaders Organization (MYLO) is proud to be recognized as a Luzon Finalist in the Ten Outsta...
09/06/2026

๐‹๐”๐™๐Ž๐ ๐…๐ˆ๐๐€๐‹๐ˆ๐’๐“ โœจ

Mauban Young Leaders Organization (MYLO) is proud to be recognized as a Luzon Finalist in the Ten Outstanding UN SDG Awards (TOUSA) 2026.

This milestone inspires us to continue serving our community, empowering the youth, and creating positive change through sustainable initiatives.

The awarding ceremony will be held from ๐‰๐ฎ๐ง๐ž 24โ€“28, 2026 in ๐๐ฎ๐ž๐ซ๐ญ๐จ ๐๐ซ๐ข๐ง๐œ๐ž๐ฌ๐š, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐ŸŒด

The journey continues. ๐Ÿ’›๐Ÿ’™โค๏ธ

๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก ๐—ฆ๐—จ๐—ข๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฆ๐˜๐—ผ. ๐—ก๐—ถรฑ๐—ผ ๐—˜๐—ฆ: Kabataan para sa Kabataan, Handog ng ๐Œ๐˜๐‹๐Ž ๐Ÿ“šโœจSa pagpapatuloy ng proyektong Salin Suot 202...
09/06/2026

๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก ๐—ฆ๐—จ๐—ข๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฆ๐˜๐—ผ. ๐—ก๐—ถรฑ๐—ผ ๐—˜๐—ฆ: Kabataan para sa Kabataan, Handog ng ๐Œ๐˜๐‹๐Ž ๐Ÿ“šโœจ

Sa pagpapatuloy ng proyektong Salin Suot 2026, matagumpay na naisagawa ng Mauban Young Leaders Organization (MYLO) ang programa sa Sto. Niรฑo Elementary School na naglalayong makapagbahagi ng tulong at inspirasyon sa mga mag-aaral.

Pinasimulan ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Lance Camacho, na sinundan ng Welcome Remarks mula kay G. Ciriaco Villalva Peralta, Teacher-In-Charge ng paaralan. Nagbigay rin ng mensahe si Brent Danseco, Pangulo ng MYLO, upang hikayatin ang mga mag-aaral na patuloy na mangarap at magsikap sa kanilang pag-aaral.

Naging mas masaya at makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng mga palaro at iba pang aktibidad na inihanda ng organisasyon bago isinagawa ang pamamahagi ng mga school supplies sa mga mag-aaral.

Lubos na nagpapasalamat ang MYLO kina SK Rhose Anjel Parga at PKB Lito Espinas sa kanilang suporta at tulong upang matagumpay na maisakatuparan at maihatid ang proyekto sa Sto. Niรฑo Elementary School.

๐‘ฐ๐’•๐’ ๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’•๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’Œ๐’˜๐’†๐’๐’•๐’, ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ๐’Š๐’•๐’Š, ๐’‚๐’• ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’‰๐’‚๐’ˆ๐’Š, ๐’‘๐’‚๐’•๐’–๐’๐’๐’š ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’”๐’Š๐’”๐’Š๐’๐’ƒ๐’Š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’. โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ



08/06/2026

Para sa giling-giling โŽ
Para sa kabataan โœ…


๐‹๐Ž๐Ž๐Š๐ˆ๐๐† ๐…๐Ž๐‘ ๐†๐„๐๐„๐‘๐Ž๐”๐’ ๐’๐๐Ž๐๐’๐Ž๐‘๐’ โ€ผ๏ธSnacks for students of Sto. Niรฑo Elementary School. ๐Ÿฅฐ
07/06/2026

๐‹๐Ž๐Ž๐Š๐ˆ๐๐† ๐…๐Ž๐‘ ๐†๐„๐๐„๐‘๐Ž๐”๐’ ๐’๐๐Ž๐๐’๐Ž๐‘๐’ โ€ผ๏ธ

Snacks for students of Sto. Niรฑo Elementary School. ๐Ÿฅฐ



๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก ๐—ฆ๐—จ๐—ข๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—˜๐—ฆ: Kabataan para sa Kabataan, Handog ng ๐Œ๐˜๐‹๐Ž ๐Ÿ“šโœจSa ikalawang araw ng proyektong Salin Suot 20...
06/06/2026

๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก ๐—ฆ๐—จ๐—ข๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—˜๐—ฆ: Kabataan para sa Kabataan, Handog ng ๐Œ๐˜๐‹๐Ž ๐Ÿ“šโœจ

Sa ikalawang araw ng proyektong Salin Suot 2026, muling isinagawa ng Mauban Young Leaders Organization (MYLO) ang makabuluhang gawaing naglalayong maghatid ng tulong at kasiyahan sa mga mag-aaral ng San Jose Elementary School.

Pinasimulan ang programa sa isang panalangin, na sinundan ng pambungad na mensahe ni Gng. Nora F. Biรฑos, Teacher in charge ng paaralan. Nagpaabot din ng suporta si Committee on Education Chairperson Kagawad Patricia Camposano, at mensahe mula kay Brent Danseco, MYLO President. Naging mas masigla ang programa sa pamamagitan ng mga palaro at iba pang aktibidad na inihanda ng organisasyon para sa mga kabataan, bago isinagawa ang pamamahagi ng mga school supplies sa mga mag-aaral. Nagtapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni G. Vincent Pasatiempo, MYLO Adviser.

Lubos ang pasasalamat ng MYLO sa lahat ng mga indibidwal at grupong nagbigay ng suporta at donasyon na naging daan upang matagumpay na maisakatuparan ang proyekto.

๐‘ฐ๐’•๐’ ๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’•๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’Œ๐’˜๐’†๐’๐’•๐’, ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ๐’Š๐’•๐’Š, ๐’‚๐’• ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’‰๐’‚๐’ˆ๐’Š, ๐’‘๐’‚๐’•๐’–๐’๐’๐’š ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’”๐’Š๐’”๐’Š๐’๐’ƒ๐’Š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’. โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ




๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก ๐—ฆ๐—จ๐—ข๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฅ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ผ๐˜€ ๐—œ๐—œ ๐—˜๐—ฆ: Kabataan para sa Kabataan, Handog ng ๐Œ๐˜๐‹๐Ž ๐Ÿ“šโœจSa ikalawang taon ng proyektong Salin Suot...
05/06/2026

๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก ๐—ฆ๐—จ๐—ข๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฅ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ผ๐˜€ ๐—œ๐—œ ๐—˜๐—ฆ: Kabataan para sa Kabataan, Handog ng ๐Œ๐˜๐‹๐Ž ๐Ÿ“šโœจ

Sa ikalawang taon ng proyektong Salin Suot, muling isinagawa ng Mauban Young Leaders Organization (MYLO) ang makabuluhang gawaing naglalayong maghatid ng tulong at kasiyahan sa mga mag-aaral ng Remedios II Elementary School.

Pinasimulan ang programa sa isang panalangin, na sinundan ng pambungad na mensahe ni Gng. Ronalyn Oriasel Laroga, Head Teacher 1 ng paaralan, at mensahe mula kay Brent Danseco, MYLO President. Naging mas masigla ang programa sa pamamagitan ng mga palaro at iba pang aktibidad na inihanda ng organisasyon para sa mga kabataan. Matapos nito, isinagawa ang pamamahagi ng mga school supplies sa mga mag-aaral.

Lubos ang pasasalamat ng MYLO sa lahat ng mga indibidwal at grupong nagbigay ng suporta at donasyon na naging daan upang matagumpay na maisakatuparan ang proyekto.

๐‘ฐ๐’•๐’ ๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’•๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’Œ๐’˜๐’†๐’๐’•๐’, ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ๐’Š๐’•๐’Š, ๐’‚๐’• ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’‰๐’‚๐’ˆ๐’Š, ๐’‘๐’‚๐’•๐’–๐’๐’๐’š ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’”๐’Š๐’”๐’Š๐’๐’ƒ๐’Š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’. โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ




๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—”๐——๐—” ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐— ๐—ฌ๐—Ÿ๐—ข ๐—œ๐—ก ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก!Sa pagsisimula ng panibagong school year, nakiisa ang Mauban Young Leaders Organiz...
03/06/2026

๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—”๐——๐—” ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐— ๐—ฌ๐—Ÿ๐—ข ๐—œ๐—ก ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก!

Sa pagsisimula ng panibagong school year, nakiisa ang Mauban Young Leaders Organization sa Brigada Eskwela 2026 ng ๐‚๐š๐ ๐ฌ๐ข๐š๐ฒ 1 ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ Naglaan ng oras at lakas ang mga miyembro ng organisasyon upang makatulong sa paghahanda ng paaralan para sa nalalapit na pagbabalik-eskwela. Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling ipinakita ng MYLO ang diwa ng bayanihan at malasakit para sa edukasyon. ๐Ÿ“š๐Ÿงน



Address

Mauban, Quezon
Mauban
4330

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mauban Young Leaders Organization posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share